Five days ago... RYAN DELA CRUZ "Nakapag-shower ka na? Ready na ako. Tara na. Haha." Palapit na sana 'ko sa kama nang i-send ko ang text na 'yon kay Wynter. Pero hindi natuloy ang pagsampa ko nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto, isa sa mga guestroom nila Peter. Binulsa ko muna sa short ko ang cell phone bago lumapit sa pinto. Binuksan ko 'yon at ang maasim niyang pagmumukha ang bumungad sa 'kin sa labas. "Boy." Hawak niya ang cell phone niya sa kabilang kamay at doon siya nakatingin bago siya mag-angat ng mukha sa 'kin. "Gising na raw si Ryza." Hindi agad ako nakakilos. Para 'kong naestatwa sa kinatatayuan ko. 'Yung utak ko parang naging isang movie na biglang pinindot ang rewind sa remote, at bumalik ako do'n sa oras bago kami ikasal ni Wynter, kung saan nagmamakaawa

