WYNTER JUAREZ Dahil sa sobrang pagluluha ng mga mata ko, hindi ko naiwasang pumikit at pahirin iyon. Ngunit ang malaking ipinagtaka ko, pagdilat ko ay wala na ang babaeng nakahandusay na nakita ko kanina. Maging ang dugo na umaagos sa semento ay wala rin. Malinis. I looked around trying to find her. I'm confused. Yumuko pa ako sa ilalim ng sasakyan para subukang sumilip doon, ngunit wala akong nakita. Who's Ryza? Iyon ang tanong na tumatakbo ngayon sa isip ko. Dahil kanina noong nakita ko ang mukha niya, iyon agad ang pangalang nag-come up sa akin base sa itsura niyang pamilyar na pamilyar. But I don't exactly remember kung sino siya. BEEP! Halos magulantang ako nang businahan ako ni Ryan. Iyon din ang tila nagpabalik sa akin sa ulirat kaya mabilis akong humakbang pabalik sa sasakyan

