WYNTER JUAREZ Nang makita niya akong napaupo ay agad siyang yumuko para abutin ang kamay ko. He grabbed my wrist using his right hand, ngunit agad ko iyon binawi nang may pwersa. "Bitawan mo 'ko!" "Ahh!" Dumaing siya at napahawak sa ibabaw ng balikat niya dahil nahila ko ang braso niya nang bawiin ko ang kamay ko. Pero hindi ko pinansin iyon at kusa akong tumayo sa sarili. Hinawakan ko ang handle ng maleta ko at hinila iyon para makalayo sa kaniya. "Wynter." Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. "Ang aga-aga, saan ka ba pupunta?" Naabutan niya ako at tumayo siya sa harapan ko kaya natigilan ako. "Matapos ang mga nalaman ko, what do you expect me to do? Kung p'wede nga lang akong umalis kagabi, baka kagabi pa kita nilayasan!" Inirapan ko siya at muling nilagpasan. Nagkabunggo pa ang

