RYAN DELA CRUZ Sa mansyon ako umuwi dahil 'yon ang bilin sa 'kin ni lolo sa mga nakaraang text niya. May pag-uusapan din daw kasi kami ulit. At hindi ko pa man siya nakakaharap, hindi ko pa man naririnig ang mga sasabihin niya, parang naririndi na agad ako, lalo na at naiisip kong baka tungkol na naman 'yon sa pagpilit niya sa 'kin na pakasalan si Wynter. "Dumiretso raw po kayo sa working room ni Don Adolfo," bungad agad sa 'kin ni Yeng—isa sa mga maid sa mansyon. Kanina ko pa siya natanaw na nakatayo sa tapat ng main door. Mukhang kanina niya pa 'ko tinatambangan. "Sige." Mabilis ko na siyang nilagpasan para puntahan si lolo sa working room niya sa taas. Pagbukas ko sa pinto, naabutan ko siya sa table niya, kaharap at kausap niya ang secretary niyang si Dan. Pero agad din silang tumi

