WYNTER JUAREZ "WYNTEEEER!!! P*TANGINA, NASAAN KA?!!!" O____O Nangilabot ako sa pagsigaw na narinig ko. Ayos lamang sana kung si Kuya Hanz iyon. Sana si Kuya Hanz na lang... Ayos lang sa akin kung bumalik siya para saktan ako o bugbugin. Mas okay iyon sa akin. Pero... Ry...Ryan...? Tila humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan nang marinig ko ang mabibigat niyang yabag palapit sa akin. Iyong pagsigaw niya ay punung-puno ng poot. Gusto kong tumakbo palayo, o kahit magtago na lang kung saan. Dahil pakiramdam ko, sa lahat ng nangyari sa akin ngayong araw...parang ito ang tatapos sa katatagan ko. Ngunit ang masakit, hindi ko magawang kumilos. Nakaabang lamang ako sa direksyon kung saan magsasalubong ang aming mga tingin sa oras na makarating siya sa kusina. At ito na nga, grabe ang

