Chapter 99. "Time of death, 1:05 PM"

1791 Words

RYZA SAMSON Umaagos ang luha sa pisngi ko habang nakasakay sa kotse. Nasa VP road ako. Pabiyahe na pauwi na sa condo galing sa Villasis Park. Ako lamang mag-isa ang naglakas-loob na puntahan si Wynter upang komprontahin. Ang totoo, kanina noong papunta pa lamang ako, pinlano ko na agad sa isip ko ang gagawin ko sa kaniya. Sa oras na makita ko siya, sasampalin ko siya, sasabunutan, aawayin, sisigawan, susumbatan at mumurahin. Pero lahat ng iyon ay nawala sa utak ko. Lalo na noong lumuhod siya sa harap ko habang nagmamakaawa at sinasabi niyang hindi niya iyon sinasadya. Maybe she was telling the truth kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa. Awa na may kasamang sakit dahil sa puso ko, gusto ko talaga siyang kamuhian. Pero paano ko iyon gagawin kung pati sarili ko ay sinisisi ko rin?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD