WYNTER JUAREZ "Ano'ng pag-uusapan natin?" I asked Kuya Hanz as I handed him the glass of water na ni-request niya. Naupo na rin ako sa couch. Hindi kami magkatabi dahil nasa isahan siya, ako naman ay nasa mahaba. "Is there any place you want to go to? For vacation," diretso niyang tanong sa akin matapos niya pangalahatiin ang tubig sa baso, saka niya iyon inilapag sa center table. Mugto pa rin ang mga mata ko mula sa pag-iyak kanina, ngunit sa pagkakataong 'to, kailangan kong magpakatapang. Bahagya nagsalubong ang mga kilay ko. "Vacation?" "Yes." "Why suddenly?" I asked, curious. Hindi kasi sumagi sa isip ko na pupunta siya rito ngayon para lang alukin akong magbakasyon, given na sobrang busy niya sa buhay. Hindi siya iyong tipo ng tao na mag-aaksaya ng oras para lang sa ganitong bag

