WYNTER JUAREZ Kasalukuyan akong naghuhugas ng bigas para sa hapunan namin ni Ryan. Wala sana akong balak magluto ulit, like kaninang tanghali ay nag-cup noodles lang ako dahil hindi naman siya umuwi. At ngayong gabi, naisip ko naman na baka kumain na siya sa labas kaya plano ko na lang sanang maglaga ng saging na saba para hapunan ko. Ngunit nag-text siya sa akin at sinabing pauwi na siya at dito raw siya kakain sa bahay. Mabuti na lamang ay hindi ko na kinailangan pang magluto ng ulam dahil bibili na lamang daw siya ng liempo sa madadaanan niyang litsunan. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil hindi naman ako nagtatanong. Hindi rin siya nagsasabi kaya hinahayaan ko na lamang siya. Pero sa tingin ko ay hindi siya galing sa company dahil naka-casual short lang siya kanina, t-shirt a

