WYNTER JUAREZ Nang maubos ni Rico ang kaniyang kape, hindi na rin siya nagtagal pa. Nagpaalam na siya sa amin. Hinatid ko pa siya hanggang sa makalabas sa gate, maging si Ryan ay bumuntot pa sa akin. Hind kami masyadong nakapagkuwentuhan dahil halos si Ryan ang naging kausap niya. Boys talk ang nangyari at feeling close agad si Ryan dito. "Kailan mo lang pala s'ya nakilala tapos sasama ka na agad lumabas para magkape?" Napailing pa siya nang bahagya habang papasok na kami sa loob ng bahay. Nasa bandang hulihan ko siya. Naitanong niya kasi kanina iyon kay Rico, kung paano kami nagkakilala at sinabi ni Rico na sa labas daw ng convenience store, recently lang. At okay naman ang mukha niya kanina nang sabihin 'yon ni Rico, nakangiti pa nga siya kaya bakit parang pinagagalitan niya ako ngay

