[A day ago...] RYAN DELA CRUZ BANG! BANG! BANG! Dahil sa naging tama ko sa balikat, hindi ko na nakontrol ang manibela. Naibunggo ko 'yon sa pader. Mabilis kong tinakpan ng isang palad ko ang balikat ko kung saan tumatagas ang dugo. Napangiwi ako sa sakit. Masakit. Makirot. Mahapdi. Sinikap kong makababa sa sasakyan nang makita kong malayo na ang sasakyang sumusunod sa 'kin kanina. Medyo lutang isip ko ngayon sa pagkataranta at hindi ko alam ang gagawin dahil sa nararamdaman kong dugong umaagos mula sa balikat ko pababa sa braso. Nababasa no'n ang manggas ng long sleeves ko. T*ngina. Ospital. 'Yun ang kailangan mong gawin. Pumunta ka sa ospital! Bumalik ako sa loob ng sasakyan. Kahit wasak ang harap no'n, gumana pa rin naman. Umandar pa. Kaya kahit masakit balikat kong may tama ng

