WYNTER JUAREZ Sinundan ko siya papasok sa loob ng bahay. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang asawa ko. Sobrang guwapo. Bakit? Ano'ng magandang nagawa ko sa past life ko at binigyan ako ng ganito kagandang lalaki? Mukhang masarap pa. Hmp! "Kung ikaw ang asawa ko, bakit hindi mo 'ko nilapitan kanina noong nagkabunggo tayo sa bilihan ng milktea? Bakit iniwan mo 'ko? Bakit hindi mo 'ko hinintay?" sunud-sunod kong tanong habang nakabuntot ako sa kaniya paakyat sa hagdan. "Saka bakit palihim mo akong sinusundan kanina? P'wede mo naman akong lapitan at kausapin para sabihin sa 'kin na ikaw ang asawa ko." Bigla siyang huminto saktong nasa taas na kami, saka siya pumihit para harapin ako. Saglit niya lang akong tiningnan sa mukha dahil sumulyap siya sa bandang tiyan ko, sabay tanon

