Chapter 110. Dan's Story

2146 Words

THIRD PERSON POV Nang dumating si Dan sa lugar na binanggit sa kaniya ni Ryan ay naabutan niyang wala na itong malay. Gano'n din ang lalaking nakasuot ng itim na jacket. "Leo! Bilis! Tulungan mo 'kong isakay si Ryan sa sasakyan! May sugat s'ya!" Mabuti na lamang ay isinama niya si Leo at ito ang kinatulong niya. Si Ryan ang una nilang inasikaso dahil may agos ng dugo sa sementong kinabagsakan nito, sa tapat ng kaniyang balikat. Isinakay nila ito sa backseat saka nila binalikan ang isa pang lalaki. Nakatanggal na ang mask nito ngunit nakatagilid kaya't kinailangan pang itihaya ni Dan upang kilalanin. At gano'n na lamang ang gulat nila nang mamukhaan ito. "Sir, si Bon 'to, 'di ba?" ani Leo. "Oo. Emergency driver ni Margarette," tugon ni Dan. Kahit madalang itong sumulpot sa mansyon a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD