THIRD PERSON POV Ryan huffed after he read the text message from his screen, na galing kay Wynter. Saglit pa siyang napatitig doon. "Luto na itlog mo! Kumain ka! Hindi nakakamatay ang pagsusungit, pero ang gutom, oo!" Wala sana siyang balak tumayo ngunit ang sikmura na mismo niya ang pumipilit sa kaniya. He was starving at mas gusto niyang pagtiyagaan ang pritong itlog na sinasabi ni Wynter sa text kaysa sa una nitong niluto na hilaw pa ang manok. Dahil sa sakit ng balakang, mabagal ang kaniyang naging paglakad. Hanggang ngayon din ay ramdam niya ang p*******t ng puwetan dahil sa pagkakabagsak niya kanina. Hindi rin niya napigilang mapailing at bahagyang mapangiwi nang maalala niya ang inabot na sakit matapos nitong pagsisipain ang kaniyang pagkalal*ki na inakala pa niyang kikitil

