WYNTER JUAREZ "Matapos mo 'ko lamugin, gagawin mo 'kong driver?" Inis siyang napailing nang magsimula na sa pagmamaneho. Paalis na kami sa bahay dahil gaya ng napag-usapan namin ay sasamahan niya ako sa university para mag-enoll. "Husband duty," nakangiti at mahina ko namang tugon sabay sulyap sa mga kamay niyang nakahawak sa manibela. Ngunit hindi ko naiwasang malungkot nang makitang hindi niya suot ang wedding ring namin. What could I expect? Napayuko ako sa kamay kong nakapatong sa aking kandungan. Sabagay, hindi ko rin naman suot ang sa akin. Gustuhin ko man kasing isuot ay hindi ko magawa dahil sobrang luwag no'n sa dalari ko. Kaya ang ending, ginawa ko na lamang iyon pendant sa kwintas ko na siyang nakasuot sa akin ngayon, nakakubli sa collar ng aking blouse. "Pagkatapos mong

