The Governor's darkest side

1621 Words
Chapter 4 Hindi dinala ng Gobernador sa hospital si Jane Rose. Tumawag lang siya ng private Doctor at nurses para magamot ang sugat nito. He is better safe than putting their lives into more danger. He needs to dig deeper. And he will make sure na mananagot ang sino mang gumawa nito sa kanya! He's trying his best to be kind and helpful to everyone. Pero may mga tao parin na galit at inggit sa kanya. May hinala na siya kung sino. At hinahanap nalang niya ang mga galamay nito. Sigurado siya na may traydor sa mga tauhan niya! Sinadya talaga niyang huwag magdala ng maraming bodyguards. At ng mangyari ang insidente ay walang ibang tao na nasa kanyang tabi kundi ang bago niyang Pet at ang kanyang kanang kamay na si... "Boss! Here they are." Sabi ni Eugene at itinulak ang limang kalalakihan na may mga pering sa kanilang mga mata. Napatingin ang Gobernador kay Eugene. He is his right hand man! Pero hindi niya alam kung bakit tila nag-iba ang tingin niya rito. Parang saglit na nawalan siya ng tiwala kay Eugene. To the point na hindi pala niya ito kilala ng lubusan! Nakita lamang niya ito sa labas ng kanyang mansion na duguan at nag-aagaw buhay. Dahil sa kilala siya bilang butihing Gobernador ay tinulungan niya ito at ipinagamot. Nang magising ito ay nagmakaawa na bigyan siya ng trabaho. Ayaw na nitong bumalik sa kanyang Bayan dahil sa pagmamaltratong natatanggap mula sa kanyang step-father. Walang kapatid at patay na ang ina. There's no reason for Eugene to stay with his cruel step-father. Tumakas daw ito pero nahuli. Bugbog sarado at nakatakas din namang muli. And the rest is history when the Governor found him. "Boss?" Nagtatakang tanong ni Eugene. Nakatingin lang ang Gobernador sa kanila at tila wala sa sarili. "Boss?" Muling tanong ni Eugene. Nagbalik sa kasalukuyan ang Gobernador at umayos ng pagkakatayo. Nakalimot siya sandali! Kung anu-ano na ang kanyang naiisip. "Yes, Let them kneel." Seryosong sagot ng Gobernador habang galit na nakatingin sa limang mapangahas. "Let me go!" Galit na sigaw ng leader. Sa limang assassin, Ang leader lang nila ang matapang. Mas lalong nairita rito ang Gobernador! "Do you think you can go?" Nakangising tanong ng Gobernador sabay tanggal sa pering nito. At hindi mo man lang kakikitaan ng takot ang leader ng mga assassin! "Wala akong pakialam!" Matapang na sagot nito. "Huh! Ang tapang mo. May ipinagmamalaki ka ba? Sino ang nag-utos sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ng Gobernador. Sa halip na sumagot ay dinuraan ng leader ang mukha ng Gobernador! Mabilis na itinali ni Eugene ang bibig ng leader. At binigyan ng panyo ang Gobernador. Alam niyang galit na ito! "How dare you!" Sigaw ng Gobernador at binigyan ng flying kick ang leader ng mga assassin. Lumipad ito at halos malukot ang katawan. Takot na takot na ang apat na tauhan nito. Hindi sila takot sa Gobernador. Kundi takot silang mamatay! ********************* Samantalang nagising si Jane Rose mula sa nakagigimbal na bangungot. Simula ng magpunta siya sa Bayan ng Santa Leticia ay hindi na natigil pa ang kanyang masamang panaginip. Pinagpapawisan siya at nauuhaw. Napatingin siya sa paligid. Nasa isang kwarto siya! Nasaan ako? Nagtataka niyang tanong. Akma siyang babangon ngunit namilipit siyang bigla ng makadama ng sakit sa kanyang tiyan. At nanumbalik ang nangyari kanina. Iniligtas niya ang Gobernador at siya ang nasaksak. Buhay ako! Mahinang sambit ni Jane Rose. Napatingin siya sa ref na nasa kanyang gilid. Muli siyang nakadama ng pagka uhaw. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad ng mabagal papunta sa ref. Dahil naka dextrose ay mas lalong mahirap sa kanya ang kumilos. Pero nauuhaw na siya at wala siyang mautusan. Gumaan ang kanyang pakiramdam ng maka inom ng tubig. Napagpasyahan niyang lumabas at hanapin ang Gobernador. Gusto niyang malaman ang kalagayan nito. Kahit hila-hila ang dextrose ay lumabas parin siya! Tahimik na ang buong paligid. Sa tantiya niya ay madaling araw na. Nasaan ang Gobernador? Tanong niya sa kanyang isipan. Kahit natatakot ay nagpatuloy parin siya sa paglalakad. Hindi rin siya makakatulog hangga't nanganganib pa ang kanilang buhay. Hindi niya alam kung ligtas na ba sila pwera nalang kung makausap na niya ang Gobernador. Sa kanyang paglalakad ay nakarinig siya ng malakas na sigaw! Bigla siyang kinabahan at nag-alala. Sa pag-aakalang may nangyaring masama sa Gobernador. Tinanggal niya ang dextrose at napatakbo ng wala sa oras kung saan nanggaling ang sigaw. At hindi nga siya nagkamali. Nakita niya ang Gobernador. Lalapitan na sana niya ito ng bigla nitong paputukan ng baril ang limang assassin! Nagulat si Jane Rose at mabilis na napaatras. Nagtago siya sa isa sa mga kotseng naka park doon. Nanginginig ang kanyang tuhod sa nasaksihan. Kakaiba ang aura at mukha ng Gobernador ngayon. Kasing bangis ng Tigre at kasing lupit ng Lion! Hindi niya ito kilala. Ang Gobernador na kaharap niya kahapon ay maamo ang mukha at mga mata. Ang nakikita niya ngayon ay mga matang nanlilisik! Napasiksik siya sa kotse ng makarinig ng muling sunod-sunod na putok. "Huh! Ang tigas niyo talaga! Mas pipiliin niyo pa ang mamatay keysa sabihin kung sino ang nag-utos sa inyo?" Galit na tanong ng Gobernador at muling ikinasa ang kanyang baril. "M-magsasalita na po!" Sigaw ng isa sa mga assassin. "Traydor! Itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong mamatay!" Sigaw ng leader ng mga assassin. Pero hindi nakinig ang kanyang isang tauhan. Mas pinili nitong kumampi sa Gobernador. Kahit sino naman ang kampihan niya ay mamamatay parin siya! Sugal nalang itong gagawin niyang pagsasalita. Baka maawa ang Gobernador sa kanya. "Ang nag-utos sa amin ay si-" Hindi naituloy nito ang sasabihin dahil bigla itong bumagsak na butas na ang noo. May sniper na kalaban sa paligid! "Bullshit! Bantayan at huwag hayaang makatakas ang mga ito!" Galit na sigaw ng Gobernador at pinagbabaril ang mga kaaway. Si Jane Rose naman ay parang basang sisiw na nagsumiksik sa kotse at tinakpan ang kanyang teynga. Natatakot siya! Ayaw pa niyang mamatay! "Miss?" May kumalabit sa kanyang braso. "Ahhhhhhhhh" napasigaw ng malakas si Jane Rose sa pag-aakalang killer o assassin ang nasa harapan niya ngayon. "Calm down Miss! I'm your nurse. Kanina pa kita hinahanap." Paliwanag nito. Napatingin si Jane Rose sa babaeng nakaputi at nurse nga ito! Patuloy parin ang putukan at tila mahihimatay na siya sa sobrang takot. "Oh my! Your wound is bleeding!" Gulantang na sigaw ng nurse. "H-ha?" Nanginginig na tanong ni Jane Rose at napatingin siya sa kanyang tiyan. May dugo! Hindi niya ito napansin dahil sa sobrang takot. Baka bumuka ang kanyang sugat ng bigla siyang tumakbo kanina. Gusto niyang mahimatay pero pinilit niya ang sarili na huwag mag panic. Naninikip narin ang kanyang dibdib at papunta na ito sa panic attack! "Let's go. Kailangan matingnan kaagad ang sugat mo." Sabi ng nurse at inakay siya papalayo. "Get him!" Galit na sigaw ng Gobernador ng makatakas ang leader. At patakbo ito kina Jane Rose! Walang sinayang na sandali ang leader at mabilis na hinablot si Jane Rose. "She's bleeding! Let her go!" Nahintakutang sigaw ng nurse. "Bullshit!" Galit na sigaw ng Gobernador. "Sige! Lumapit kayo at papatayin ko ang babaeng ito!" Pagbabanta ng leader ng mga assassin. Pakiramdam niya ay importante si Jane Rose sa Gobernador dahil pinagamot pa talaga ito sa private Doctor and nurses. Si Jane Rose ang gagawin niyang pananggalang upang mailigtas ang sarili. Napangisi pa ito habang iniisip ang kanyang pagtakas. Ang hindi niya alam ay hindi na siya makakatakas pa dahil ginalit niya ang Gobernador! "Surrender or you will die," seryosong sabi ng Gobernador habang nakatingin sa leader ng mga assassin. Pakiramdam ni Jane Rose ay maiihi na siya. Dahil sa mga oras na ito ay takot na takot na talaga siya! Unang araw palang ng pagiging Governor's Pet ay nalagay kaagad sa alanganin ang buhay niya! Ang buong akala niya talaga ay sa mansion lang siya at magpapasarap pagkatapos ay mag sho-shopping ng walang humpay. Pero kabaliktaran ang mga nangyayari ngayon! Hindi niya lubos-maisip kung ano ang sinapit ng kanyang kapatid sa kamay ng Gobernador. Kung naging Governor's Pet ba ito ay hindi niya alam! Basta huwag lang siyang mamatay sa mga oras na ito ay maipagpapatuloy niya ang paghahanap sa kanyang Ate Naomie. "Ate..." She desperately said. Kasabay ng pagdarasal na sanay huwag muna siyang mamatay ngayon! "Huh! Sige at ng sabay kaming mamatay ng babaeng ito!" Muling pagbabanta ng leader ng mga assassin. Napangisi lang ang Gobernador sabay puntirya ng kanyang baril sa assassin. "I don't care. You will die today if you don't surrender," kalmadong sagot ng Gobernador. "Haha! Papatayin ko ang babaeng ito!" Galit na sigaw ng leader. Napapikit nalang si Jane Rose dahil malapit na siyang mawalan ng ulirat. Dama niya na ang baril na nasa kanyang ulo. Ayaw pa niyang mamatay! Pero walang pakialam ang Gobernador sa kanya kung mamatay man siya! Nasaksihan niya ngayon ang kalupitan ng Gobernador. His cruel and evil side! Na buong akala niya ay haka-haka lamang. Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na walang pakialam ang Gobernador sa kanya. Kahit ikamatay pa niya ay desidido na ang Gobernador na hulihin ang leader ng mga assassin! "I'm giving you ten seconds to surrender. 1, 2, 10!" Sigaw ng Gobernador at mabilis na binaril ang kamay ng leader na may hawak ng baril. Sunod niyang binaril ay ang magkabilang tuhod nito. "Ahhhhhhhhh" sigaw nito na namilipit sa sobrang sakit. Nabitawan niya si Jane Rose at mabilis naman siyang sinalo ng Gobernador. Ligtas na siya pero pakiramdam niya ay hindi parin siya ligtas sa mga kamay ng Gobernador! Kahit pilitin niyang ibuka ang kanyang mga mata ay pumipikit parin ito. "Are you okay?" Tanong ng Gobernador. Gustuhin man niyang sumagot ay hindi niya nagawa dahil nilamon na siya ng kadiliman...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD