Knight in Shining Pet

1237 Words
Chapter 3 Sumapit ang umaga na walang tulog si Jane Rose. Hindi siya mapakali at pakiramdam niya ay bibitayin siya mamaya! Nag-aalala siya na baka nag-aabang lang ang kanang kamay ng Gobernador na si Eugene sa labas ng pintuan at pagkatapos ay bigla nalang siyang barilin! Napabalekwas ng bangon si Jane Rose ng makarinig ng sunod-sunod na katok. Nanginginig ang kanyang buong katawan dahil sa takot. Bakit ba siya matatakot? Dahil kapag nahuli siya ay wala ng maghahanap sa ate niya! "Jane Rose?" Tinig mula sa labas ng kanyang pintuan. Napabuntunghininga siya ng malalim ng makilala ang boses ng Gobernador. Napatigil siya sa paglalakad. Nagiging paranoid na siya! What if isinumbong siya ni Eugene sa Gobernador? Hindi niya talaga maiwasan mag-isip at mag overthink! "Are you there?" Muling tawag ng Gobernador sa kanya. Move your as*** Jane! Sigaw niya sa kanyang isipan. "Y-Yes, Governor." Napa Ingles pa tuloy siya ng wala sa oras! "We gotta go. Can you fix yourself within 10 minutes?" Tanong nito. 10 minutes? Di-makapaniwalang tanong ni Jane Rose sa kanyang isipan. She has no choice but to say yes! "Yes!" Sigaw niya at mabilis na kumaripas papuntang banyo. First time in her life na maligo na wala ng hilod-hilod! Deretso shampoo at sabon narin siya pagkatapos ay itinapat ang ulo sa shower. And she's done! Gusto pa sana niyang mag enjoy maligo under the shower pero sa susunod na niya magagawa ito. Pagkatapos ay dali-dali na siyang nagbihis. Kung ano ang nahila niyang damit sa closet ay yon na ang isinuot niya. Napakaraming damit pala at ngayon lang niya napansin! Paglingon niya sa gilid ay may malaking salamin at meron din iba't-ibang make-up. Lahat na yata ng pampaganda ay nandiyan na. In fairness, galante ang Gobernador. But she has no time for that. Kailangan niya ng lumabas dahil malapit na ang 10 minutes! Nagpahid lang siya ng konting foundation at lipstick. Wisik-wisik ng pabango. Yon na! Humahangos siya ng makalabas ng kwarto. At tumambad sa kanyang harapan ang gwapong mukha ng Gobernador na si Bryant. And she is mesmerized for a second. Pero agad din siyang bumalik sa huwisyo at naging alerto sa harapan ng Gobernador. "Amazing!" Puri sa kanya ng Gobernador. "Thank you," nakangiting sagot ni Jane Rose. At least may ganda points siya for today. She needs to earn the Governor's trust! "Let's go," Paanyaya ng Gobernador at nauna ng lumabas sa kanya. Nakasunod lang siya sa likuran ng Gobernador ng makita ang kanang kamay nito na si Eugene. Bigla na naman nanginig ang kanyang kalamnan at labis na kaba ang kanyang nadama ng magtama ang kanilang mga mata ni Eugene. Pero bakit siya matatakot? Mabait sa kanya ang Gobernador. That means ay hindi nagsumbong ang kanang kamay nito. Pero bakit? Nagtatakang tanong ni Jane Rose sa kanyang sarili. Hindi niya na pinansin si Eugene dahil sasakit lang ang ulo niya. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ng Gobernador. Medyo malayo narin ang kanilang nabiyahe. Buti nalang at sila lang ng Gobernador ang nasa loob ng sasakyan at wala si Eugene. Pansin ni Jane Rose na parang may mali! Pagkakaalam niya ay hindi pwedeng lumabas ang Pet ng Gobernador. Sa loob lang ito ng mansion at maghihintay kung kailan paglalaruan ng Gobernador. But what am I doing here? Kinakabahan na tanong ni Jane Rose sa kanyang sarili. Papatayin ba ako ng Gobernador? Muli niyang tanong sa kanyang isipan. At saktong napatingin din ang Gobernador sa kanya. He smiles but she finds it creepy! Napilitan siyang mapangiti ng hilaw at hindi naman ito nahalata ng Gobernador. At sa wakas ay nakarating din sila sa bayan ng Santa Cruz. Hindi alam ni Jane Rose kung ano talaga ang ginagawa nila sa bayang ito. Napakalayo nito sa Bayan ng Santa Leticia. Pero naging panauhing pandangal ang Gobernador ng bayang ito! Sa kalagitnaan ng talumpati ng Gobernador sa pagtanggap niya ng award ay biglang nagsigawan ang lahat ng makarinig ng mga putok ng baril! Limang armadong kalalakihan ang biglang sumulpot na nanggaling sa kung saan. Ang puntirya ng mga ito ay ang Gobernador! Nataranta si Jane Rose at hindi alam ang gagawin sa labis na takot. Ang sabi ng mga tao ay mabait ang Gobernador. Pero bakit may gustong pumatay sa kanya? Naguguluhang tanong ni Jane Rose sa kanyang isipan. "Mamamatay kana ngayon Gobernador! Hahahaha!" Sigaw ng armadong lalaki. "Tumawag kayo ng pul-" Hindi na naituloy pa ng isang lalaki ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang itong bumulagta sa kanilang harapan. Butas ang ulo at nakadilat pa ang mga mata! Gustong masuka ni Jane Rose sa nasaksihan pero pinigilan niya. "Kung ako sa inyo ay manood nalang kayo at itikom ang inyong mga bibig." Galit na sigaw ng lalaki. "Kung gusto niyo pang mabuhay!" Muling sigaw nito at itinutok ang kanyang baril sa mga taong takot na takot na nagtatago sa ilalim ng mga lamesa. Hula ni Jane Rose ay ito ang leader ng grupo. Napatingin siya sa Gobernador. At kalmado lang ito! Habang siya ay halos maihi at mamatay na sa takot! Who are you Governor? Wala sa sariling naitanong niya sa kanyang isipan. "Men, Kill this bastard!" Sigaw ng leader at mabilis na nagsilapitan ang mga tauhan nito. Pero mabilis din ang kanang kamay ng Gobernador na si Eugene at nakipagtuos sa mga mapangahas. Sa kasamaang palad ay natalo ito at walang malay na itinapon sa baba ng stage ng mga armadong kalalakihan. Nakatakip ang kanilang mga mukha kaya walang nakakakilala kung sino ang mga ito! "Patay kana ngayon!" Sigaw ng leader at mabilis na inatake ang Gobernador. Nag-aalala si Jane Rose para sa kaligtasan nito. Pero maliksi at sanay sa pakikipaglaban ang Gobernador! Ang takot na nadarama ni Jane Rose ay napalitan ng paghanga! Mabilis na napabagsak ng Gobernador ang mga armadong kalalakihan. Wow! Bulalas ni Jane Rose habang nakatingin sa pawisang Gobernador. "Let's go, it's not safe here." Sabi ng Gobernador at hinila ang kanyang kamay. Hindi siya nakasagot dahil na shock sa biglaang pag holding hands nila ng Gobernador! Pababa na sila ng stage ng makita ni Jane Rose na bumangon ang leader at patakbo itong lumapit sa kanila. Nakangisi ito dahil hindi siya napansin ng Gobernador. At ng malapit na ito sa kanilang kinaroroonan ay nanlaki ang mga mata ni Jane Rose dahil may hawak pala ang leader na isang matalim na kutsilyo! Biglaan ang pangyayari at hindi ito napansin ng Gobernador. She has no choice but to protect the Governor! Sinangga niya ang pagsaksak ng leader at siya ang natamaan. "D-dugo?" Nanginginig na tanong ni Jane Rose habang hawak ang kanyang tiyan na duguan. "s**t!" Galit na sigaw ng Gobernador at binigyan ng malakas na sipa ang leader. Bumagsak ito sa baba na wala ng malay. "Hey! Hang in there. Dadalhin kita sa hospital." Sabi ng Gobernador habang niyuyugyog ang balikat ni Jane Rose. Pero manhid na ang pakiramdam niya at gusto ng pumikit ng kanyang mga mata! Bago pa tuluyang nagdilim ang kanyang paligid ay nakita niya ang kanang kamay ng Gobernador. Kanina lang ay nahimatay ito at ngayon ay gising na gising na seryosong nakatingin sa kanya. Kung nagising na ito... Bakit hindi man lang nito tinulungan ang Gobernador laban sa mga armadong kalalakihan? Nagtatakang tanong ni Jane Rose sa kanyang isipan bago siya tuluyang nahimatay. Sa isipan niya ay mabuti ng sinangga niya ang kutsilyo para sa Gobernador. Dahil gusto niyang makuha ang tiwala nito! Pero kailangan niyang mag-ingat sa kanang kamay ng Gobernador...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD