Caught but Saved

1397 Words
Chapter 2 Mabilis ang takbo ni Jane Rose dahil hinahabol niya ang kanyang Ate na matagal ng nawawala. "Ate! Don't leave me!" Malakas na sigaw ni Jane Rose. Ngunit ang kanyang ate ay hindi siya naririnig at tuloy-tuloy parin ito sa pagtakbo. Hindi rin tumigil si Jane Rose sa paghabol. Ng biglang huminto ang kanyang Ate... "Ate!" Masayang sigaw ni Jane Rose ng maabutan niya na ito. "Jane Rose," sagot nito sa malamig at malamyang boses. Nang magtaas ng mukha ito ay... "Ahhhhh!!!!" Malakas na sigaw ni Jane Rose ng makita ang duguang mukha ng kanyang kapatid! Tumakbo siya papalayo sa kanyang ate dahil natatakot siya sa duguang mukha nito. "Hey, Wake up!" Sigaw ng Gobernador na si Bryant. Niyugyog niya si Jane Rose dahil wala parin itong tigil sa kaka-sigaw at pinagpapawisan narin ang noo nito. Hindi parin nagising si Jane Rose kaya walang choice si Bryant kundi sampalin siya. Effective naman dahil mabilis na nagdilat si Jane Rose ng kanyang mga mata at napasigaw ng makita ang Gobernador. "Ahhhhh! What are you doing in my room?" Nagtatakang tanong ni Jane Rose na binalot ng kumot ang kanyang katawan. Napataas naman ng kilay si Bryant. Baka nanaginip lang ang babaeng ito! Bulong ni Bryant sa kanyang sarili. "Don't ask the obvious. Can't you see that this is not your room?" Naiiling na tanong ng Gobernador. Napakurap-kurap naman ng mga mata si Jane Rose at pinagmasdan ang kanyang paligid. Wala siya sa kanyang kwarto! Mabilis pa sa alas kwatro na nag-iba ng expresyon ng kanyang mukha si Jane Rose. From maldita to maamong mukha na hindi makabasag pinggan. She needs to behave kung ayaw niyang mawala ang oportunidad na ito! Alam niyang maldita na siya noon paman at siya ang tagapagtanggol ng kanyang Ate. At kailangan din niyang magpanggap at kumalma para rin sa kanyang Ate! Pero bakit nasa kwarto siya ng Gobernador? Kagabi lang ay nasa Underground Disco Bar siya! "Ano ang nangyari?" Naguguluhang tanong ni Jane Rose sa Gobernador. Naiiling na napatawa ng malakas ang Gobernador. Hindi lang pala basta nananaginip ang babaeng ito. Kundi lutang na lutang din! Imbes na magalit siya sa mga taong ganito kahina ang utak ay natuwa pa siya. There's something wrong! Hiyaw ng Gobernador sa kanyang isipan. Noon ay balewala lang sa kanya ang kanyang mga Pet basta makaraos lang. Pero ngayon ay kakaiba dahil naaaliw siya imbes na magkaroon ng pagnanasa sa babaeng kaharap niya ngayon! "You forgot darling. Hinimatay ka ng mahalikan kita," nakatawang sagot nito. Nang maalala na ni Jane Rose ang lahat ng nangyari ay gusto nalang niya na kainin ng lupa. Nakakahiya! Hindi niya naman first kiss ito. Simpleng halik ng Gobernador ay nahimatay na siya. Paano pa siya magiging Pet nito? Baka bawiin ng Gobernador at ipatapon nalang siya. Focus Jane! Hiyaw niya sa kanyang isipan. "I'm sorry Governor. Nagutom lang ata ako kagabi," nahihiya niyang paliwanag. Mas lalo siyang napahiya! Walang ibang pumasok na sagot sa kanyang isipan kundi ito lang. "It's okay," sagot ng Gobernador. "But- tomorrow. You will officially become my Pet. And hopefully ay hindi kana himatayin. Or else ay mapipilitan akong maghanap ng iba." Seryosong sabi ng Gobernador. Bumangon naman si Jane Rose at umayos ng pagkakaupo. "Don't worry Governor. It will not happen again." Sabi ni Jane Rose. "Well, Welcome to my home!" Bati nito sa kanya. Nagtaka naman si Jane Rose. Home? Wala sa sariling tanong niya. "Yes my home," tila nahulaan naman ng Gobernador ang nasa kanyang isipan. "You will be staying here in my Mansion for one month as my Pet." Paliwanag nito. Mansion?! Hiyaw ni Jane Rose sa kanyang isipan. Nakapasok narin siya sa wakas sa mansion ng Gobernador! Natutuwa niyang bulong sa sarili. "You are free to roam around except on the 3rd floor. And don't ask me why because I won't gonna give you an answer." Seryoso ang mukha ng Gobernador habang sinasabi ito. Bigla naman kinabahan si Jane Rose. Ano ang nasa third floor? O sabihin na nating Sino?! Tila nabuhayan siya ng pag-asa. Pakiramdam niya ay nasa third floor ang kasagutan kung nasaan ang kanyang Ate o nasa third floor ito at nakakulong?! "Hey, Are you listening?" Sigaw ng Gobernador ng makitang lutang na naman si Jane Rose! "Yes?" Ganting tanong ni Jane Rose. "I said na walang katulong dito. You should cook on your own. Ikaw lahat maglilinis. It's also part of being the Governor's Pet." Muling paliwanag ng Gobernador. Walang problema sa kanya. Mas gusto nga niya ito dahil walang makakapigil sa kanyang pagpunta sa third floor kung wala ang Gobernador! "Yes Governor. No problem," nakangiti niyang sagot. Ang problema lang ay hindi siya marunong magluto! Kahit mahirap sila ay hindi niya talaga matutunang magluto. Ang masarap magluto ay ang ate niya. At miss na miss niya na ang mga masasarap na luto nito! "That's good then," sabi ng Gobernador at sabay alis. Naiwan siya na nag-iisa. At wala siyang sinayang na sandali. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at bumuluga sa kanyang harapan ang napakalaking mansion ng Gobernador. Napatingin siya sa baba. Pagkatapos ay sa itaas. Nasa second floor siya! Muli siyang tumingin sa itaas. Ang misteryosong third floor na gustong-gusto niya ng pasukin. Calm down Jane! Saway niya sa kanyang sarili. Alam niya na nandito lang ang Gobernador. At hindi niya alam kung saan ang kwarto nito. Kailangan ay hindi siya magpa dalus-dalos! Hindi na siya kumain ng hapunan dahil busog naman siya. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na huwag lumabas ng kwarto! Curious talaga siya sa 3rd floor kung ano ang nasa loob nito. Dahan-dahan siyang naglakad paitaas. Papunta sa third floor. Nagtaka siya dahil isa lang pala ang kwarto rito! Ang nag-iisang kwarto na may kulay gintong door knob. Nandito kaya si Ate? Naitanong niya sa kanyang isipan. Bahala na! Muli niyang kausap sa kanyang sarili at mabilis na binuksan ang pintuan. Pero labis ang kanyang pagkadismaya ng hindi niya ito mabuksan dahil naka lock. Shit! Sigaw niya sa kanyang isipan. Tila ba nabobo siya saglit. Sino ba naman ang mag-iiwan ng bukas ang pintuan nitong misteryosong kwarto na ito?! Natampal niya ang noo for being stupid. Para mawala ang curiosity sa kanyang isipan ay pinilit niyang buksan ang pintuan kahit naka lock ito. Pero hindi talaga mabuksan. Stupid Jane! You should calm down! Pinagalitan niya ang kanyang sarili. Padalos-dalos siya at tila nakalimot na nasa poder siya ng Gobernador. Anumang oras ay maaaring manganib ang kanyang buhay kapag nahuli siya! Bigla siyang kinabahan at mabilis na tumakbo pababa sa second floor. Sa kasamaang palad ay nakasalubong niya si Eugene na kanang kamay ng Gobernador! "Ano ang ginagawa mo rito?" Nakakunot noong tanong ni Eugene. He looks at her from head to toe. Pinagpapawisan na ng malala si Jane Rose. Am I going to die? Natatakot niyang tanong sa sarili imbes na sagutin ang tanong ni Eugene. "Are you deaf? Bakit ka nandito? Bawal ang ibang tao sa third floor," muling tanong ni Eugene na nakahanda na ang baril sa kabilang kamay. Kung spy ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay siguradong mabubutas ang ulo nito. Mag-isip ka Jane! Natatarantang sigaw ni Jane Rose sa kanyang isipan. "Ha? Nasa Second Floor ako!" Buti nalang at nakababa na siya sa second floor. "Yes you are. But I saw you coming down from third floor. Tell me-" naputol ang sasabihin ni Eugene ng barahin siya ni Jane Rose. Kinabahan siya at nataranta ng makita ang baril na hawak ni Eugene! "Wait! Naligaw lang ako. Hinahanap ko ang kwarto ko. At hayon ata!" Turo ni Jane Rose sa nakabukas na pintuan. Buti nalang at naiwan niyang nakabukas ang pinto ng kwarto niya. May rason siya na pumasok kaagad dito! "Sige, matutulog na ako!" Paalam niya at kumaripas na ng takbo. "Wait!" Sigaw ni Eugene. Ngunit hindi na muling lumingon si Jane Rose at malakas na isinarado ang pintuan ng kanyang kwarto. Napailing nalang si Eugene. He's amuse with the new Governor's Pet. Which is dapat ay hindi niya maramdaman. He should not! Napabuntunghininga nalang ng malalim si Eugene at napatingin ng naiiling sa kwarto ni Jane Rose. Samantala, sobrang kaba naman ang nadama ni Jane Rose ng makapasok na sa kanyang kwarto dahil akala niya ay katapusan niya na! "I'm saved," bulong niya sa kanyang sarili habang abot parin ang hininga. Alam niyang mahirap at delikado ang kanyang ginagawa. But she's determine to find her sister!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD