Chapter 14 Pinilit ng Gobernador na maging busy buong araw upang mapagod siya at huwag ng isipin pa si Jane Rose. Palagi niya rin sinasabi sa kanyang sarili at isipan that she's just his Pet. And nothing else! Pero sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay matamis na ngiti nito ang kanyang nakikita. Maging sa pagtulog ay laman din ito ng kanyang mga panaginip. Preferably his wet dreams is all about her! At ngayon nga ay pauwi na siya sa mansion. Pinilit niyang mag overtime buong gabi upang huwag makita si Jane Rose. Kahit pagod na pagod na siya ay dilat na dilat naman ang kanyang mga mata! Kahit saan siya tumingin ay mukha ni Jane Rose ang kanyang nakikita. Para itong multo na ayaw siyang patahimikin. Ayaw niyang makita si Jane Rose kahit pa umuwi na siya ng mansion. Per

