Chapter 13 Akala ni Jane Rose ay babalik sila sa party. Buti nalang at uuwi na sila. Her dress was ruined at itinapon pa ng Gobernador ang suit ni Marco. Parang basang sisiw siya ngayon. Kanina lang ay nangangarap siya ng gising. Ngayon ay naglaho na dahil nagising na siya sa katotohanan. Ni hindi nga nag offer ng kanyang suit ang Gobernador! Dahil nga akting lang ang lahat kaya gano'n... Siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang ilusyon. Nang makarating na sila sa parking area ay nagtaka siya kung bakit wala ang driver! "Bryant, Ikaw ang mag dra-drive?" Nagtatakang tanong ni Jane Rose. Medyo malayo din ang old mansion at mahaba ang biyahe pabalik. Hindi niya alam kung kakayanin mag drive nito ng mahabang oras. At isa pa, Hindi pa niya ito nakitang mag drive! "Yes, Sit at

