Chapter 12 Parang malas ata siya palagi sa tuwing ilalabas siya ng Gobernador. Noong una niyang labas ay muntik na siyang mamatay. Ngayon naman ay tiyak na ambulansiya din ang aabutin niya sa mga kamay ng baliw na spoiled brat girl na ito! Nasaan kana Bryant? Muli niyang tanong sa kanyang isipan. Pero alam niya na hinahanap na siya ngayon ng Gobernador. Ipinagdarasal lang niya na buhay pa siya kapag natagpuan na siya nitong muli! "Bitiwan niyo ako!" Pagpupumiglas ni Jane Rose ng mahawakan na siya ng mga maids ni spoiled brat girl. "Huh! How dare you walk out on me!" Galit na sigaw nito at binigyan siya ng magkabilang sampal pa talaga. Napabuntunghininga nalang siya sa sobrang sakit na kanyang nadama. "Dalhin yan sa magical forest. Doon ko bibitayin ang babaeng yan!" Muling sigaw n

