"HEY PIERRE ANAK, may bisita ka" "Ayoko ng kausap Mom" narinig niya ang sigaw ni Pierre. Nang makita niya ang pagsenyas ng ina ni Pierre ay dahan dahan siyang pumasok ng silid. "Pierre?" mahinang tawag niya dito. Laking gulat niya nang makita si Pierre, sa dalawang araw na lumipas ay ang laki agad ng pinagbago nito, ang maitim na eyebags, magulong buhok, ang damit na suot nito noong pumunta ito sa opisina ang suot pa din ni Pierre, at ang pagpayat nito na nangyari lang sa dalawang araw. Sobrang gulo din ng silid nito na parang pinagtatapon ang mga gamit. "Babes?" gulat na banggit sabi nito nang makita siya. Babangon sana ito pero tila walang lakas para makatayo. "Maiwan ko muna kayo" paalam ni Tita Andy. Tulad ng usapan ay iiwan na nakabukas ang pintuan para kapag may nanyaring hind

