bc

Bodyguard (Ang Alaala)

book_age16+
492
FOLLOW
2.0K
READ
detective
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Si Samantha ang nag-iisang anak ng pamilya Madrigal, mula nang mamatay ang kanyang ina mula sa aksidente ay pakiramdam nito ay nag-iisa na siya sa buhay kahit andiyan pa ang kanyang ama. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang madalas nilang pagsasagutan ng kanyang ama, hindi niya matandaan ang isang pangyayari na dahilan ng hindi nila pagkakasundo ng kanyang ama.

Mas lalo lang nadagdagan ang galit niya dito dahil sa pagpapalit ng bodyguard niya na hindi niya alam. Si Alex, na parang ang daming nililihim sa sarili at parang may tinatagong galit sa kanya.

Paano kung isang araw ay malaman niya na meron ngang tinatago si Alex, ang kanyang ama, at higit sa lahat ang kanyang alaala?

Paano niya matatanggap ang isang katotohanan na sa ibang pamilya pala siya nararapat at hindi sa pamilyang Madrigal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“DAD, WHAT IS THIS?” tanong ni Samantha sa kanyang ama habang nag-aalmusal. Pagka-gising niya ay nakatanggap siya ng isang mensahe galing kay Rebecca na hindi na ito ang magiging bodyguard niya. “What?” balik tanong ng kanyang ama, tiningnan siya nito na nagtataka sa kung ano ang tinatanong niya. “You fired Rebecca? Why?” galit na taong niya. “So? She’s not doing her job well, she deserved it” muli itong humarap sa lamesa para ipagpatuloy ang pagkain. “What do you mean? Ang tagal ko na siyang bodyguard ha?” patabog siyang umupo sa kanang bahagi ng kanyang ama. “Yeah, matagal na siya kaya nga nakampante na ako sa kanya na akala ko okay siyang magtrabaho” sagot ng kanyang ama na hindi man tumingin sa kanya. “Dad, what do you mean?” may pagtatakang tanong niya. Tumingin sa kanya ang kanyang ama. “Alam kong sinusuhulan mo si Rebecca para makaalis kayo ni Pierre ng hindi siya kasama” sabi nito. Nagulat man siya sa sinabi ng kanyang ama, agad naman siyang nakabawi para hindi siya mahalata nito. “So what Dad? Boyfriend ko naman si Pierre e” pagda-dahilan niya. “I know hija, pero sa nangyayari ngayon, you are not allowed to go outside without your bodyguard, hindi ba yan ang napag-usapan natin?” binitawan ng ama ang kubyertos na hawak nito at sumandal sa upuan nito para mas maayos siyang makausap nito. “But Dad, it’s Pierre. Hindi naman niya hahayaan na may mangyari sa akin e, or you just don’t trust me?” sagot niya sa kanyang ama na may pagtaas ng kilay. Bumuntong-hininga muna ang ama niya bago sumagot. “I trust you Samantha, but I don’t trust Pierre” sagot nito. Napasimangot siya sa sinabi ng kanyang ama. “Until now Dad hindi pa din okay sa inyo si Pierre? Ang tagal na naming magka-relasyon, halos lahat ginawa na ni Pierre para lang patunayan niya ang sarili niya sayo” pagtatanggol niya sa kanyang kasintahan. “I just don’t feel him Samantha” maikling sagot ng kanyang ama. “I don’t get you Dad” mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at patabog na tumalikod sa kanyang ama para iwan ito. “You will meet your new bodyguard, he will be there soon” Napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ng ama niya, lumingon muli siya dito. “He? You mean lalaki ang bago kong bodyguard?” tanong niya sa kanyang ama. “Yes hija” maikling sagot nito at nagpatuloy muli sa pagkain. “Dad, hindi mo man lang inisip si Pierre!” pagmamaktol na sagot niya. Nilingon siya ng kanyang ama bago sumagot. “If he really loves you, he will understand” sagot nito. Ngumisi lang siya na may halong irap sa kanyang ama. “Whatever Dad” umalis siya sa harap ng nito na nagdadabog. Dumeretso siya sa kanyang silid at patabog na isinara ang pintuan, binato niya ang kanyang selpon sa higaan. Bumuntong hininga muna siya bago umupo sa kanyang higaan at kinuha ang larawan ng kanyang ina na nakapatong sa isang side table ng kanyang higaan. “Nanay, sana nandito ka para may kakampi ako. Mula ng mawala ka, lagi na lang masungit si Daddy sa akin” niyakap niya ang larawan ng kanyang ina. Namatay sa isang aksidente ang ina ni Samantha, pitong taon na ang nakakalipas. Kasama siya sa aksidente pero nakaligtas siya ngunit ang kanyang ina ay dead on arrival. Halos isang buwan siyang walang malay pagkatapos ng aksidente dahil napuruhan din siya sa pagsabog ng sasakyan. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa kanyang ina sa dahil buong buro at libing ay nasa ospital siya. Pag-gising niya ay doon niya lang nalaman na wala na ang kanyang ina at ang kanyang ama na lang ang kasama niya. Madalas silang hindi mag-kasundo ng kanyang ama dahil sobrang higpit nito sa kanya. Naging mahigpit ito dahil ayaw nitong mangyari uli ang nangyaring aksidente sa kanyang ina. Kinuhaan siya ng bodyguard at iyon ay si Rebecca, halos anim na taon na ding naninilbihan si Rebecca sa kanya kaya sobra ang gulat niya ng malaman niya na tinanggal siya ng kanyang ama. Pero na-guilty din siya para kay Rebecca dahil totoo naman ang sinabi ng kanyang ama na sinusuhulan nila si Rebecca para lang makaalis nang hindi ito kasama, kung tutuusin ay kasalanin din niya kung bakit nawalan ng trabaho si Rebecca. Ngunit nagtataka siya kung paano nalaman ng kanyang ama. Impossible naman na si Pierre ang nagsabi dahil hindi naman kasundo ng ama nito ang kanyang kasintahan. Nagulat na lang siya mula sa kanyang pag-iisip nang tumunog ang kanyang selpon. Kinuha niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag, agad niya iyong sinagot nang makita niya na si Pierre ang tumatawag. “Hello Babes” sagot niya. Pinindot niya ang loud speaker para hindi na niya na hawakan ang kanyang selpon. “Babes, how are you? Tuloy ba tayo later?” tanong ni Pierre na nasa kabilang linya. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. “Babes, I think hindi muna” malungkot na sagot niya. May usapan silang dalawa na gagala ngayon dahil linggo at wala silang trabaho. “Are you okay Babes?” Hindi agad siya nakasagot. “Nag-away na naman kayo ng daddy mo?” Bumuntong hininga muna siya. “Hay! Yes babes, nagkasagutan na naman kami ni daddy” malungkot niyang sagot. “I told you to understand him, alam mo naman ang pinanggagalingan ni Tito diba?” “You know what Babes, sana naririnig ka ngayon ni daddy” humiga siya sa kanyang higaad at pinagmamasdan ang kisame habang kausap si Pierre. “What do you mean?” “Never mind” ang maikling sagot niya. “Hmm..For sure it’s all about me, hindi pa din ako okay kay Tito no?” narinig niya ang pagbuntong hininga ng kanyang kasintahan. “I don’t understand him, ang tagal tagal na natin pero hanggang ngayon hindi pa din siya okay sayo” nakasimangot na sabi niya. “It’s okay Babes, dadagdagan ko na lang ang effort ko para naman maging karapat dapat na ako sayo” Bahagya siyang ngumiti dahil sa sinabi ng kanyang kasintahan. “And you know what Babes, he fired Rebecca, and I will have a new a bodyguard” “What? Bakit daw?” halata sa boses ng kanyang kasintahan ang pagkagulat nito. “Dahil nasusulsulan ko na daw si Rebecca, I don’t know kung pano niya nalaman” sagot niya. “Weird nga kung pano nalaman ni Tito, unless si Rebecca mismo ang nagsabi?” “I don’t think so, bakit niya naman hahayaan na mawalan siya ng trabaho” sagot naman niya. “Yeah, you have a point. Anyway Babes, nakilala mo na kung sino ang bago mong bodyguard?” “Nope, but..” bumuntong-hininga muna siya. “it’s a boy” pagpapatuloy niya. “What? Lalake?” halata ang gulat sa boses nito. “I’m sorry Babes” “No worries Babes, I understand Tito. And also, mas mapapanatag ang loob ko kapag hindi tayo magkasama” “Are you sure? It’s okay?” muling tanong niya. “Yes Babes, I trust you naman e” “I love you Babes” “I love you too Babes” Nakarinig siya ng doorbell sa kabilang linya, alam niya na kasalukuyang nasa condomimium ang kanyang kasintahan “Babes, I need to go, andito si Mommy, I’ll call you later” Hindi na siya nakasagot dahil pinatay na agad ni Pierre ang tawag. MAGKA-ESKUWELA SILA NI Pierre noong kolehiyo. Nauna ng dalawang taon si Pierre sa kanya, pero naging mag-classmate sila sa isang minor subject na naiwan noon ni Pierre at 1st year pa lang siya noong panahon na iyon. Sinabi sa kanya ni Pierre na unang kita pa lang nito sa kanya ay interesado na agad ito sa kanya, pero nagkaroon lang ito ng lakas ng loob na manligaw sa kanya noong nasa 3rd year na siya at huling taon na nito sa pag-aaral. Noong una ay hindi niya maalala na naging mag-classmate silang dalawa pero kalaunan ay naalala niya din. Matagal ding nanligaw si Pierre sa kanya dahil noong mga panahon na iyon ay tila wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon. Ngunit dahil sa pagiging pursigido at tiyaga nito ay sinagot niya na din si Pierre at ngayon at tatlong taon na silang magkarelasyon. Nang malaman ng kanyang ama ang tungkol sa kanila ni Pierre ay mas naging mahigpit ito sa kanya, binigyan siya ng curfew at naging mahigpit din si Rebecca. Pagkatapos ng klase ay kailangan niya na agad umuwi, kapag gusto nilang lumabas ay hindi siya pinapayagan ng kanyang ama bagkus ay pinapapunta na lang si Pierre sa mansyon nila.Hindi niya maitindihan ang kung bakit pakiramdama niya ay ayaw ng kanyang ama kay Pierre pero hindi naman iyon naging dahilan para iwasan siya ni Pierre kaya lalo siyang napamahal dito. Nang matapos na siya sa pag-aaral ay pinayagan ay pumayag na ang kanyang ama na makalabas sila pero kasama dapat si Rebecca kahit saan sila magpunta, hanggang sa napakiusapan na nila ito na hayaan na silang dalawa, na ngayon ay alam na ng kanyang ama. Kahit na naiintindihan ni Pierre ang sitwasyon niya ay nararramdaman pa din niya ang inis dito kapag hindi sila nakakaalis ng sila lang dalawa at alam niya na nagtitimpi lang ito dahil gusto nitong patunayan sa kanyang ama kung gaano siya nito kamahal at kung gaano ito kaseryoso sa kanya. Napakaswerte niya na kay Pierre dahil kung ibang lalaki iyon ay baka iniwan na siya nito dahil sa pagkahigpit ng kanyang ama. NAGISING SI SAMANTHA dahil sa gutom na nararamdaman niya, sa pagmumuni-muni niya kanina ay hindi na niya napansin na nakatulog na pala siya. Kinuha niya ang kanyang selpon para tingnan ang oras, ala-una na ng tanghali kaya siya nakakaramdam ng gutom. Naalala niya na hindi pala siya nakakain ng agahan dahil sa sagutan nila ng kanyang ama. Uminat inat muna siya bago tumayo at lumabas ng kanyang silid. Pagdating niya sa dining area ay may nakahanda ng mga pagkain, agad siyang umupo at kumain. Natapos na siyang kumain pero hindi pa lumalabas si Manang Letty para magligpit ng kinainan niya. Lagi naman siyang nasa kusina at naghihintay kung sino ang bababa para pagsilbihan niya. Nagtataka man ay hindi na niya pinansin pa, siya na ang nagdala ng pinggan sa kusina nila. “Manang Letty!!” tawag niya. Halos katabi lang ng kusina ang silid ni Manang Letty. Nang walang sumagot sa tawag niya ay lumabas na lang siya ng kusina. Gumawa siya ng kape dahil hindi siya nakapag-kape kanina at dinala niya iyon sa kanyang silid. Nagtungo siya sa lamesa niya at binuksan ang kanyang laptop. Nagsimula siyang magbasa ng mga naiwan niyang trabaho. Si Samantha ang CEO ng isang restaurant na negosyo nila ng kanyang ama. Kilala na ang restaurant nila kaya madalas ay abala siya sa pag-aasikaso nito. Kasalukuyan din siyang nagpapatayo ng isa pang branch ng restaurant niya kaya mas lalo siyang naging abala. Meron ding construction company ang pamilya nila pero hindi pa siya sinasama doon ng kanyang ama, mas gusto nito na mag-focus siya sa restaurant business nila. Natigil ang pagtatrabaho niya nang tumunog ang kanyang selpon. “Yes Aivee?” sagot niya. “Hi Ma’am, sorry kung tumawag ako today, just want to update sa construction natin, nakausap ko na yung supplier natin for the glass and okay na tayo dun” “Okay, thanks for the update. Let me know kung may magiging problem tayo sa construction” pagkatapos ay ibinaba niya na agad yung tawag. Hinilot niya ang kanyang sentido dahil sumasakit na ang ulo niya sa kakatrabaho kahit na pakiramdam niya ay sandali pa lang siyang nagtatrabaho. Humiga siya sa kanyang kama para makapagpahinga ang kanyang likod. NAGISING SIYA SA isang pamilyar na lugar at pamilyar na pangyayari. “Nanay, saan tayo pupunta?” Napatingin siya sa batang nagsalita at ganoon na lang ang gulat niya ng makita niya ang sarili niya, ang batang Samantha. “Mamasyal tayo Baby, pupunta tayo sa Enchanted Kingdom.” Napatingin naman siya sa isang pamilyar na boses, ang kanyang ina. Hindi siya makapaniwalang nakita niya uli ang kanyang ina. “Hindi kasama si daddy?” Alam niyang ang batang Samantha ang nagsalita pero hindi na siya nag-abalang lingunin ito dahil mas gusto niyang pagmasdan ang kanyang ina. “Susunod na lang siya” “Talaga? Susunod siya” “Yes baby, kaya sumakay ka na sa kotse.” Nakita niya ang pagsakay ng batang Samantha sa loob ng sasakyan habang inaalalayan ng kanyang ina at tsaka ito pumunta sa driver seat. Bigla na lang siyang nasilaw sa lakas ng ilaw ng sasakyan kaya napapikit siya. PAGMULAT NG KANYANG mata ay nasa ibang lugar na naman siya, nagulat na lang siya na nasa loob siya ng sasakyan, nasa passanger seat siya at ang kanyang ina ang nagmamaneho nang biglang huminto ang sasakyan at nakita niya ang pag-usok ng sasakyan. “Nanay, ano nangyayari sa sasakyan natin, bakit may usok?” Napalingon siya sa likod, nakita niya ang batang sasakyan at may isa pang bata na katabi ng batang Samantha. “Wait lang baby, baba muna kayo.” Sumunod siya sa pagbaba ng kanyang ina, nakita niya kung paano nito inalalayan ang batang Samantha at ang kasama nitong bata hanggang sa makalayo sila sa sasakyan. “Nanay, wag ka na pong pumunta diyan!” Nakita niya ang pagpigil ng batang Samantha sa kanyang inana papunta sa umuusok na sasakyan na tila may hinahanap sa loob ng sasakyan. Napahawak siya sa kanyang bibig na makita niya ang pagsabok ng sasakyan habang naririnig ang sigaw ng batang Samantha. “Nanay!!!!” “Nanay!!” “NANAY!” NAGISING SIYA sa pagkakatulog dahil sa kanyang panaginip. Hinihingal at pawis na pawis niya. Hinanap niya ang lagayan ng kanyang tubig para makainom. Mula ng palagi na niyang napapanaginipan ang nangyari sa ina niya ay lagi na siyang may tubig sa kanyang silid. Napayuko siya at pinapakalma ang sarili dahil naghahabol pa din siya ng hininga. Walang araw atang napapanaginipan niya ang eksenang iyon, minsan siya mismo ang batang Samantha, minsan naman ay nanonood lang siya, iyon ang huling araw na nakasama niya ang kanyang ina. Tumayo na siya at dumeretso sa banyo para maligo. Hinubad niya ang kanyang buong saplot at tiningnan ang peklat na nasa kanyang kanang tagiliran. Timaan iyon ng isang debris na galing sa sumabog na sasakyan sa aksidente at iyon din ang dahilan kung bakit bumagsak ang katawan niya ng nakaramdam siya ng hilo. Hinawi niya din ang kanyang mahabang buhok para makita ang peklat na nasa bandang batok niya. Nang mawalan siya ng malay dahil sa tumusok ng debris sa kanya ay bumagsak siya at tumama ang kanyang ulo sa isang bato na naging dahilan ng pagka-comatose niya. iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nagpapaikli ng buhok dahil ayaw niyang makita ang peklat niya. Binuksan niya ang shower at ilang minuto muna siyang tumayo sa doon bago tuluyang naligo. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba muli siya para kumain, napahaba na naman ang tulog niya at hindi niya namalayan na ala-siete na nang gabi. “I was about to call you, buti pababa ka na din” wika ng kanyang ama na kasalukuyang nasa sala. Nakaupo ito sa pang-isahang upuan habang hawak ang kanyang selpon na agad nilapag sa lamesa ng makita siya. “Why Dad?” simpleng tanong niya. Hawak niya ang tasa na ginamit niya kanina para sa kape. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ang kanyang ama. “Let’s go to the kitchen” ang sabi nito at naunang lumakad papunta sa kanilang kusina. Nagtataka man siya ay sumunod na din siya dahil doon din naman talaga ang punta niya. “I’m introducing to you our new staffs” panimula ng kanyang ama pagdating nila sa kusina. Nakita niya ang mga bagong mukha na sa tingin niya ay mas bata kumpara sa mga dati nilang kasama. “New staff? Where is Manang Letty and others?” pagtatakang tanong niya. “Nilipat ko sila ng ibang work, we need new staff because of the death threat we are receiving” sagot ng kanyang ama. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan ng kanyang ama, pero nakikita niya sa mga mata nito ang pag-aalala. “But they are loyal with us” kunot noong tanong sabi niya. “I know, but to keep us safe, we need a new staff” maikling sagot ng kanyang ama. Nakita niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ama bago muling nagsalita. “This is Agnes…” sabay turo sa katabi niya. Mahaba ang buhok nito na sa tingin niya ay kasing edad niya lang. “…she will be our cleaner” pagpapatuloty ng kanyang ama. “This is Loisa..” turo naman nito sa tabi ni Agnes na alam niyang makakalimutan niya din ang pangalan. Hindi niya pinahalata ang gulat ng makita niya ang peklat nito. Para itong nahiwa, mula sa kanang mata na umabot sa kanyang kanang pisngi na halatang halata ang pag guhit. Iniiwas siya ang tingin dito at muling ibinalik sa kanyang ama na halata ang pag-aalala sa mga mata nito, tila nagdadalawang isip kung itutuloy ang pagpapakilala. “…she will be your personal assistant here and will also help Agnes when you’re not around” “Personal Assistant?” pagtatakang tanong niya. “I have Aivee na as my secreteray Dad” “I know, but Loisa will be your assistant here in our house” sagot ng kanyang ama. “Do I really need it Dad? Wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay” kunot noong sabi niya. “That’s why she will also help Agnes sa gawaing bahay” sagot ng kanyang ama. Napabuntong hininga na lang si Samantha. “This is Andres, our new gardener” sabi ng kanyang ama nang mapansin nito na hindi na siya sasagot pa. Itinuro nito ang lalaki na katabi ng magiging assistant niya. Nang mapatingin siya sa lalaki may kung ano siyang napansin sa dito na tila masaya ang mga mata nito, ngunit hindi na niya naman masyadong pinansin iyon sapagkat hindi naman niya kilala ito. Muli niyang nakita ang pagbuntong hininga ng kanyang ama bago ipinakilala ang isa pang lalaki. “And this is Alex” turo nito sa isang binata. Pakiramdam niya ay kanina pa ito titig na titig sa kanya, medyo malamig ang awra ng binata at blangko ang kanyang muka na hindi niya mabasa ang nasa isip. “..he will be your new bodyguard” pagpapatapos ng kanyang ama. Nahulaan niya na na ito nga ang magiging bodyguard niya dahil sa tindig pa lang nito at pangagatawan ay halatang nababagay sa kanya ang pagiging bodyguard. “Hi Everyone!” simpleng bati niya at agad na siyang tumalikod. “Samantha! Can you greet them properly!?” sigaw ng kanyang ama. “I did Dad, didn’t you hear it?!” pasigaw na sagot niya na hindi man lang lumingon sa kanila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.6K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook