NAGISING SI SAMANTHA sa katok sa kanyang silid, tumingin muna siya sa orasan bago niya nagsalita na makakapasok na ito. Nagtataka siya ng makita niya ang bago niyang assistant na may dalang gatas.
“Good morning Ma’am” nakangiting bati nito sa kanya. “Ito na po yung gatas niyo Ma’am.”
“It’s to early, 5:00 AM pa lang” nakasimangot na sagot niya.
“Sorry po Ma’am” nawala ang ngiti sa labi nito. “Ito po kasi yung oras na sinabi sa akin ni Manang Letty”
Bumuntong hininga na lang siya. “Sige lagay mo na lang diyan sa table” sabi niya.
Agad nitong nilagay ang gatas sa lamesa na katabi ng higaan niya. “Ma’am, ihahanda ko na din po ang breakfast niyo at sasabihan ko na din po ang bodyguard niyo na maghanda na din siya” ang sabi nito at akmang lalabas na ng pintuan.
“Ahh! Excuse me..” alanganing tawag niya. “..what is your name again?” tanong niya. Hindi kasi niya tinandaan ang mga pangalan na pinakilala ng kanyang ama.
Lumingon ito at ngumiti sa kanya. “Loisa po Ma’am” nakangiting sagot nito.
“Okay, Loisa, pakisabihan na din yung Mang Benny ko na maghanda” bilin niya dito.
“Ma’am ang sabi po ni Sir Madrigal, si Alex na din po ang magiging driver niyo”
“Who’s Alex?” nagtatakang tanong niya.
“Yung bodyguard niyo po Ma’am” sagot naman nito.
“What!!?” ang nasabi na lang niya. “You can go” pagsusungit niya sa dalaga. Agad namang sumunod si Loisa sa kaya at lumabas na ng tuluyan sa kwarto.
Ala-sais y media na siya nakababa ng silid at dumeretso siya sa kanilang dining area para kumain ng agahan, naabutan niya ang kanyang ama na kumakain na din.
“Good morning Dad” bati niya dito.
“Good morning hija” sagot naman ng kanyang ama, hindi ito tumingin sa kanya dahil abala din ito sa pagbabasa ng magazine habang kumakain.
“Dad, is it true that I don’t have a driver na?” tanong niya sa kanyang ama.
“Temporarily hija, iniiwasan natin na marami tayo sa bahay ngayon. You have your bodyguard naman” sagot nito.
“But Dad, hindi ba mas safe kung dalawa ang kasama ko?” muling tanong niya.
“I did make sure na kaya kang protektahan ng bodyguard mo” sagot lamang ng kanyang ama, hindi pa din ito tumitingin sa kanya.
Hindi na siya sumasagot dahil alam naman niya na wala na din siyang magagawa dahil nakapag-desisyon na ang kanyan ama at wala pa siya sa kondisyon para makipagtalo sa kanyang ama. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa kanyang ama.
“Take care Samantha” sabi ng kanyang ama nang magpaalam siya.
“Good morning Ma’am!” nakangiting bati sa kanya ng bago nilang hardinero na hindi niya din maalala ang pangalan. Hindi niya ito binati at dumeretso lang siya palabas ng mansyon kung saan naghihintay ang sasakyan.
“Good morning!” bati ng kanyang bagong bodyguard.
Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan para makasakay siya, tsaka ito pumunta sa driver seat ng makaayos nang maisara niya na ang sasakyan.
Habang nasa sasakyan ay kinuha niya ang kanyang laptop na dala niya at nagsimula siyang mag-trabaho. Nakasanayan na niya na kahit sa byahe ay nagta-trabaho siya dahil pakiramdam niya ay mas makakapagpahinga siya ng maaga kapag natatapos niya agad ang mga gawain niya.
Ipinahinga niya ang kanyang ulo ng maramdaman niyang sumasakit na ang batok niya. Luminga-linga siya sa paligid ng mapansin niyang iba ang dinadaanan nila.
“Where the heck are we?” nakataas kilay na tanong niya sa kanyang bodyguard.
“Ma’am nag-iba ako ng daan papunta sa office niyo” sagot ng binata.
“What?” gulat na tanong niya.
“Binilin ni Don Tonny na mag-iba-iba ng daan para hindi makatunog ang mga kalaban” sagot uli nito na panaka-nakang sumusulyap sa rearview mirror.
“You should’ve told me, what if ma-late ako?” masungit na sabi niya.
“Ma’am, if I’m not mistaken you are the CEO, so wala pong masama kong mala-late ka” sagot ng binata na lalong kina-init ng ulo niya.
“What the heck!” masama siyang sa binata sa rearview mirror. “Anong alam mo sa pagiging CEO? Hindi porket ako ang CEO hindi na ako susunod sa patakaran ng company ko, hindi ako ganong klaseng tao” halos pasigaw na sabi niya sa dito.
“Sorry Ma’am” maikling sagot naman ng binata.
Alam niya na hindi totoo ang paghingi ng tawad ng binata dahil nakita niya itong nakangisi sa rear view mirror.
“Next time please tell me ahead!” pasigaw pa din na sabi niya kasabay ng pag-irap sa binata.
“Yes po” maikling sagot nito.
“GOOD MORNING MA’AM!” bati sa kanya ng sekyu na sumalubong sa kanya, gumanti naman siya ng ngiti dito.
Hindi na siya nakapagtrabaho pa sa sasakyan dahil sa inis sa kanyang bodyguard. Ilang minuto lang din ay nakarating na sila sa kanyang restaurant. Siya ang nangangasiwa sa restaurant business nila ng kanyang ama. Sikat na din ang restaurant na niya at madalas na din na na-i-imbitahan siya sa mga interview. Pangarap ng kanyang ina ang magkaroon ng restaurant pero dahil nawala na ang kanyang ina ay siya na ang nagsimula nito na para sa kanyang ina. Habang tumatagal ay marami na ding gustong mag-franchise sa restaurant niya pero wala pa siyang balak sa franchising, mas gusto niya munang unahin ang branching.
Nasa pangalawang palapag ng restuarant ang kanilang opisina kaya deretso lamang siya sa pag-akyat.
“Good morning Ma’am” masayang bati sa kanya ni Aivee, ang kanyang sekretarya na nasa loob ngayon ng opisina niya na abala sa pag-aayos ng mga papel.
“Good morning!” balik bati niya kay Aivee.
“Are you okay Ma’am? Ang aga-aga parang wala kayo sa mood agad” sabi ni Aivee habang inaayos ang mga papales sa lamesa.
Napabuntong hininga lang siya.
Dahil alam ni Aivee na hindi siya sasagot dahil totoo ang sinabi nito na wala siya sa mood ngayong araw kaya tinapos agad nito ang pag-aayos ng papel para makalabas agad ito. Agad itong nagpaalam nang matapos na ito at tinanguan niya lang ito.
Eksaktong alas-otso ng umaga ay nagpupuntahan na ang lahat ng office staff sa conference room, sumunod na din siya sa mga ito. Si Aivee ang nakatalaga ngayon para sa brainstorming activity at ang tema nila ngayon ay dugtungan ng iba’t ibang uri ng inumin. Halos lahat ay nagkakasayahan kakaisip ng mga inumin na sasabihin nila, ngunit hindi siya sumali sa activity nila at nag dahilan siyang abala pa siya kaya nasa gilid lang muna siya habang nakaharap sa kanyang laptop, ngunit ang totoo ay badtrip pa din siya. Sumama lang siya sa usapan nang simulan na ang weekly meeting nila. Pagkatapos ng meeting ay kanya kanya ng balik sa mga pwesto nila.
“MA’AM, LUNCH NA tayo, same order po ba?” tanong ni Aivee sa kanya.
Sa sobrang pagka-abala ay hindi na niya napansin na tanghalian na at hindi din niya narinig ang katok ni Aivee. “Yes please same order, baba na lang ako” sagot niya.
“Alright Ma’am” sabi ni Aivee at tumalikod na ito para lumabas.
“Aivee!” tawag niya sa kanyang sekretarya na akmang maglalakad na ito palabas kaya humarap uli ito sa kanya.
“Pakisabi sa bodyguard ko na pwede na siyang kumain at ituro mo na lang kung saan siya pwedeng kumain” bilin niya.
“Okay Madam, will do. Anything po Ma’am?” paniniguradong tanong nito sa kanya.
Umiling lamang siya dito at naintindihan na nito iyon kaya tuluyan na itong lumabas sa opisina niya.
“Ma’am, where is Rebecca?” tanong ni Aivee habang kumakain na sila.
Sa restaurant lang din sila kumain dahil masyadong maraming gagawin at ayaw na nilang lumabas pa.
“Dad fired her” sagot niya kay Aivee.
“Pero bakit, ang tagal na ni Rebecca sa inyo” nagtatakang tanong ni Aivee.
“I don’t know, you knew my dad” sagot niya.
Hindi na niya sinabi kung ano ang dahilan kung bakit natanggal si Rebecca dahil ayaw niyang malaman ni Aivee na sinusuhulan niya si ito tuwing gusto nilang umalis ni Pierre ng sila lang kaya nag-maang-maangan na lang siya.
“Infairness naman Ma’am ang gwapo ng bago mong bodyguard” nakangiting sabi ni Aivee. Tumingin naman siya sa labas ng restuarant kung saan nakatayo si Alex.
“I don’t like him, masyadong antipatiko” may pagtataray na sabi niya.
“Oh really Ma’am?” gulat na tanong ni Aivee.
“Yeah!” ang tanging sagot niya at bumuntong-hininga na lamang.
“Alam na ni Sir Pierre?” nag-aalangang tanong ni Aivee.
“Yes, you knew him, he’s not a jealous type of boyfriend” sagot nito kay Aivee.
Kaibigan at kaklase ni Aivee ang kasintahan niya sa buong limang taon, pareho sila ng kurso ngunit hindi ipinagpatuloy ni Aivee ang pagta-trabaho bilang isang civil engineer dahil hindi nito makaya ang trabahong may kaugnayan sa kurso nito. Ang ina ni Aivee ang nag-pasya sa kurso na kinuha nito. Noong naghahanap siya ng sekretarya ay ipanasok niya si Aivee dahil kilala niya din si Aivee noong nag-aaral pa siya, ngayon halos dalawang taon na itong nagtatrabaho sa kanya.
“Sabagay at sobrang inlove ka naman kay Pierre e” pang-aasar nito sa kanya. “Sa aking na lang tong si cutiepie” sabay tawa nito.
Natawa na lang din siya at pa-simpleng tumingin sa kanyang bodyguard na nasa labas pa din ng restaurant. Pagkatapos ng tanghalian ay bumalik sila sa kanilang opisina.
“Ma’am, are you free?” sabi ni Aivee habang nakasilip sa pintuan ng kanyang opisina.
“Why?” tanong naman niya pero hindi niya tiningnan si Aivee dahil abala siya sa kanyang laptop.
“Just want to remind you ma’am sa sched natin for this week” sagot naman ni Aivee.
“Oh s**t!” gulat na sabi niya. “I forgot the sched reminder, have a seat” tsaka siya tumingin kay Aivee.
“Bakit parang madalas ka nang nakakalimot Ma’am?” pang-aasar nito sa kanya.
“I don’t know, just tired maybe” sagot naman niya. “Anyway, what the sched for this week?”
Inisa-isa naman ni Aivee ang magiging schedule nila for this week. Hindi siya makapaniwala na sobrang dami niyang meeting para sa supplier nila, sa coordinator ng sub-con sa ginagawang branch ng restaurant, sa inventory sa warehouse para sa mga items, at site visit ng construction. Iniisip pa lang niya ang schedule niya, pakiramdam niya ay pagod na siya. Dalawang taon pa lang namamahala si Samantha sa restaurant business nila pero gamay na niya ang operasyon na nagaganap sa dito dahil noong nag-aaral pa siya ay pumapasok na siya sa restaurant bilang isang tauhan para sa paghahanda niya sa pagtatapos niya sa pag-aaral at iyon na din naging pagsasanay na binigay ng kanyang ama. Kaya nang makapagtapos siya ay agad na pinahawak ng ama niya sa kanya ang negosyong na’to. Kaya madalas siyang inaanyayahan bilang panauhing tagapagsalita bilang young entrepreneur.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Aivee tungkol sa schedule nito ngayong linggo ay agad na ding umalis si Aivee at bumalik sa kanyang lamesa. Nagpatuloy naman sa siya pagta-trabaho.
“HI BABES!” NAGULAT na lang si Samantha ng marinig niya ang boses ng kanyang kasintahan. Sa sobrang abala niya ay hindi na niya napansin ang oras at ang pagpasok ng kanyang kasintahan.
“Sorry Babes, I did not notice you” sabi niya.
Nararamdaman niya ang pagod ng katawan niya dahil sa maghapong pagtatrabaho.
Ngumiti sa kanya si Pierre. “It’s okay Babes, I know you’re so busy” sagot ng kanyang kasintahan. “I can wait, kung may kailangan ka pang tapusin” pagpapatuloy nito.
Ngumiti naman siya. “I’ll just finish replying on my email Babes ha?” sabi niya.
“Sure Babes” nakangiting sagot ni Pierre.
Alas-siyete na ng gabi ng matapos siya at tahimik namang naghihintay si Pierre sa sofa sa loob ng opisina niya na abala din sa kanyang laptop. Sinabayan na siya nito sa pagtatrabaho.
“I’m done Babes” sabi ni Samantha habang inaayos ang kanyang gamit.
“Are you tired?” nag-aalalang tanong nito sa dalaga.
Bumuntong hininga muna siya. “Medyo Babes, sobrang daming work today” sagot niya, papalapit na siya sa kanyang kasintahan na nagliligpit na din ng kanyang laptop.
“You want massage?” tanong ni Pierre.
“I want to sleep Babes” naka-ngusong sagot nito sa kanyang kasintahan.
“Babes, I told you don’t do that anymore, hindi na tayo bata” pagsita nito sa pag-ngusong ginawa niya.
“Okay, sorry” maikling sagot niya.
Dati pa lang ay medyo strikto na si Pierre sa mga kinikilos niya. Gusto nito na laging firm and proper siya dahil ang dahilan nito ay hindi na sila bata para umarteng bata. Naiitindihan naman niya iyon dahil dalawang taon ang tanda ng kanyang kasintahan.
“Let’s go?” tanong ni Pierre.
Ngumiti at tumango lang siya. Kinuha ni Pierre ang kanyang kaliwang kamay at sabay na lumabas ng opisina niya na magkahawak kamay.
Paglabas nila ay tumayo naman si Alex mula sa kanyang kinauupuan, napahinto siya sa paglalakad.
“Yes Babes?” nagtatakang lumingon sa kanya si Pierre dahil sa paghinto niya sa paglalakad.
“Babes, just want you to meet my new bodyguard, Alex” sabi niya kay Pierre.
Nakita niya ang pagtingin ni Pierre kay Alex.
“Hi Bro” ang sabi lang nito at muling naglakad.
Napasunod na lang siya sa kanyang kasintahan dahil magkahawak pa din sila ng kamay. Naramdaman din niya na nakasunod si Alex sa kanila.
Paglabas ng restaurant ay agad na binuksan ni Alex ang pintuan ng sasakyan. Hindi niya alam kung kelan kinuha ni Alex ang sasakyan pero nagulat siya na nasa tapat na ito ng restaurant. Nagtama pa ang mata nila bago siya pumasok ng sasakyan at naramdaman niya ang pagsunod ni Pierre sa kanya bago isinara ni Alex ang pintuan. Agad din itong tumakbo papunta sa driver seat.
“Ma’am, saan po tayo?” tanong ni Alex, nakatingin ito sa rear view mirror.
“Babes, can we resched our dinner tomorrow? I want to rest, pagod talaga ako” tanong niya sa kanyang kasintahan.
“Yeah, sure babes, no worries, you need to rest” nakangiting sagot naman ni Pierre.
“Thanks Babes” nakangiting sagot niya, tumingin naman siya sa kanyang bodyguard. “Let’s go home na”
Tumango naman si Alex sa kanya at pinaandar na ang sasakyan.
“Where is Mang Benny?” tanong ni Pierre.
“I don’t know, hindi sinabi sa akin ni daddy kung nasaan si Mang Benny. Si Alex ang driver at bodyguard ko” sagot niya. Tumango lang ang kanyang kasintahan.
Sa tuwing susunduin siya ni Pierre ay sa sasakyan niya sila sumasakay at ang sasakyan ni Pierre ay nakasunod lang sa kanila dahil iyon ang gusto ng kanyang ama.