BINIGAY NI AIVEE ang kapeng tinimpla nito para kay Pierre, agad din itong nagpaalam para lumabas. Nakaupo si Pierre sa kaliwang upuan na nasa harap ng lamesa niya at nasa likod naman nito si Alex para mabilis nitong mahawakan si Pierre kung sakaling saktan siya nito. "Please sip a coffee first" sabi niya na agad din namang sinunod ni Pierre. "Babes, please listen to me..." pagsisimula nito pagkatapos makahigop ng kape. "5 minutes Pierre, yan lang muna ang mabibibgay ko sayo" pinutol niya ang sasabihin nito. "Babes, please call me Babes" nagmamakaawang sabi nito. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito nang hindi siya sumagot. "...Babes, alam kong mali ako, I don't have the reason para ipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong mali talaga ako, alam kong walang tamang paliwanag sa ginawa

