CHAPTER 41 – CAN’T VIVIAN DE VERA Dalawang linggo na ang nakakaraan at patuloy pa rin ang pagpapadala ni Wynter ng mga rosas. Kahit hindi nababanggit ang initials or pangalan niya ay alam kong siya ang nagsusulat ng mga maiikling notes na naroon. Bumalik na ako sa trabaho ngunit sa bahay ni mommy pa rin ako mananatili. Hindi ko pa nakikita ang sitwasyon ng apartment ko at natatakot din ako na pumunta roon. Kakaupo ko palang sa cubicle ko nang biglang sumungaw si Boss Kiko sa harapan ko. “Mag-usap tayo sa opisina. Now na. Magmadali ka, girl.” Nakaramdam ako ng panlalamig at namawis ang aking mga palad dahil sa tono ng boses ni Boss Kiko. Sa sobrang pagmamadali ko ay papel at ballpen lang ang aking nadala. Tahimik ako na nakasunod sa boss ko hanggang sa makapasok ng meeting room. Magk

