VIVIAN DE VERA “Ano? Dito nalang ba tayo tatambay?” Tila may laman ang mga salitang binanggit ni Wynter. Tiningnan ko ang nilahad niyang kamay at pagkatapos ay binalika ng tingin sa mukha nito. Humalukipkip ako. “Sinundan mo ba ako rito o nagsinungaling ka lang kanina na hindi nakita ang imbitasyon.” “Why would I lie?” “I don’t know. Maybe, to look cool in front of me.” He laughed using his low voice. Tinaasan ko siya ng isang kilay. “I have a lot of ways to charm you, kitten, but lying is not one of them.” “So, sinundan mo nga talaga ako.” “Don’t make me repeat myself.” “Bakit? Kinakabahan ka na magsusumbong ako sa pulis?” Nagkibit-balikat ito at ipinaloob sa bulsa ang mga kamay. Pinatigas ko ang aking leeg dahil gustong-gusto ko na ibaba ang tingin sa dibdib niya. “Hindi ako

