CHAPTER 36 – TUNNEL

1473 Words

VIVIAN DE VERA Nakasunod lang ako kay Ryker habang naglalakad ito. Palayo kami sa villa at dagat. Tingin ko ay tutungo kami sa gitnang bahagi ng isla. Kung ang gawi ng villa ay mala-paraiso— habang palayo kami ay dumidilim at dumarami ang mga nagbabantay. Mula sa kalayuan ay napansin ko ang dalawang magkahiwalay na mahabang bahay. May hawak na mahahabang baril din ang mga nagbabantay niyon. Kapansin-pansin ang tattoo ng dragon sa kabuuan ng mga braso nila. Tinanguan sila ni Ryker at pinalagpas nila kami sa bakuran. Nilibot ko ang paligid. Parang hindi iyon para maging tirahan— tila isa nga itong facility na para sa mga ganitong bahay. Nadurog ang puso ko habang nagtatagal sa lugar. Wynter, please, be alright. Huminto si Ryker sa tapat ng itim na malaking pinto. Humarap siya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD