VIVIAN DE VERA Pagkatapos ikwento ni Olivia sa akin iyon ay tinalikuran na niya ako. Tila iniiwasan niya na pahabain pa ang nakaraan nila ni Ryker. Hindi ko inaasahan na may ganitong side si Oli dahil palagi lang itong nakangiti at maloko sa tuwing nagkakasama kami. Now, she looks cold and distant— malayo sa isang Olivia na matagal ko ng naging kaibigan. Pumasok na sa silid si Olivia at ako naman ay nag-asikaso muna sa kusina bago pumasok sa aking silid. Pagbukas ko ng pinto ay may kamay na humila sa aking braso. Sa sobrang bilis ng panyayari ay nagulat nalang ako nakadikit na ang likod ko sa nakasaradong pinto. “Wynter!” Mahina kong sita sa kanya. “I’ll sleep with you tonight.” Pinanliitan ko ito ng mata ngunit mas naging malawak ang ngiti nito. Nilapat niya ang kamay sa aking batok

