VIVIAN DE VERA “Vivian, hey!” Olivia snapped his fingers in front of me. Kumurap ako ng ilang beses bago tumingin kay Oli. “S-Sorry?” “Get your head in the game. Ito ang mga information na kailangan natin para makatakas.” “Ano iyon?” Huminga ito ng malalim at umikot ang mga mata. “Okay ka lang ba, girl? Magkape ka kaya muna?” Umiling ako. “Okay lang ako.” “Sure ka? Baka naman pagod ka pa. Teka, kaya mo pa bang maglakad?” “Oo, baliw!” Umayos siya ng upo. “So, heto na nga… makinig ka ha.” Tumango ako. Nilapit niya ang lab isa tenga ko upang ibulong ang mga natuklasan niya. “Tuwing Thursday ng gabi ay dumadaong ang yacht para ihatid ang Second-in-command dito sa isla. Tapos ay aalis iyon ng alas-dos ng umaga. Ito ang mga dapat natin na gawin.” Nakinig ako sa bawat salita na sina

