Chapter 1 Pag-alala sa Nakaraan
Habang binabaybay ko ang haba ng dalampasigan ay di ko maiwasang hindi maalala ang nakaraang hanggang ngayon nakatamin pa sa aking isipan.Mga alaalang habang buhay kong babaunin hanggang sa dulo ng aking buhay.
Hindi ko maiwasang mangiti sa pagbabalik tanaw ng nakaraang kung saan ay nakikita ko ang aking sariling masaya kasama ang taong alam kong hindi na magiging akin kailan man.
Flashback (Year 2011)
Araw ng sabado noon nasa loob ako ng inuupahan naming bahay ng biglang may mga ingay akong naririnig.Masayang mga kalalakihan ang mga boses nito at halatang nagbibiruan sila.
Habang nakikiramdam ay napansin kong palapit ng palapit ang mga boses nila. Tila wala silang kapaguran sa paghalakhak at ang iba namay halos mawalan na ng tinig at halatang napapaiyak na sa kakatawa.
" Tao po! "
Nagulat na lamang ako ng biglang may isang boses ng lalaki ang tumatawag sa labas kung kayat sumilip ako sa aming bintana.Naguguluhan may pinili ko na lamang tanungin ito.
"Bakit?. Sagot ko habang nakakunot ang noo."
" Si Ian po? Nanjan po ba? ". Isa sa mga lalaki ang lumapit sa akin. Sa kanila ata ang naririnig kong boses na nagtatawanan kanina lamang.Napansin ko rin na natigil na ang iba sa pagtawa kung kayat tiningnan ko sila isa isa.Mga nasa pito sila at mukhang magkakabarkada at magkakaedad.Ang iba ay naka-uniporme at ang iba nama'y nakapangbahay lamang.
Si Ian ay kapatid ko na sumunod sa akin.Hindi ko kilala ang kanyang mga kaibigan kung kayat bago lamang sa akin ang kanilang mga mukha.May mukhang madali lamang lapitan at suplado naman ang iba ngunit naagaw ng isang morenong lalaki ang aking pansin ng bigla ako nitong sulyapan ng naka kunot noo.Hindi ko alam kung anong problema nito at bakit ganon niya ako tingnan,salubong ang kilay at nakasimangot pa.Mukha ba akong ewan para tingnan niya taas baba?
" Ah eh wala eh kanina pa umalis.Bakit pala? tanong ko sa taong naghahanap sa kapatid ko.
" Ah tatambay sana kami.Ikaw po ba yung ate niya?
" Oo, ako nga. Pag uwi niya banggitin ko na lang. Ano nga pala sasabihin kong pangalan ng naghahanap? " balik tanong ko sa kanya.
" Ah ate ako nga pala c RR, pasabi na lang po na hinanap po namin siya ah !. Alis na po kami.
" Sige sabihin ko na lang " sagot ko sa kanya.
Habang naguusap kami ni RR ay may nararamdaman akong nagmamasid sakin pero dahil sa hindi na ko na ito pinansin ay di ko alam kung sino sa kanila yung taong nararamdaman kong nakakatitig sa akin.
Pagka-alis nila ay tinuloy ko na lang yung mga naiwan kong gawaing bahay, paglilinis,pagaayos ng mga nilabhan at pagluluto dahil magtatanghali na rin nung araw na yun.
Bagong lipat lang kami sa paupahan,mga dalawang araw na yung lumipas. Hindi kasi nagkamabutihan pa sila mama kung kayat pinasya na nilang maghiwalay. Lahat kaming magkakapatid ay sumama sa mama namin. Hindi kami kay papa sumama dahil takot kami sa kanya.
Masyado kasing strikto si papa pagdating sa pagsesweto sa aming magkakapatid. Nariyang nanggugulpi siya kahit maliit na mali ang nagagawa namin. Minsa pa nga ay namumura niya kami na hindi namin makasanayan.
Mahirap maging panganay lalo na kung magkahiwalay ang inyong mga magulang dahil ikaw ang tatayong ama't ina sa mga sumunod sayong kapatid. Anim kami at sobrang liit pa ng bunso namin.Naiwan kasi kaming magkakapatid ng magdesisyon si mamang magtrabaho sa syudad. Linggo linggo nya kaming dalawin at aalis din nga Lunes ng maaga para magtrabaho ulit.
Lahat kami ay nagaaral noong panahong yun.Ako yung nasa sekondarya habang yung lima ay nasa elementarya pa lamang.Gigising ako ng maaga para maginit ng tubig upang gamiting pang kape.
Madalang kaming kumain ng may kanin dahil nasanay na kaming kapet tinapay lang sa umaga bago umalis.Sa tanghali naman ay magsasaing ulit at bibili na lang ng luto sa karinderya. Minsan namay nagpiprito o naglalaga na lng ng madaling lutuin para hindi mahuli sa klase.
" Te. nang may biglang tumawag sa akin.
Hindi ko namalayang umuwi na c Ian kung di niya pa ako tinawag.
" Oh, ikaw pala. Siya nga pala may mga pumunta pala dito kanina barkada mo daw. sabi ko sa kanya.
" Ah oo te tatambay daw kasi kami." sabi niya sa akin
" Oo nga daw nabanggit nga nung RR. sakin kanina.Pupuntahan mo na ba? tanong ko sa kanya.
" Oo ate.Tirhan mo na lang ako ng pagkain.
" Sige bukod ko na lang sa mesa yung sayo ah.Sige na" sabi ko sa kanya.
Kinabukasan ay naghanda na ako para sa pagpasok.Ginawa ko na yung mga ginagawa ko sa umaga para gigisingin ko na lang yung iba. Malapit lang naman sa amin ang poso kung kayat mabilis lamang makakaipon ng tubig pang ligo.
Pagkaalmusal ay inasikaso ko na yung maliliit kong kapatid at sabay sabay na kami naglakad papuntang paaralan. Mauuna akong makakarating sa paaralan dahil malapit lang ang paaralang pinapasukan ko at malayo-layo pa ang sa kanila (elementarya).
Natapos ang maghapon na normal lang para sa akin aral,aral,aral.Namalayan ko na lang na labasan na pala. Marami rami rin kasi ang pinagawa ng mga guro ng araw na iyon.Kasabay kong umuwi ang isa kong kaklase sa paglalakad ng makaramdam ako ng kaba.
Binalewala ko na lang ang aking nararamdaman hanggang sa makarating ako sa kanto ng aming inuupahang bahay ay palakas ito ng palakas.
Derederetso lang ako habang nakayuko at di ko namalayang makakabangga pala ako.Akala ko ay sa poste ako napabangga ngunit ng itaas ko ang aking ulo ay nagulat ako sa aking nakita.
Nandito siya.Nandito siya sa harapan ko,ang taong nabangga ko ay ang lalaking biglang nagparamdam sa akin ng sobra sobrang lakas ng kaba. Hindi ko namalayang siya pala ang aking makikita ng oras na yon.
Napakabilis ng t***k ng puso ko.Hindi ko alam kung takot o ano ang nararamdam ko ng mga oras na iyon. Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako sa aking pagkabigla.
" A-a-anong ginagawa mo dito?. " hindi ko alam kung bakit nautal utal ako sa pagtatanong ng simpleng tanong na iyon.Sa sobrang kaba ay natatakot akong tumitig sa kanya kung kayat iniiwas ko sa kanya ang aking mga mata.
Tinitigan niya lang ako at di ko alam kung minuto o segundo ang itinagal ng titig na iyon.Hindi siya nagsalita na lalong nagpakaba sa akin,para akong tumatakbo ng napakabilis bilis.
" Pre,andito ka na pala". isa sa mga kaibigan ng kapatid ko ang nagsalita na hindi ko namalayang nagsidatingan pala.Kompleto sila. Kasama nila ang kapatid ko ng ibaling ko sa kanila ang aking paningin.
" Ah ate, tambay lang kami jan sa bakanteng lote." singit ng kapatid ko.Hindi kasi nagsalita ang lalaking nabunggo ko kung kayat sumingit na lang ang aking kapatid dahil sa walang nagsasalita isa sa kanila.
" Ahhh ganon ba?,sige pasok na ko" .sagot ko na lang sa kapatid ko at nagmadaling umalis sa tabi nila. Hindi ko namalayang nangangatog pala ang tuhod ko kaya napatapilok ako kamamadali at dahil don ay naramdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin.
Hindi na ako lumingon pa dahil baka nakita nila yung pagkatapilok ko pero narinig kong may nagpalagitik ng dila. Sa sobrang tahimik kasi ng paligid ay rinig na rinig ko ang lagitik na iyon.
Nakahinga lang ako ng maluwag luwag ng makapasok ako sa bahay. Mukang pinagpawisan ata ako ng marami rami dahil sa pangyayaring yun. Hindi ko man lang narinig ang boses niya.
Nagtataka din ako dahil pwede naman siyang huwag humarang sa daanan. Sinadya niya kayang makabangga ako sa kanya o guni guni ko lamang yon?.
Paika ika akong pumunta sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkabihis ay nagpahinga lng ako ng konting minuto at naghanda na para magluto. Dahil sa wala pa kaming bigas at ulam ay naisipan kong lumabas para bumili sa tindahan.
Napalingon ako sa pwesto nila pagkalabas ngunit nagderederetso na lang ako ng nararamdaman ko yung titig na yun,nakakakilabot sa pakiramdam.
Nagmadali na lang ako kahit pa ika ika dahil di ko matagalan ang ganong pakiramdam. Pagkatapos mamili ay umuwi din agad ako.Di na ko lumingon pa sa kanila kahit binati ako ng isa sa mga kasama niya.
Nagmadali na lang akong pumasok sa bahay para magluto. Naririnig ko ang mga boses nila pero di ko alam kung sino ang sino sa nagsasalita.
Pagkatapos kong magluto ay siya din namang pagdating ng mga kapatid ko kung kaya't naghanda na ako sa mesa para sa aming hapunan.
Madaling natapos ang pagsasalong iyon kung kaya't may pagkakataon pa kaming magkwentuhan.
" Ate ? sino nga pala yung mga kasama ni kuya ? tanong ng pang apat kong kapatid.
" Sila ba ? barkada daw di ko nga kilala, sagot ko sa kanya.
" Lagi kasing patingin tingin dito yung isa kanina pa at parang sayo nakatingin eh. " nilingon ko yung tinuturo niya at laking gulat ko ng yung lalaking nakabangga ko tinutukoy niya.
"Sus wala yun, guni guni mo lang yun " sabi ko agad sa kanya.
"Baka ate crush ka nun!" kinabahan ako sa sinabi niya.
" Manahimik ka nga. Marinig ka." pagappatahimik ko agad sa kanya.
" Ayie!!!!! Hala ka jan." pananakot pa nito sa akin.
" Tigilan mo ko ah " batong sabi ko sa kanya.
" Bahala ka te, pusta may crush yun sayo! ngiti ngiti pa ito sa akin.
Sa narinig kong iyon sa kapatid koy di ko maiwasang kilabutan.Hindi pa kasi ako nakakaranas o minsay nalamang may isang taong nagkakagusto sakin.Hindi naman kasi ako kagandahan. Hindi din matangkad.
Isa lang akong simpleng babaeng walang arte sa katawan.
Wala kasi sa isip ko ang pagkakaroon ng manliligaw dahil mas importante sa akin ang pamilya at pagaaral ko kesa sa kung ano pa mang mga bagay bagay.
Mahilig akong magbasa,magpinta at kumanta( kahit di kagandahan ang aking boses).
Mahirap kasing paniwalaan dahil wala akong bilib sa aking sarili.