1

1934 Words
MATAGAL na kaming may mina manmanan na isang grupo na madalas ang paglabas pasok sa isang bar. Kaya heto kami ngayon papasok at balak na namin silang hulihin katulad ng napagplanuhan. Nalaman kase namin na nag bebenta pala ang mga ito ng drugs at maraming mga customers ang tumatangkilik dito. Mga kabataan. We don't wear our proper uniforms dahil baka mataranta ang aarestuhin namin, nakasuot lamang kami ng puting damit at pants. Gaya ng plano ay naghiwahiwalay kami pagpasok. Tumango lang sila sa akin nang nakapwesto na sila. "Crizzie. Huwag kang lalayo sa akin at baka mapahamak ka." Bulong ni Police officer Santos habang nililibot ang mata sa maraming taong nag sasayaw. "Capt. Admiral." Matigas at madiin kong usal. "Ay oo nga pala. Pero tayo lang naman hayaan mo na." Kumindat pa siya nang sinabi yon at hinila na ako sa medyo malapit sa grupo ng aarestohin namin. Sumasayaw ang ilaw at malakas ang tunog ng musika kaya masyadong magulo. Nahihilo din ako sa mga ibat ibat ilaw kapag tumatama iyon sa aking mukha. Nang may mapadaan na isang waitress na may dalang mga alak ay mabilis kumuha si Police Officer Santos at ininom yon. "Sexy mo." Bulong niya saakin. Mabilis ko siyang siniko kaya namaluktot siya sa tabi ko. Pinanlakihan ko siya nang mata. "Umayos ka Hendrix. Police officer ka kaya tigilan mo yang kamanyakan mo." "Sayo lang naman dahil gusto kita." Ngumuso lamang siya ng pinukol ko ng masamang tingin. Magsasalita sana siya ulit nang may lumapit sa amin. "H-ey, Do you smoke M-iss?" Ani nang binata na medyo kinakabahan pa yata dahil nauutal. "Nope. But I do smoke." Seryosong sabi ni Hendrix sa gilid ko at hinawakan pako sa bewang. Chansing nanaman tong bakulaw na ito. Pinakatitigan ko ang binata. Sa likod niya ay ang mga grupo na sinusubaybayan namin. "How much?" Rinig kong usal ni Hendrix "20k full pack Sir." Ani nang binata na kita mong kinakabahan. Mukhang bagong kasapi nila ang binatang ito. "Okay. I'll take that." Ani ni Hendrix at uminom ulit ng alak nang may madaang waitress. Mabilis na bumalik ang binata sa mga kasama niya para kunin siguro yung drugs. Smoke means drugs. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko at tumango. Tumango din si Hendrix bilang pag hahanda. Nang bumalik ang binata ay dala na nga nito ang droga. Ngunit bago pa niya maibigay kay Hendrix yon ay naposasan ko na siya. Nagulat siya at nataranta. Ngunit wala na siyang nagawa kundi ang umiyak. Mabilis ang pangyayari at nag kagulo sa loob nang bar. Nahirapan kaming hulihin ang iba dahil maraming sumisigaw at bukod pa don ay may mga baril at nakipag palitan pa sila nang bala sa amin. May nakita akong tumakbo papalabas kaya hahabulin ko. "Capt. Admiral!!" Sigaw ng ibang kasamahan ko. Napalingon naman ako sa mga sumigaw ngunit sumalubong sa akin ay tama ng bala. Hindi ko na naiwasan kaya nadaplisan ako sa balikat. Hindi ko na yon pinansin at sinundan ko ang lalaking medyo malaki ang katawan na tumakbo sa labas. Pinaputukan ko siya malapit sa paa niya kaya napahinto. Lumapit ako para posasan na siya ng bigla niya akong sinuntok buti at naka iwas ako agad. Gusto pa yata makipaglaban ng one on one. Sumugod ulit siya ngunit sablay. Kinuha ko ang kamay niyang sumablay at pinilipit iyon sa likod niya saka ko siya tinuhod sa sikmura. "Argghhhh" namimilipit niyang sigaw. Pinosasan ko siya at hinila pabalik. Nagtagal pa nang ilang oras bago nahuli ang lahat. Halos lahat nang nasa bar ay inaresto. Nag handa kase kami nang back up kung sakaling magkakagulo kaya maraming police sa paligid. Nang mahuli na ang lahat ay saka ko palang nakita si Police officer Santos. Mabilis siyang lumabit at tiningnan ang daplis sa balikat ko. "Kamusta?" Tanong ko "Ayaw nilang mag salita kung sino ang boss nila. Pero huwag kang mag alala sigurado naman akong magsasalita din yang mga yan." Aniya ng seryoso. Tumango lang ako sakanya. "Are you okay?" Tanong niya at hinawakan niya and balikat ko kaya ayon at nasuntok ko siya. Masakit kaya. "I'm fine." I said Punong puno nang dugo ang kalahati ng kulay puti kong damit. Ngunit hindi kona ininda pa yon at bumalik na kami sa sasakyan para makabalik sa Office namin para maka pag report. Nang makabalik sa Kampo namin ay pumasok ako sa office ko. Hindi naman nag tagal ay pumasok rin si Police Officer Santos na may dalang first aid kit. Hinubad ko ang puting damit ko at umupo sa sofa ng opisina ko. Naka bra nalang ako. "Akin na ang First aid." Ani ko sakanya dahil natahimik siya. Lumapit naman siya sa akin. "Ako na." Sabi niya at siya nanga ang naggamot sa sugat. Napapapikit ako sa sakit dulot ng alcohol. Nagbuntong hininga siya at mahinang nagsalita pero sapat na para marinig ko. "Sabi ko kasing huwag umalis sa tabi ko para di mapahamak." "Tss. Okay lang ako. Daplis lang yan. Ang OA mo." Ani ko sa kanya. Tumayo siya at lumabas. Maya maya ay bumalik siyang dala ang t-shirt niya at binigay sa akin. "Suot mo yan." Utos niya. Hindi nako nag reklamo at sinuot nalang. Wala naman kase akong damit na dala. Tumingin siya sa orasan. 4:30 AM "Bibili lang ako nang pagkain natin." Aniya at lumabas na. Bumalik naman ako sa mga kaylangan kong basahin na reports. Kahit inaantok ay nag simula akong magtrabaho. I am Police Captain Crizzie Admiral. My Responsibility and Duties as a Police Captain, to plans, assign,giving command or supervise and participate in the program and activities of the patrol and investigative operation. "HEY , Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa." Puna ni Police Officer Baldez. Kanina pa kase ako bumubuntong hininga at hikab ng hikab. Marami kasing report na kaylangan tapusin kaya hindi ako natulog. Tiningnan ko siya ng masama. Nang makita niya ang eye bags ko ay malakas siyang napahagikgik ng tawa. "You look haggard girl. mukha kang panda." At nag simula nanaman siyang tumawa. Halos tawa niya lang ang naririnig sa office ko. "Baka nakakalimutan mo Police Officer Lexie Baldez. I am giving you a command." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya matapos kong sabihin yon. Ngumuso siya at tinampal ako nang mahina sa pisnge. "Kukuha nalang kita ng Kapeng mainit, Capt. Admiral." Ani niya at tumatawang umalis. Kung hindi ko lang kaibigan ang babaeng yon ay matagal ko na siyang sinibak. Maya maya ay pumasok naman si Police officer Sanchez kasunod si Hendrix. "Capt. Admiral, kaylangan daw ng pirma mo dito." Ani ni Police Officer Sanchez. Kinuha ko sakanya yon ng hindi sila tinitingnan at binasang maigi bago pirmahan. Nagtaas ako ng tingin nang matahimik sila. "Whoaa. Puyat kaba?" Gulat na usal ni Police officer Kalix Sanchez. "Mukha kang panda baby." Ani naman ni Hendrix na tinatawag nanaman ako sa ibang callsign. Napaka harot talaga ng bakulaw na ito. Handa ko na silang barahin nang bumukas ang pinto at pumasok nadin si Lexie. Nilapag niya ang kape sa gilid ng table ko. "Oy Eto na kape mo Capt. Panda." Nagtawanan naman sila. Sinamaan ko sila nang tingin. "Hala, may galit na panda." Nakangusong ani ni Lexie. "Lexie hindi galit na panda yan. Nag wawalang panda nayan." Hirit naman ni Hendrix. Nagtawanan ulit sila. This time sobrang lakas na. Kaya may pumapasok na ibang Police officer para tingnan kung ano ang nakakatawa. They always like that teasing me is a stress reliever sa kanila. "Oy, trabaho ngayon bakit ang ingay niyo." Sita ni PO2 Castillo. "Ang aga aga ang iingay niyo." Si PO1 Torres naman habang may dala dala pang pandesal. Sabay sabay akong tinuro nang tatlo kaya napatingin silang dalawa sa akin. At ako ang kanilang happy pill sa araw na ito. Malalakas na tawa lang ang mga lumalabas sa bibig nila. Halos mamilipit na nga sa sakit ng tiyan si Lexie. Sisiguraduhin kong madadagdagan ang trabaho ng mga ito. Lalo na si Lexie. "Labas." Mariin kong usal. "Patay. Sumabog na ang panda." Ani ni PO2 Castillo. "Get out!!!" Sigaw ko sa kanila. Halos nag uunahan naman silang tumakbo palabas. Nang tumahimik na ay dahan dahan akong napasubsob sa aking lamesa dahil hindi kona mapigilan ang pagbagsak ng mga talukap ng mata ko hudyat na hindi kona talaga kayang pigilan ang antok. Kinabukasan naglalakad ako papasok sa aming kampo ng madaanan ko ang lamesa nila PO2 Castillo, PO1 Torres, Kalix, Hendrix at Lexie. Napangisi ako dahil mukhang busy sila. Sobrang daming papel na nakatambak sa table nila. Napalingon sila sa akin kaya tinaasan ko lang sila ng kilay at inirapan. "Maldita." Narinig kong usal ni Lexie. Nag pipigil naman ng tawa ang iba. "Gusto mo bang dagdagan kopa yan?" Ani ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nang balak ng magsalita ay binusalan siya ni Kalix ng pandesal sa bibig. Tumalikod nako para makapasok sa Office ko. Nang papasok na ako ay sumigaw siya. "Maldita!" Lumingon ako kay Lexie at tiningnan siya ng masama. Napanguso lang siya at nag peace sign. Ngumuso nalang din sila Kalix at Hendrix. Humagikgik naman si PO2 at PO1. "Dagdagan ang mga papel nila PO2 Castillo at PO1 Torres." Ani ko bago padabog na pumasok. "Hala.." PO2 at PO1 Naging busy kami sa araw naito dahil sobra talagang daming ginagawa. At meron pang pinarereview sa amin na kakatapos lang magtapos nang kolehiyo at inatasan kaming mag turo sa kanila. "Capt. Admiral. Pupuntahan namin ang isang Casino. Any tips?" Tanong ng isang Police Officer. "Tumaya ka lang nang tumaya, guluhin mo sila habang ang ibang Police officer ay busy na sa panghuhuli sa iba at pagkalap ng mga impormasyon. Kunin molang ang atensyon para hindi maging halatang police ka." Hindi seryosong payo ko. Nakita na kasing sobrang dami kong ginagawa manghihingi pa ng tips. Pero syempre bilang Police Captain, I suggest a plan that can help them. Pareparehas ang naging schedule namin nila Hendrix, Kalix, Lexie at ni PO2 at PO1. Kaya sabay sabay narin kaming kumakain sa loob nang office ko. Tulad ngayon, kahit ayaw ko dahil sobrang gulo nila ay wala nakong nagawa. "Kalix, malapit na bakasyon mo?" Tanong ni Hendrix. "Oo." "Saan ka mag babakasyon?" Tanong naman ni PO2 Castillo. "Sa isang Isla, may nag alok kase na maganda daw doon." Sagot ni Kalix habang patuloy na kumakain. "Kasama niya ko." Biglang hirit ni Lexie kaya halos masamid si Kalix. "Sasama ka? Bakit?" Tanong ni Kalix kay Lexie "Duh. Same lang tayo ng Vacation date no." Maarteng pahayag ni Lexie. "Kaylan bayon?" Salita ulit ni Hendrix. Sinabi ni Lexie at Kalix ang 1 week Vacation date nila at sa pagkamalas malas pa ay sabay sabay pa nga kami ng araw ng bakasyon. "Hoy, sama sama nalang tayo. Walang Kill joy ah. Set nato. Walang drawing." Ani ni Lexie. Mukhang masaya naman sila sa magiging isang linggong bakasyon namin. "Isang room nalang tayo ah. Para tipid." Bulong ni Hendrix sa akin. Siniko ko lang siya. "In your dreams." "Basta." Parang batang usal niya at tuloy tuloy na pag subo. Halos sila na ang kumain lahat nang pag kain. Ang tatakaw talaga. "Pssh. Huwag ka papasexy sa iba doon ah" hirit pa ni Hendrix na narinig nila. "Ayieeeee." Sila Kalix at PO1 na nag ayiee pero seryoso naman ang mga mukha. "Iyot" wika naman ni Lexie na minsan ay balahura ang bibig. "The start of sexyness." Si PO2 Castillo. Mga tukso nila. Sinapak sapak ko tuloy si Hendrix sa sobrang inis. Tawa lang siya nang tawa pero nang tumigil nako ay sumeryoso naman ang mukha niya. We always just like this but when it's about work. We all serious. May isa kaming pinaninindigan. Batas ay Batas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD