NASA isang Conference Room kami dahil tinuturuan ng mga Police officers ang mga kabataan na mag popolice ng mga tamang sign sa highway at iba pa.
Ang mga humahawak ng ganitong uri ay ang mga, Transit and railroad Police.
Transit railroad Police, patrol railroad yards and transit stations. They protect property, employees and passengers from crime such as thefs and robberies.
Ang mga baguhang Police ay tinuturuan kung paano mag hahandle kapag may nahuling kriminal o naka encounter nang isang kriminal at lalo na tinuturo sa kanila kung paano manghuli ng mga walang lisensyang motor.
Kumbaga tinuturo ang Tama at Tamang gagawin kapag may nangyaring ganon.
Nasa sulok lang kami, katabi ko si Lexie. Kami lang dalawa dahil may misyon ang iba.
"Boring." Bulong ni Lexie
Natawa naman ako. Hindi ko nga alam kung bakit nag police 'to napakatamad naman.
"Boring mo mukha mo. Makinig ka." Sita ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako.
"Kain muna kaya tayo? Nagugutom ako."
Kita mo na, pagkain nanaman nasa utak niya, hindi ko talaga alam kung bakit nakapasok sila sa pag popolice.
"Tara." Sabi ko.
"Food is life" sabay naming usal at mahinang natawa.
"Boss labas lang kami kakain, pag kaylangan kami dito pakitawagan nalang po kami pakisabi." Pag papaalam ko sa Guard at sinaluduhan siya.
"Mcdo tayo" sabi niya at hinihila na ako.
Huminto ako. "Ayoko don, sa KFC nalang" Pakikipag talo ko.
"Sa Mang Inasal kaya tayo para busog lusog?" Aniya at nagningning pa ang mga mata.
Ano yon bearbrand lang?
"Chaoking kaya?" Sabi ko habang iniisip ang pork chaofan at chaoking halo halo.
"Huwag na mahal pala. Wala pa tayo sweldo. Mag streetfoods nalang tayo." Aniya at hinila nako sa isang gilid kung saan may naka hintong bilihan ng streetfoods.
"Libre mo ah ikaw nag yaya." Sabi ko sa kanya at kumuha na nang halagang 50 pesos na street foods.
"Kapal nang mukha." Aniya sakin bago nag labas ng 120 pesos. Pambili namin ng palameg yung 20 pesos.
Nginingisihan ko lang siya kapag napapatingin siya saakin.
Naupo kami sa gilid at doon kumain.
Nang malapit na kaming matapos ay may dumaang naghahabulan sa harap namin.
Nung una ay hindi namin pinansin pero may isa pang babaeng humahabol at sumisigaw ng mag nanakaw.
A theft.
Dali dali kong tinapon sa basurahan ang meron pang laman na ilang pirasong kikiam at kwek kwek bago sumunod sa nag hahabulan upang mahuli ang magnanakaw.
Bilang Police dapat kabisado mo ang mga lugar na nasasakupan mo. Kaya naman alam na namin ang pasikot sikot sa lugar na ito.
Ganon din ang ginawa ni Lexie nakihabol nadin siya.
"Ikutan natin." Sabi ko at pumasok sa isang eskinita. Sumunod naman siya sa akin.
Mabilis akong tumakbo at hindi nagtagal ay nakikita ko na ang magnanakaw.
Lumiko ulit ako sa isang masikip na daan at saktong bumungo sa akin ang magnanakaw.
"Huli ka ngayon." Mahinang usal ko dahil pagod na pagod ako.
"Sorry po, kaylangan ko lang talaga kase nang pera kaya ko nagawa ang magnakaw." Ani ng magnanakaw.
"Kuya, ang batas ay batas." Ani ko at pinosasan na siya.
Hirap kase sa ibang mahihirap kumakapit sa patalim. Hindi naman madali kumita ng pera pero kapag sa mabuting paraan mo ito ginagawa nakakaginhawa yon.
Hindi ko naman sila masisisi kung bakit sumasagi sa isip nila ang masamang gawain. Ang akin lang syempre uusigin sila ng konsensiya nila.
"Kung hindi po namin kayo nahuli, anong mangyayari. Makakaya ho ba ninyo ang konsensiya niyo at ipapakain niyo sa anak niyo ang galing sa nakaw lang?" Ani ko pa at hinila na siya papunta sa prisinto.
Naalala ko ang sabi ng Mama at Papa ko noon.
"Hindi na baleng magutom kami nang inyong mama basta makakain lang kayo, hindi bale nang hindi masarap ang ulam natin basta at hindi tayo gumagawa nang masama at hindi tayo kumakain ng galing sa masama." Ani nang papa ko habang nakatingin sa amin.
"Anak, kahit anong mangyari ay huwag kayong papanig sa masamang gawain. Ipalaganap niyo ang kalinisan at kapayapan sa puso niyo." Ani naman ni Mama at masuyo kaming nginitian.
Kaso nung araw nayon, iyon na pala ang huling araw na makikita ko sila. Ayon sa nalaman ko, hindi pumayag ang Papa at Mama ko na mangholdap at magbenta ng droga. Kaya ipinapatay sila.
Hindi ko alam kung ano ang koneksyon non dahil ang alam ko. Nag tratrabaho ang mga magulang ko sa isang pabrika ng mga sabon. Kaya bakit may holdap at droga. Ngunit sa panahong iyon ay yon ang pinaniwalaan ko hanggang ngayon.
Nang dahil lang sa ayaw mong gumawa ng masama ay babawian kana lang basta nang buhay nang kung sino man. Hindi naman makatarungan yon.
Kaya ako naging ganito at Police na dahil para mabigyan nang katarungan ang pagkamatay nang aking mga magulang. Hindi naman nag tagal nang makapagtapos ako at naging isang ganap na police ay nakamit ko ang hustisiya para sa mga magulang ko.
Ipinakulong ko nang pang habang buhay ang gumawa sakanila non.
"Nahuli naba?" Sulpot ni Lexie na hinihingal hingal pa.
"Ay Hindi pa, Police officer Baldez, hindi ko pa nahuhuli, hindi kopa hawak e." Pambabara ko sakanya.
Sinimangutan lang niya ako at may tinawagan.
"Police officer Sanchez... May nang away saakin." Pabebe niyang sumbong kay Kalix.
"Talaga, aawayin mo siya para saakin." Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.
Parang sinasabi niyang ano ka ngayon ha.
Ma-attitude talaga itong babae na ito. Ang sarap ipatapon sa Mars.
Binigay ko na ang magnanakaw sa isang Police officer at siya na daw ang bahala doon.
Tumango lang ako at nagpaalam na siya.
"Nandito nasa tabi ko. Aawayin mo ha." Rinig kong sabi ni Lexie at dinilaan ako.
Isip bata.
Biglang nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko agad nang hindi tinitingnan ang caller.
"Hello?"
"May nang away ba sayo? Reresbakan ko." Ani ni Hendrix siya lang pala ang tumawag.
Napangisi ako at tinitigan si Lexie na nakatingin sa akin.
"Meron. Nandito nag sumbong panga e. Mahinang nilalang." Ani ko sa kanya at inirapan si Lexie.
Nanlaki naman ang mata ni Lexie at nagpapadyak. "Pumunta kana dito!" Aniya kay Kalix at binabaan.
"On the way babe." Si Hendrix naman.
Kita mo tong isang 'to ginamitan nanaman ako nang pagkamalandi niya.
Binabaan ko lang siya at baka lalong masira ang araw ko sa mga isip batang mga police.
Police officer Hendrix Santos. Who are you really?
What I'm scared of the most is when He will look at me and then he grin like an evil.
Hendrix always like that. He keep on caring and always joking around. But sometimes he just look at me in blank expression. Like that I did something bad to him.
"CAPT. Admiral, may sulat para sayo." Binigay sa akin ng isang Police Officer ang isang sulat.
Ano kaya to, baka padalang command na naman.
Pinagmasdan ko ang kulay itim na sobre, kahit nagtataka kung bakit ako nakatanggap ng sulat ngayon na kakatapos lang ng misyong niresolba.
Binuksan ko at kinuha ang puting papel.
Look at you now a Police Captain. Thinking of that make me proud. I am proud of you because dark after dark. Pain after pain. You're now free. I'm sorry if I'm like a Shadow. I am Criminal.
Hanggang tingin lang ako sayo dati , hanggang ngayon ganon parin walang lakas ng loob na sabihin ang lahat. Please.. kung lumabas man ang lahat.. huwag kana ulit umiyak, huwag ka na sana ulit masaktan dahil doble ang sakit non para saakin.
Hiling ko lang, mapatawad mo ako.
Yes Baby, I'm a criminal, wala akong panama sayo because you're now in the sky, flying like a bird who have a freedom. I'm sorry if I belong to those who cause you pain. I love you.. I'm sorry kung wala akong lakas ng loob para aminin sayo ang lahat. Patawad mahal ko.
- S,HM
Para sa akin ba talaga ang sulat na'to. Bakit parang ang sakit naman.