"Congratulations, Lyn. I am grateful na nakilala ko ang kapatid ni Farrah na kasing-ganda niya," nakangiting tugon ni Stacey sa akin dahilan para mamula ang magkabila kong pisngi.
"S—salamat, Ms. Ramoneda."
"Good luck sa bagong yugto ng iyong buhay. Alam kong makakaya mo 'yan. This is for your niece, and for your sister's husband."
"Sana nga makaya ng konsensiya ko ito, Ms. Ramoneda," tugon ko rito.
"Alam kong hindi madali ang lahat ng 'to para sa'yo. Pero naniniwala pa rin akong darating ang panahon na matutunan mo ring mahalin si Mr. Mondragon."
Nagulat ako sa narinig mula rito. Pero agad din akong nakahuma. Pinasok ko ito kaya dapat lang na panindigan ko ang pagiging si Farrah Mondragon.
"Sana nga, Ms. Ramoneda. Thank you sa lahat ng effort mo."
"So far, hindi ka naman mahirap turuan. Kuhang-kuha mo ang galaw ni Farrah, ang pinagkaiba niyo lang naman ay ang pananamit. Masyado kang simple kaysa sa kapatid mo. This time, we need to go for shopping."
"S—shopping? P—pero-"
Pinutol ni Stacey ang sasabihin ko pa sana. "No buts, kailangan mong magsuot ng damit tulad ng pananamit ni Farrah."
"Sige na, tara na!" nakangiting tugon ni Eliza. Nakangiting hinila ko si Erin, ako naman ay hinila ni Stacey. Nagkatinginan na lamang kami ni Erin sa isa't isa.
"Tita, aalis na kami. Maiwan na po muna namin kayo rito," saad ni Eliza kay Tita Mildred.
"Mag-iingat kayo," nakangiting tugon ni Tita Mildred. Lumapit ito sa akin sabay halik sa pisngi. Pagdakay, kina Eliza at Stacey.
Sumakay kami ngayon sa kotse ni Ms. Ramoneda. Mabuti na lamang at masayang kasama si Stacey. Magaan agad ang loob ko rito. Kasalukuyan na naming binabagtas ang daan patungong mall.
"Lyn, first time nating mag-shopping!" Halata sa boses ni Erin ang excitement. Naantig ang puso ko sa kasiyahang nagniningning sa mga mata nito. Higit pa sa kapatid ang turing ko rito. At masasabi kong hindi mapapantayan ng anumang yaman sa mundo ang kasiyahang mababanaag sa magandang mukha nito.
"Oo, at masaya ako dahil nakikita kang masaya," nakangiting tugon ko rito.
"Excited na rin akong dalhin sina Inay at Itay sa bago naming bahay at ipakita ang bagong negosyo na ipinagkaloob sa amin ng mabait mong kapatid," ani nito. Saka tumulo ang mga luha sa mga mata nito. Niyakap ko ito.
"Naku, pwede ka ng maging artista," biro ko rito para lamang alisin ang pagiging iyakin nito. Napangiwi ako nang kurutin nito ang aking tagiliran.
"Bad mo, siyempre sobrang saya ko. Ikaw ba naman ang bigyan ng sariling bahay, lupa at hanap-buhay? Ang swerte ko. Buong-puso akong nagpapasalamat sa ating Panginoon, at sa kapatid mong namayapa na. Minsan lang ang taong tulad niya, Lyn. Sayang nga lang at hindi ko siya na-meet ng personal upang makapagpasalamat man lamang."
"Duda ko nga, matagal na siguro niya akong pinasubaybayan. Ako man ay nagpapasalamat sa Panginoon ng bilyong salamat. Sa wakas ay hindi na rin ako maglalako nang Biko. Kundi, ang harapin ang bagong yugto ng aking buhay. Ang magpanggap na asawa at ina sa pamilyang naiwan ng aking kapatid."
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" tanong muli ni Erin sa akin.
"Oo, Erin, at hindi na iyon magbabago pa. Excited na rin akong makita ang aking pamangkin," nakangiting sagot ko sa kaibigan.
"Alalahanin mong ibibigay mo sa asawa ng kakambal mo ang obligasyon bilang asawa. Alam mo na kung ano'ng ibig kong sabihin."
"Alam ko, kaya kailangan kong maiwala ang virginity ko para hindi ako mabuking ng asawa ng kapatid ko," saad ko sa kaibigan sa mahinang boses.
"By the way, may masquerade party at invited ako. Gusto ko sanang isama kayo ni Erin, Lyn? Is that okay?" nakangiting singit ni Eliza sa pag-uusap namin ni Erin.
"Oo naman," nakangiting sagot ko rito.
"Tamang-tama at magpapaganda tayo. How about after our shopping diretso agad tayo sa venue?" suhestiyon ni Stacey sa amin.
"Okay lang," maagap kong sagot.
"Great!"
Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang mall. Agad na huminto ang kotse ni Stacey sa may garage. Mapapansing konti lang ang tao. Sabay na umibis kaming apat mula sa kotse. Pagdakay naglakad na kami papasok sa naturang entrance ng mall.
Kapwa hindi kami makapaniwala ni Erin. Palibhasa'y, first time naming makaapak sa mga ganitong lugar. Never in our entire life na nag-mall kami. Ako, na bahay, paaralan lang o 'di kaya'y naglalako ng Biko na siyang routine ko sa araw-araw.
"Om—"
Hindi na natapos pa ni Erin na mapasigaw dahil agad kong tinakpan ang bibig nito. "Erin naman, e. Nakakahiya, mapaghalataan tayong taga-bundok."
"Sobrang saya ko talaga, Lyn. Alam mo namang tulad mo'y first time ko ring makaapak sa malaking malls. Ganito pala ang itsura ng mga malalaking malls sa personal? Sa atin, puro kalabaw, punong-kahoy at magagandang tanawin ang nakikita. Pero dito, iba't iba. Pero kung papipiliin ako, mas maganda pa rin 'yong lugar natin siyempre."
"Aba, oo naman. At hindi ko 'yon ipagpapalit sa siyudad. Mas masarap mamuhay ng simple, Erin. Aanhin mo naman ang kayamanan kung ikapapahamak lang din naman ng iyong buhay?"
"Pero sadyang ipinanganak kang mayaman, Lyn. Alam mo bang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala?"
"Pwes, maniwala ka na lang," nakangiting saad ko rito. Nakasunod lang kami nina Stacey at Eliza na tulad namin ni Erin ay may sariling topic din ang dalawa. Hindi nakaligtas sa aming pandinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagkatinginan na lamang kami ni Erin.
"Ikaw ba'y nagpapaligaw na, Erin?" tanong ko rito.
"Sinusungitan ko nga ang ilan para ma turn-off. Alam mo namang focus lang tayo sa pag-aaral natin. Hala, oo nga pala. Paano ang pag-aaral mo?"
"Since naging si Farrah na ako. Titigil na ako sa pag-aaral, Erin. Kaya ikaw, mangako ka sa akin na magpapatuloy ka sa iyong pag-aaral."
"Aaminin kong kinakabahan ako sa pagpapanggap mong 'yan."
"Alam ko, ako man ay gano'n din ang nararamdaman. Hindi ko nga alam kung paano ko pakikiharapan si Mr. Mondragon. Sana lang maging natural ang aking galaw sa harapan ng kunway asawa ko, Erin."
"Naku, paano kaya no kung may bed scene na kayo? Omg!" palatak ni Erin.
"Nakita mo na ba siya kahit sa larawan man lang?" tanong ni Erin sa akin.
"Actually, hindi pa. Mostly, mga videos pa ni Farrah ang mga nakikita ko. Hindi naman mahirap iyon dahil kung tutuusin natural lang daw ang kilos ko. Sa pananamit lang ako medyo may problema. Mukhang kailangan kong masanay sa mga seksing damit. Kahit na alam mo namang sanay ako sa mga oversized na mga loose shirts. Ni si Ferra nga na pamangkin ko ni picture hindi ko pa nakita. Hinihintay ko pa kung kailan ipapakita nina Stacey at Eliza."
Aaminin kong kinakabahan ako sa tuwing naririnig ang pangalan ni Zeus. Bakit ba gano'n ang impact nito sa akin? Ang totoo niya'n, kinakabahan ako sa malapit naming pagkikita. Makakaya ko kayang salubungin ang mga labi nito? Ipinilig ko ang sariling ulo. Urgh! Lihim na sinita ang sarili sa tinatakbo nang aking imahinasyon. Bakit naman kasi napunta agad sa mga labi? Ugh!.