HALOS hindi ko makilala ang aking sarili sa mga oras na iyon. Kaharap ko ngayon ang sariling repleksyon sa salamin.
Kasalukuyan kaming nasa isang sikat na salon. Hindi ako pumayag na putulan ang aking mahabang buhok. Nanatili pa rin itong mahaba. Tulad ng kay Farrah.
Aaminin kong hindi ako komportable sa aking suot na damit. But I'll have to get used to it.
"Hindi ko na nakikita si Lyn. But the beautiful sophisticated Farrah Mondragon," nakangiting tugon ni Stacey. Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Erin. Pansin ko ang pag-awang sa mga labi nito.
"P—para kang artista, Lyn," nauutal na tugon ni Erin sa akin.
"Talaga ba, hindi ka nambobola?"
"Oo naman, totoo ang sinasabi ko," sagot agad nito sabay simangot. Ngumiti sa akin si Eliza.
"Si Farrah ang nakikita ko, Lyn." Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Pagdakay, napansin ko ang pagtulo ng mga luha nito, at maagap naman nito iyong pinalis gamit ang mga palad.
"Bakit ka umiyak, Eliza?" ani ko rito at nilapitan ito. Niyakap.
"I just, missed her."
"Kung nasaan man ngayon ang kapatid ko, sigurado akong payapa siyang nagpapahinga," saad ko rito at niyakap ito ng mahigpit.
"Mula ngayon, masanay ka ng tawaging Farrah," saad nito sa akin.
"Tatandaan ko 'yan. By the way, hindi niyo pa ipinakita sa akin sina Ferra at Zeus kahit man lang larawan nila."
"Don't worry, makikilala mo rin naman sila sa kaarawan ng anak mong si Ferra. Ilang araw na lang ay magkikita na kayo," nakangiting tugon sa akin ni Eliza.
"Kinakabahan ako, Eliza."
"I know, sino ba naman ang hindi. Lolokohin natin ang matinik na bilyonaryo na asawa ng iyong kapatid."
"P—paano kung nais niyang makipag-s*x sa'kin? Eliza, I—I am still a virgin," nahihiya kong tugon dito.
"Oh, no!" Napasinghap ito sa narinig mula sa akin. Napasulyap ito kay Stacey.
"Kailangan mong iwala 'yan, dahil kung hindi, mabubuking ka ni Zeus," tugon ni Stacey sa akin.
"Ano?!" bulalas ni Erin. "Huwag niyong sabihing kailangan niyang makipagtalik sa ibang lalaki para lang maiwala ang sariling dangal ng kaibigan ko?" Bakas sa hindi pagsan-ayon ang boses na iyon ni Erin.
"That's it, Erin. Kailangan," ani Stacey sa kaibigan kong si Erin.
"Panginoon ko po!" bulalas ni Erin sabay sulyap sa akin. "Gagawin mo 'yon, Lyn?!" gulat nitong tanong sa akin.
Tinitigan ko sa mga mata si Erin. "Dahil kailangan, Erin. Sana maintindihan mo ako."
"Hindi ko alam, Lyn. Pinipilit naman kitang intindihin pero bakit hindi ko kayang masikmura ang gagawin mo?"
"Katawan ko ito, at ako ang may karapatan kung ano'ng nais kong gawin. Isa lang ang gusto ko, ang suportahan mo ako kahit alam kong mali ang gagawin ko. May pangako ako na dapat tuparin, Erin."
"Lyn," ani Erin at niyakap ako nito nang mahigpit.
"Huwag kang mag-alala. Kaya ko 'to."
"P—paano kung—"
Hindi ko na pinatapos pa si Erin sa ano pa mang sasabihin nito. "I am fine, alam ko ang pinasok ko. At handa kong gawin ang lahat matupad lang ang pangako ko sa namayapa kong kapatid."
"It's 6:30PM, oras na para tayo'y umalis, ladies," nakangiting singit ni Eliza sabay tapik sa balikat ni Erin.
"Tulad mo'y labag din sa loob ko. Pero kailangan. Masquerade party ang pupuntahan natin ngayong apat, at sa gabing ito, kailangan ni Lyn na maibigay ang kanyang pagka-birhen sa lalaking dapat niyang sa tingin niya'y pag-alayan ng kanyang pinakaiingatang dangal."
Pansin ko ang sinseridad sa boses na iyon ni Eliza. Pagdakay, nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga.
"Let's go gals," ani Stacey.
Ngumiti ako kay Erin, halata ang labis na pangamba sa anyo nito para sa akin. "Okay lang talaga ako, kinakabahan ako at aaminin ko 'yan. Pero, siguro nga heto ang kapalaran ko."
"Pwede ka namang umatras, hindi ba?" mahinang bulong sa akin nito.
"May isang salita ako, Erin."
Napanasin kong napahilot sa sariling sentido si Erin. "Alam mo bang napaka-ganda niyong tatlo sa suot niyong mga damit?" nakangiting saad ko rito.
"Tulad mo'y alam mong hindi ako komportable sa suot nating 'to."
"Yeah, and it's our first time wearing this kind of expensive thingy," saad ko rito sabay simangot nito.
"Ayoko talaga nang English. Sabi nang hindi ako makaintindi 'pag 'yang lengguwahe ang ginamit mo, e," protesta nito na nakanguso.
Pumasok na kami sa loob ng kotse ni Ms. Stacey Ramoneda. As usual, nasa backseat kami. Nasa front seat si Eliza, nasa driver seat si Stacey. Pagdakay umandar ang kotse nito sa lugar kung saan idinaos ang naturang party.
"I'm wondering if Zeus was also present at the party?" ani ko.
"All I know is that Zeus is currently out of town," sagot ni Stacey sa akin.
"Kinakabahan ako, Lyn," ani Erin sa akin. Nakangiting hinawakan ko ang mga palad nito.
"Magtiwala ka sa'kin. Kaya ko 'to. Ang isipin na lang natin ay ang magsaya sa party na pupuntahan natin, isipin na lang natin ang mga pagkaing nakahanda roon na minsan lang nating matikman," nakangiting tugon ko sa kaibigan.
"Kaloka ka talaga, Lyn. Ewan ko ba sa'yo. Okay lang ba talaga sa'yo na maiwala ngayon ang pinakaiingatang crystal mo?"
"Yes, for the sake of my sister's family, Erin."
"Hindi ko maintindihan nga," ingos nito sabay nguso.
"Bahala ka, translate mo na lang."
"We're here, gals!" Narinig kong tugon ni Stacey.
Mula sa kotse nito ay sabay na umibis kaming apat. Kapwa kami namangha ni Erin sa ganda ng naturang lugar. Sumisigaw sa karangyaan ang buong-paligid. Lalo na ang mga naroon. Muli, nakaramdam ako ng panliliit sa sarili.
Nakangiting binalingan kami nina Stacey at Eliza. Lumapit ang dalawa sa amin.
"Act normal, be cool!" masiglang tugon ni Eliza sa amin ni Erin.
"Grabe ang mga tao rito. Gosh, may red carpet pa!" mahinang bulalas ni Erin.
"At may ilang media? Para pala tayong celebrities dito?!" bulalas ko naman.
"Lalo ka na, Farrah. Pakiusap, Erin. Huwag mong tatawagin ang kaibigan mo sa tunay niyang pangalan. Call her, Farrah. Kailangan mong sanayin ang sarili na Farrah ang itatawag mo sa kanya. Umaasa ako na sana magagawa mo 'yon para sa kaibigan mo."
"Naintindihan ko, Ms. Ramoneda," sagot ni Erin dito.
"Lyn, sanayin mo na rin ang sarili na ikaw ay si Farrah at hindi si Lyn. Stacey na lang, Erin. Para lang naman tayong magkapatid na apat," nakangiting saad ni Stacey sa amin ng kaibigan kong si Erin.
"Tatandaan ko 'yan," sagot ko rito na may ngiti sa mga labi.
"Okay, Stacey," si Erin.
Pagpasok pa lang namin ay hiyawan na agad ang ilang fans ni Farrah. Lihim akong nainggit sa aking kapatid na namayapa. Hindi ko akalaing tinitingala pala ito bilang sikat na fashion designer sa lugar ng Pransya, ayon na rin sa nalaman ko mula kay Stacey at Eliza.
Kabi-kabila ang mga ilang click ng cameras at ilang mga media ay mapapansin sa lugar na iyon. May nakita pa akong banner na may nakasulat. 'We Love You, Farrah!'
Bago kami tuluyang pumasok sa loob ng naturang main venue, isinuot na namin ang kaniya-kaniya naming mask, since masquerade party ang theme.
"Omg! Y—Farrah! Ang daming artista!" bulalas ni Erin. Humigpit ang pagkakahawak ko rito saka bumulong sa tenga nito.
"Alalahanin mong kumalma ka lang, nakakahiya, Erin," paalala ko rito.
"Sobrang saya ko lang. Gosh, ang daming gwapo, L—Farrah!"
"Sanayin mo kasi ang Farrah," nakangiting paalala ko rito.
"Tara, doon tayo sa table natin," anyaya sa amin ni Eliza. Sumunod lang kami rito.
Inilibot ko ang paningin sa naturang venue. Sobrang ganda. Halatang lugar ng mga high-society people. We do not belong here, this kind of circle is only for the wealthiest and rich ones.
Nang makarating kami sa aming table kung saan naroon ang iba't ibang pagkain. Naramdaman ko agad ang mahigpit na hawak ni Erin sa isang braso ko.
"Gosh, mga pangmayamang mga pagkain, Farrah!" bulalas nito sa mahina pa ring tinig.
"Tamang-tama, gutom na rin ako," ani Stacey. "Let's eat gals."
Nakangiting naupo na kami at naupo sa naturang table at kumain. This time, we need to take off our mask. At ginawa nga namin 'yon. Agad na nawalan ng ilaw ang aming area at tanging ilaw ng mesa ang makikita. Sapat para makita ang pagkaing aming kakainin. Wow, iba rin!
Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami sa aming kinakain. Ibinalik ulit namin ang aming mask. Pagdakay, maririnig ang ilang mga kasiyahan. Pumailanlang ang tugtog nang malamyos na musika.
Tumayo sina Eliza at Stacey nang lumapit sa kanila ang dalawang lalaki. Pagdakay, isang lalaki naman at lumapit kay Erin.
"Go na, paunlakan mo na," nakangiting tugon ko sa nagdadalawang-isip kong kaibigan. At sa wakas ay tumayo si Erin at tinanggap ang palad ng lalaki para siya'y isayaw.
Lihim akong nagdamdam. Ba't walang nakipagsayaw sa'kin? Wala sa sariling dinampot ko ang kopitang may lamang wine at diretsong nilagok ang laman niyo'n . Gano'n na lamang ang gulat ko nang malasahan ang tamis niyo'n, hanggang sa panay na ang inom ko sa matamis na wine.
Nakaramdam agad ako nang pagkahilo. Urgh! Napahawak ako sariling sentido. Sinubukan kong tumayo , nang bigla akong mawalan ng aking balanse. Oh, no! Hinihintay ko ang pagbagsak ko. Ngunit, gano'n na lamang ang gulat ko nang maramdaman ang dalawang matipunong-braso na nakaalalay sa akin. Nanunuot sa ilong ko ang tila nakakaakit nitong pabango.
"Careful," ani ng baritonong tinig. Nang mag-angat ako nang tingin sumalubong sa akin ang kulay itim na mga mata ng isang estrangherong lalaki. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
"Thank you," nakangiting tugon ko rito. Pagdakay inalalayan ako nitong makatayo. Pansin kong umiikot na ang aking paningin. Gosh!
Don't tell me, nalasing na ako sa ininom kong matamis?