"Akala ko talaga bukas pa ang pagsasanay. Hindi ko akalaing mapaaga ang dating ni Stacey," naiiling na tugon sa akin ni Tita Mildred.
"Okay lang po 'yon. Mas maigi na mas maaga," sagot ko rito.
"Mabuti na lang at ang bilis mong matuto," nakangiting tugon ni Eliza sa akin.
"Madali lang naman. Eliza, kinakabahan ako sa pagkikita namin nang asawa ng kapatid ko. P—paano kung humingi siya ng bagay na para sa mag-asawa?"
"Hindi ba't tinanggap mo ito ng buong-puso mula sa kapatid mo, nararapat lang na ibigay mo sa asawa niya na asawa mo na rin ang bagay na iyon," seryosong tugon ni Eliza sa akin. Napalunok ako. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga na pinakawalan nito. Hinawakan nito ang dalawa kong mga kamay. Alanganing napatango ako rito.
"Alam kong kinakabahan ka, pero narito na tayo. Tinanggap mo, so be it — okay?"
"Yeah," alanganin kong sagot.
"Ihahatid na kita sa bahay niyo, tiyak kong naghihintay na sa iyo si Erin."
Napangiti ako ng maalala ang best friend kong si Erin. Tiyak kong magtataka ito. "Magtataka iyon panigurado," saad ko. Nagpaalam na ako kay Tita Mildred.
"Mag-iingat kayo. By the way, Lyn. Para sa'yo," nakangiting saad ni Tita Mildred sa akin at ibinigay ang isang envelope. "Tiyeke ang laman niya, worth of five million para sa inay mo."
Hindi ko namalayan ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko kasi akalain na sa kabila ng ginawa ni inay sa pamilya ko ay nagawa pa rin ng Tita Mildred ko na tanggapin ito.
"Tita," tanging sambit ko.
"Since nakita ko ang pagmamahal mo sa kanya. Kaya kong kalimutan ang mga pangyayari noon at harapin ang ngayon," saad nito.
"Salamat po," lumuluha kong tugon.
"Walang anuman," saad nito sa akin. Hinagod nito ang aking likod. "Tahan na, sige ka papangit ka niya'n," biro pa nito sa akin.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap dito. At parang tanga lang na nakangiti rito. "Aalis na po ako, Tita."
"Magkikita na lang tayo bukas para sa pagsasanay mong muli," ani nito.
Saka namin ito tinalikuran at tinungo ang kotse ng kaibigan kong si Eliza. Nakasunod lang ako rito. Sabay na kaming pumasok sa looban ng kotse nito.
"I am so sorry kung inilihim ko sa'yo ang lahat," saad nito.
"Masaya ako sa nalaman, wala kang dapat na ihingi nang tawad. Grateful ako dahil kahit sa huling hininga ng kapatid ko sa pagkakataon na iyon, nayakap, nakausap, at nakilala ko siya," sagot ko na pilit nilalabanan ang sariling boses na huwag pumiyok.
Pagdakay pinaandar na ni Eliza ang sarili nitong kotse. I buckle my seat belt na ngayo'y alam ko na kung paano. Lihim akong napangiti sa sarili. Palibhasa'y, first time kong makasakay ng ganitong kotse. Ignorante ako sa mga ganitong bagay lalo na at lumaki ako sa hirap. Ngunit hindi ko akalaing nanggaling pala ako sa angkan ng mayayaman.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ni Eliza ang munti naming tahanan ni inay. At napansin ko agad ang best friend kong si Erin na sambakol ang pagmumukha. Nagkatinginan kami ni Eliza sabay ngiti sa isa't isa.
"I told you, she's waiting for you!"
"Inaasahan ko rin," nakangising sagot ko kay Eliza. Sabay na umibis kami mula sa kotse nito.
Lumapit agad sa amin si Erin. Naka-pameywang pa ang bruha kong best friend sabay irap sa amin.
"Aba, kasama mo na naman 'yang new friend mong si Eliza. Asan na ang pasalubong ko?" nakasimangot nitong ani.
Pinipigilan ko ang mapangisi. Palibhasa'y may uling pa ang pagmumukha nito. "May importante lang kaming pinuntahan, ikaw talaga. Huwag mo ng pagselosan si Eliza, tulad mo'y kaibigan ko rin siya," ani ko rito.
"Oo nga naman, Erin. And we can be friends also, that if you want me to be one of your friends?" nakangiting tugon ni Eliza sa naka-irap kong kaibigan.
"Pwede ba 'wag kang mag-English, wala akong maintindihan," palatak ni Erin.
Hindi na namin napigilan ni Eliza ang aming sarili at napabunghalit na kami ng tawa. "Patawad, Erin. Hindi lang naming mapigilan ang matawa dahil sa hitsura mo. Teka nga, ba't ba may uling ka pa sa mukha?"
"Galing lang kasi ako sa ulingan namin, katatapos ko lang ding mag-deliver sa mga suki namin ni inay. At wala akong pakialam kung may uling man itong mukha ko, isa pa, hindi uso sa akin ang tumingin sa salamin," inis nitong saad sa akin. Still, nakapaskil pa rin ang ngiti sa aking mga labi.
Mula sa bag ni Eliza ay kinuha nito mula roon ang isang maliit na salamin. "Here, try to check your face," nakangiting tugon nito sabay abot ng salamin sa nakasimangot kong kaibigan.
Inis na kinuha naman ito ni Erin mula kay Eliza at pinakatitigan ang sariling mukha. Nanlaki ang mga mata nito. "Anak ng putakti, bakit ngayon niyo lang sinabi?" ani nito, kapwa namin napansin ang pamumula ng dalawang pisngi nito.
"Okay ka lang, of course! Dahil ngayon lang tayo nagkita ulit." Sa wakas ay saad ni Eliza sa Filipino na lengguwahe.
"Naku po, alam niyo bang kagagaling ko lang maghatid ng uling sa bahay ng crush ko kanina. Akala ko pa naman gandang-ganda siya sa'kin kanina dahil nakatitig siya sa mukha ko. Ang walangya hindi man lang sinabi na may uling pala ako sa mukha."
Nakagat ko ang pangibabang-labi pilit pinipigilan ang matawa. Napansin ko naman si Eliza na tila tulad ko rin ay pinipigilan ang sarili na tumawa.
"Pasok na nga lang tayo sa loob," paanyaya ko na lamang sa dalawa.
"I have to go, Lyn. Isa pa, kailangan ko na ring bumalik sa opisina," saad ni Eliza sabay sulyap sa relong-pambisig nito.
"Gano'n ba? Sige, mag-iingat ka."
"Salamat," saad nito at mabilis na umalis dahil sa tingin ko'y tila may hinahabol itong oras. Saka hinarap ko ang kaibigang si Erin.
"May good news ako sa'yo!" bulalas ko rito.
"Kinabahan naman ako sa good news mo. Makakatulong na ba 'yan sa pangarap natin noon na makapag-asawa ng isang bilyonaryo?"
Natawa na naman ako sa narinig mula rito. Yeah, pero biro lang naman iyon. "Gaga ka talaga, may pera na ako para mapagawa natin iyong bahay ninyo na malapit nang masira, na kulang na lang ay banggain ng
hangin. "
Inis na hinampas ako nito sa braso at sinabunutan dahilan para mapahiyaw ako sa sakit. "Aray!"
"Kung nag-drugs ka 'wag mo akong isali riyan. Bruhang 'to!" palatak nito sabay simangot. "Hayan ka na naman sa mga joke mo. Utang na labas, Lyn. Pwede ba, huwag mo akong pag-tripan. Narito ako para sana umutang ulit sa'yo, nagbakasakali lang naman ako baka may extra kang pera riyan," ani nito.
Nakangiting ipinapakita ko rito ang envelope. "Makakabili na tayo ng kahit maliit na lupa para sa inyo at makapagpatayo na tayo ng bagong bahay ninyo."
Napanguso lang sa akin si Erin. Pagdakay, nakatitig sa hawak kong envelope. "Kung ano mang trip mo sa buhay sige lang sasabayan kita."
"Ayaw mo talagang maniwala?" tudyo ko rito.
"Ayaw," turan nito.
Mula sa envelope ay kinuha ko ang tseke at ipinakita rito ang halagang nakasulat roon. Pero wala pa rin itong reaksyon.
"Ano'ng meron sa papel?" ani nito sa akin. At hindi ko na napigilan ang sarili at natawa na nga ako.