May part sa sarili kong naguguilty. Ang sama ko naman dahil tinapon ko 'yung binigay sa akin.
Pero mas mabuti na rin 'yun. Baka isipin pa nung lalaki na tumatanggap ako ng utang na loob niya. Yuck!
One hundred percent. Sigurado akong nakakalat na sa mga kaibigan ko ang nangyari kanina. Angel with her wide mouth.
"Ba't mo naman tinapon 'yung panyo?" See.
"Ano namang gagawin ko dun?" Pinagtaasan ko sila ng kilay.
We're here in canteen. Pag break nalang kami madalas magkasama sama. Buti nga nagkakasama sama pa kesa naman iba na ang kasama.
Favorite tambayan namin pero minsan sa gazebo. Mainit kasi dito, free trial sa impyerno.
Sa gazebo naman, madalas 'yung magjojowa dun. Nakakainggit na nakakasuka.
"Pwede mong ipampunas sa pawis mo. Tapos maiisip mo, ang gwapo nung nagbigay!" Tili ni Shannel. Tumingin tuloy 'yung ibang kumakain sa kanya. Nahihiya naman siyang tumahimik.
Umismid ako. "Ew, ipampunas ko nalang sa pwet ko 'yan, uy!" Pabirong sabi ko.
Inaabot naman sa akin ni Angel 'yung box ng panyo na kay tatlong iba't ibang disenyo. Sinenyas ko na ayaw ko at kanya na 'yun.
"Arte mo, kunin mo na! Sa dinami dami ng manliligaw mo, wala pang nagregalo sa'yo kaya wag ka nang maginarte." She said and sipped to her coke.
"Sayo na nga. Sabi mo maganda diba. Binibigay ko na nga." Maarteng sabi ko.
Mabilis namang kinuha ni Charlotte iyon at parang sinusuri pa ang tela. "Mamahalin 'to ah! Akin nalang. Hati tayo? Kaso tatlo lang. Apat sana para 'I love you baby.'"
Ano? Gusto ko masuka sa huli niyang sinabi. Kadiri ah! Naiimagine ko palang 'yung taong nagbigay parang masusuka na 'ko.
"Inyo na 'yan. Baka magalit pa si Railey pag nalamang may bago akong panyo." Tanggi ni Shannel.
"Edi ibreak mo. Seloso masyado. Teka, alam niyo ba kung sino nagbigay?" Angel gaze her eyes on me. Sinamaan ko siya ng tingin.
Subukan mong sabihin, huling salita mo na 'yan.
"Sino?" Sabay sabay na tanong nung tatlo.
"Si—"
Mabilis kong tinakpan yung bunganga niyang malaki para hindi matuloy ang sasabihin. Eto naman peste na 'to, kinagat pa ako! Ang sakit! hayop 'to ah.
"Eto naman. Hayaan mo siya. Sharing chismis is caring each other sis." Tampal ni Jelliane sa kamay ko na hinahawakan ko dahil bumakat yung kagat nung bwiset.
"Si Sullivan. Kilala niyo na 'yun. Yung captain ng basketball natin. Yung gwapong senior. Yung mabango, mayaman, matangkad. Lahat na!" Kinikilig na announce ni Angel.
Tang'nang description 'yan. Parang hindi makatotohanan.
The jaws of the three dropped, malalaki pa ang mata. Ang papangit ng reaction, gusto ko matawa pero naiinis pala ako dapat.
"Weh di nga?" Hindi makapaniwala nilang tanong.
I immediately sipped on my juice. Umiiwas sa tingin nila. Ano? wag niyo kong tignan, hindi ko type 'yun!
Ang awkward naman nito. Tatakas na nga ako. Ako na naman ang pinagiinitan.
"Bye, may klase na 'ko." Paalam ko at kinuha ko na ang mga gamit ko. Medyo maaga pa. May ten minutes pa ako bago magsimula ang klase.
"Hala, Ang KJ! Jayb!" Tawag pa nila pero kinaway ko nalang ang kamay ko habang nakatalikod.
Diyan kayo! pagtripan niyo sarili n'yo.
Tumungo muna ako kay Mr. Valdimar. Ipapasa ko na siguro yung output ko sa chesmistry. Pinagpuyatan ko rin 'yun, no!
"Sir?" I opened the white door of his office. Grabeng lamig ang sumalubong agad sa akin.
Naroon na si Jina. Ang kaklase kong madalas na magbida bida.
"Just send me your output. Kulang pa 'yun." Mr. Valdimar reminded her before she walk against me.
I bit my inside cheeks. Medyo hindi ko alam kung paano sumalubong ng lalaking teacher.
"Are you passing your output, Miss Collins?" Deretsahang tanong niya. I nodded and walk to his location.
Marami pa siyang inaayos sa table niya. Probably my classmates work. Gusto ko sanang tignan kaso baka isipin niyang ususyera ako.
"Eto na po, sir. Complete na 'yan." I smiled at him. He professionally surveyed my papers. Tumango naman siya nang makita niyang maayos ito.
"Okay, job well done." Komento niya. Awkward akong nagpaalam at lumabas na sa office nito. May inayos pa siya sa table niya kaya naman hindi ko na pinansin.
I closed the door but my heart jumped when I saw Conan. May hawak itong papers. Magpapasa rin siya?
His sharp eyes glance and me but when i looked back, he took it off.
Tahimik ko siyang nilagpasan habang siya naman ay parang wala lang na pumasok sa office.
His eyes were full of pissed and anger when he looked at me. Nakarating kaya rito na tinapon ko 'yung bigay niya? So what.
Pababa na ako nang hagdan ng biglang umawat sa akin ang boses nito.
"So you just threw in the trash, did you?" He accused me.
I turned him without any inhibitations. He was staring at me rudely. I can see how his jaw moved.
"Ano naman ngayon?" I rolled my eyes at him.
With his clenching fist, bumaba siya ng isang hakbang. Hanggang sa dalawang hakbang nalang ang layo namin sa isa't isa.
"Are you familiar with the word appreciation?" Sarkastikong sabi niya. As far as I remember, alam kong ang salitang 'yun. Hindi lang deserve pag sa kanya iaapply.
"Oo, alam ko. Pero kung ikaw ang pagbibigyan ko nun, parang hindi akmado." Para akong tanghihina dahil sa titig niyang mas lalo lang dumidilim.
He was annoyed. Ano ka ngayon?
"Mister, hindi ko ho kailangan ng suhol niyo. Hindi ko naman sasabihin na nang aanggrabiyado ka ng estudyante. Tsaka yung panyo ko mukha mang sinauna pero may value yun. Eh ikaw ba—"
"Shut it." He cut me off. "Alam ko na kung bakit mo tinapon 'yun. Well, tama lang naman ang ginawa mo. Hindi nga naman kasi bagay sa kagaya mo ang mamahaling bagay, right?" He smirked.
Wow! wow lang. Gumaganti pa.
Inis akong nagwalk out. Bahala ka riyan! kung iisipin mong walk out queen ako, edi isipin mo.
Naiirita pa ako dahil bago ako umalis ay narinig ko pang tumawa siya. Tawa ka pa. Mas lalo lang akong nairita sa ugali niya.
Napaka arogante.
I checked my phone after leaving the Science building. Feeling ko sinasadya ng tadhana na pagkitain kami.
As if naman na gusto kong makita 'yun.
"May practice raw ang basketball mamaya sa court. Nood tayo?" Anyaya ni Shannel. Part nga naman kasi ang boyfriend niya roon.
"G!" Masayang tugon ni Jelliane.
"Kayo?" She pointed us three. Kami nina Angel at Charlotte. Busy naman ni Lotte na pinupunasan ang table namin dahil magulo.
She's super clean and the mother our squad. Siguro nagkawatak-watak na kami kung wala siya. Immature pa naman kami minsan.
Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Isang taon ko pa lang sila na kasama pero feeling ko ang solid solid na namin.
It's true, you'll never feel lonely when you have the right circle of friends. Sa lahat ng kaibigan ko, sila ang tinuturing kong bestfriends.
"Manonood ako kahit wala akong susuportahan." Angel pouted her lips.
"Okay lang naman sa'kin. Kaso medyo nakakasawa na 'yung ng mga naglalaro roon." Umirap si Charlotte bago pagsamahin yung tissue ginamit niya.
"Ikaw, Jayb? Nandon si Dave." Panghihikayat nila. Akala niyo naman patay na patay ako roon. Crush ko 'yun pero hindi namma die hard!
Wala akong nagawa kundi tumango. E'di pagbigyan.
"Go Alexander! Ang galing mo!" Nakakarindi naman.
Pinagkrus ko ang braso ko habang tahimik na nanonood. Sa lahat ata na ng naroon sa court, ako lang ang parang binagsakan ng langit.
"Icheer mo namam 'yung gusto mo." Uto ni Charlotte sa tabi ko. Tahimik din naman siya.
"Para saan? Magaling naman 'yan kahit hindi icheer." Naiimagine ko palang na nagchecheer ako, natatangahan na ako sa sarili ko.
"Wow, confident sa bebe."
"Go Railey! Kaya mo 'yan babe!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang iingay. Ako na ang nahihiya sa tuwing naabutan kong nakatingin ang ilang seniors sa amin.
Baka isipin nila na malalanding juniors kami. Ano na lang 'yun!
"Manahik na nga kayo, naiingayan na 'yung seniors. Mukha kayong tanga, practice pa lang 'yan oh!" Hinila ko na sila para maupo.
Sinamaan naman nila ako nang tingin dahil sa pag awat ko. Bumawi ako agad.
"Wala ka lang kasing macheer." Pabirong sabi ni Angel pero nang makita niya wala sa mood ang mukha ko, binawa rin niya.
Nanahimik sila sa tabi ko. Sa tuwing magsasalita ang isa sa kanila, agad silang tumitingin sa'kin, pati na rin sa seniors na sinabi ko. Tapos ititikom nila ang bibig nila.
"Go—"
"Tahimik nga raw." Tinakpan ni Shannel ang bunganga ni Jelliane.
I bit my insides cheek. Pinipigilan ang pag ngiti o tawa. Parang takot na takot naman sila sa akin.
"Hays, Hindi na talaga ako magtataka kung hindi makapagfocus ang team natin. Ang iingay kasi ng iba diyan. Nanood pa para manggulo."
Awtomatikong nakuha ang atensyon ko. Nang bumaling ako kung saan galing 'yun. Napairap agad ako. Mga senior na matataray pala iyon.
Kami ang pinariringgan.
Wow, bawal ba manood? Eh sa may jowang isang player kung kaibigan namin, e.
"Kaya nga, they are so magulo. Akala mo naman papatulan sila ng mga players."
Gusto kong pigilan ang sarili ko para magsalit pero hindi ako ganong tao.
Tumayo ako para lapitan 'yung dalawang babae. Nagtataka namang sumunod na siguro sa likod ko ang mga kaibigan ko.
"Excuse me po ah, malaki po ang galang namin bilang seniors namin pero bawal na po bang manood at magcheer dito? Hindi naman kami nanggulo. Pinapahype nga ng mga kaibigan 'yung player na hindi niyo magawa." Singhal ko.
Nakita ko ang pag irap ng isang mukhang maarteng pangit na babae.
Parang kumulo 'yung dugo ko roon, ah.
"Sure ka ba na hindi kayo nanggulo? Ang ingay ingay niyo nga. Mga pabida." She trailed off.
I swallowed hard before responding to her. "Pabida? tinawag mo kaming pabida? Wow ha, kayo itong mga pick me girls. Hindi naman bagay. Baka hindi nyo lang alam ah. Boyfriend po ng isang kaibiga ko 'yung player na nandiyan tapos yung isa may gusto sa kaibigan ko."
Sumama ang mukha nung isang babae. Oh bakit? gulat ka? halata kasing di ka papatulan kapag ikaw.
"I will not be surprise, mahilig naman 'yung ibang players sa low class." The other girl scoffed.
Parang umakyat lahat ng galit ko sa buhay ah.
Narinig ko na rin si Shannel at Jell sa likod ko. Galit na rin ata. Syempre siya yung may jowa at gusto diyan. Habang sina Angel at Charlotte naman inaawat ako.
"Talaga, hindi ka nagugulat? Pero imaginine mo 'yun. Low class yung gusto kesa sayo na high class. Hindi man lang pinipili."
"Bakit ba ikaw ang kuda nang kuda! yung nga kaibigan mo ang pinaparinggan namin! Pakelamera."
Dahil sa tensyon. Marami na rin ang umaawat. Pati yung ibang players ay napunta na rin sa amin.
They went to the bleachers when they heard us fighting. Nasira tuloy ang laro na pinapractice nila.
"What's happening here?" Matigas na ingles nung isa pang demonyo.
Napansin kong nanunubig na ang mata nung isang babae. Maganda siya pero yung kasama niya na mataray nakakainit ng dugo kahit mukha palang.
Conan went to the girl, crying. Inalo niya pa ito bago ako masamang tinignan. Ano pa bang ieexpect ko? na ipagtatanggol kami niyan. Kabatch niya 'yun, syempre dun siya.
"What did you do to her?" He pursued his lips, holding his anger.
"They are attacking us. Sinabihan lang namin sila na manahimik. These juniors as do mean to their ates!"
"Ako pa? Sila ang nanguna." Ani ko.
"But they are your seniors. Masama na awayin sila, juniors." Sabat noong isa na medyo kulot ang buhok.
"Hindi nga po kami nanguna. Sila nga diba!" Mataray na sagot naman ni Shannel.
I rolled my eyes. Frustrated na 'ko. Bahala kayo diyan.
"Just say sorry." Malamig na utos ni Conan habang kumapit naman sa kanya yung magandang babae pero hindi niya niyakap pabalik.
The other girl is still staring at me. Tinitingin tingin mo?
"Bakit kami ang nagsosorry, kami ba ang may kasalanan?" Pasok ni Angel.
"Nope, but obviously you ruined our game." Theron accused us.
Napahawak nalang ako sa bridge ng ilong ko. Nakakastress naman kausap ang matatandang ito.
"No need to say sorry. Aalis nalang kami. Waste of time lang naman manood." Mataray na sambit ko bago ko kinuha ang slim bag ko at hinila ang mga kaibigan ko.
Nakita ko naman ang patagong ngisi nung isang babae nang makaalis kami. Sumunod naman si Railey kay Shannel at umalis ng game niya.
Stop pushing my buttons kung ayaw niyo ng gulo, ah. Gusto kong ipagtanggol ang mga kaibigan pero inaamin ko kahit ako naingayan rin sa kanila. Ugh basta, maaga ata akong mahihighblood. Dapat hindi na kami nanonood.