Chapter 5

2111 Words
"Jaybriane, ikaw nga muna mag abot ng order dun. Table 2. Pagod na 'ko. Ako nalang cashier." I pursed my lips and nodded. Nagpalit kami ng posisyon ni Angel. Tamad na raw siyang magserve. Siguraduhin mo lang na maayos kang magsukli dahil ako ang malulugi. "Anong order ba niya?" Tanong ko rito. "One okinawa miktea, red velvet cake, and five pieces of chocolate chip cookies." Aniya. Tumango ako at kinuha ang pangserve. Medyo kabado pa ako dahil first time kong magserve dito. Nakita ko naman agad yung umoorder. Nakauniform pa ito pero kahit nakatalikod alam ko nang unifrom namin 'yun. Nakayuko lang ako habang naglalakad. I don't want anyone to notice that i'm working student. Hindi naman sa kinakahiya ko pero baka ano pang isipin ng iba. In this world, may people can judge you easily. Most of it use it in toxic way. "Here's your order Sir, One okinawa milktea, red velvet cake and five pieces of chocolate chip cookies. Have a great day ahead." Dahan dahan kong itinaas ang paningin ko. Nakaharang kasi ang cap kaya hindi ko masyado makita. Muntik na kong maduwal sa kinatatayuan ko nang makita ko ang mukha ng isang demonyo. Conan Sullivan was sitting like a king there. He was holding his phone while surveying his order and when I look at him, he turned to me like he's also surveying me. Ba't nandito 'to? First serve ko sa kupal na 'to pa. "So you're working here." Tila pagkumpirma niya. Ano bang paki mo? Kinuha niya yung straw ng milktea at tinusok doon. Lumingon siya sa akin habang umiinom. I was just quiet. Wala naman akong sasabihin. Bakit ba lagi nalang nagtatagpo ang landas naming dalawa. Ang pangit ng trip mo tadhana, ah. "Hindi masarap." Nangunot ang noo ko nang nagbigay siya ng komento. His brows were furrowed like he tasted something really bad. Medyo naooffend ako, ha! Dito ako nagtatrabaho tas sasabihin di raw masarap. Well, feeling ko trip lang niya ako. "E'di sa iba ka sana bumili." Bulong ko pero sapat na para marinig niya. "Right, dapat nga dun ako bumili." Pag sang-ayon niya. Walang kwenta niyang ininuman ang inorder niya at kumain ng cookies. I unconciously went back to the cashier. Kinurot ko pa ang bewang ni Angel nang makita ko siyang nagtatago ng ngiti. "Aray!" She complained while laughing. Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago ka, kaya pala bigla kang napagod magserve. Lumayo ka nga sa akin." Galit kong singhal sa kanya habang siya tumatawa pa rin. "Huy! Sorry na!" Sigaw niya mula sa labas. Pumasok na kasi ako sa dressing room. "Saan ka?" Tinanggal ko ang apron ko. Tapos naman na ang duty, buti sumabay kung kelan nagorder 'yun. Narito na rin si Angel at nagbibihis. "Resto." Maikling tugon ko. Galit pa rin. Bigla siyang natahimik at hindi na nagsalita. Nagulat nalang ako nang maramdaman ko siyang yumakap sa akin. "Sorry na." Malungkot niyang sabi habang yakap ako sa likod. "Sabi kasi niya ikaw daw ang paservin ko. Type ka ata nun." Napabalikwas ako sa sinabi niya. Ako? type nun? Yuck. Nang tignan ko siya, nakanguso at parang nagsisisi na. Walang kwenta ko lang siyang tinignan. Hindi ko alam kung papatawarin ko ba, parang tanga kasi. "Sorry na, ah. Dapat bati na tayo." She smiled happily. Akala mo naman. "Hindi." Malamig na tugon ko. Ang ending, sinundan niya ako hanggang labas dahil ayaw ko siyang pansinin. Babatiin ko naman siya pero titignan ko lang kung anong kaya niyang gawin. "Jaybriane. Hoy! gagi, ba't ka ba tumatakbo! Hintayin mo 'ko!" Nakasunod pa rin pala siya. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang pagtawa. "Bati na tayo?" Para siyang batang nagpapaawa. Hindi ko naman ito matitiis, sana ganoon din siya. "Oo na. 'Wag ka ng sumunod." Hinayaan ko siyang kumapit sa braso ko. Para naman siyang bata na nabigyan ng gusto at niyakap pa ako. Naglakad ako patungo sa resto. Marami na agad ang kumakain. "Buti nandito ka na. Marami ng huhugasan doon." Salubong agad sa akin nung isang chef. Tumungo na agad ako at nagsuot ng apron. Nagulat ako nang masaksihan ang lababo. Puro plato at ilang baso na. Hindi pa kasama ang kutsara. Patong patong doon at parang mababasag kapag hindi pa inayos. Napabuntong hininga ako, bakbakan na naman. Mga alas syete ng gabi na ako natapos roon. Hindi ko alam kung ilang rounds ako maghugas basta ang alam ko lang walang upuan ako naghuhugas habang nakababad ang kamay ko sa tubig at sabon. Kinuha ko sa bag ko ang band aid ko. Lagi akong may dala dahil madalas nasusugatan ang kamay ko. Naalala ko dati, sa dami ng sugat. Nahirapan akong nagsulat kaya naman binalot ko pa ng panyo para hindi dumikit. Napailing nalang ako at nilagay na sa may hinlalaki ko 'yung band aid. Napatingala ako sa langit. Madilim na. Hanggang kailan kaya ganito 'yung buhay ko? habang buhay ba? I sighed. Hindi ko alam kung kailan ako makakabisita sa probinsya. Doon kasi nakalibing si Lola. Sina mama naman hindi ko alam kung saan inilibing. Alam ko nilibing sila pero nung tumakas ako hindi ko na alam. Nagising nalang ako na nasa may palengke na ako at binaba raw ako ng isang truck doon. Napaisip ako, ano kayang buhay ko ngayon kung hindi nangyari sa amin 'yun? Siguro nasa may bukid pa rin kami. Ang naalala ko, nakuha ni Papa ang kotse niya sa magulang niya pero sinangla niya ito. Sumama siya kay mama at nagsama sila. Masaya raw sila na dumating ako sa buhay nila. Masaya rin ako... noon. I wiped my tears down. Umiiyak na pala ako habang naglalakad sa tahimik na iskinita. Naalala ko, malapit na palang manganak si Ate Lucy. Sasamahan ko pa siya sa ospital kapag magpapaultra sound siya. Sumunod na araw, dalawang weekends. Wala naman akong ginawa masyado dahil transition lang 'yun ng araw-araw kong ginagawa. Wala namang bago madalas. "Pakopya ng math." Walang pasubali nang kinuha ni Shannel sa bag ko 'yung notebook ko. Nasa bahay nila kami. Ewan ko kung paano kami napadpad dito. Ang alam ko kumakain lang kami sa may fishball-an tapos nagkayayaan. Sinuri ko ang bahay nila. Yung kwarto niya, dalawang kwarto na ng tinitirhan ko. Ang laki ng bahay nila. Parang mansyon na nga. Wala raw kasi 'yung mama at papa niya dahil laging busy sa trabaho. "Yaya Marie!" Tawag niya sa kasambahay nila. Tignan mo may kasambahay pa. Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko ito e. "May ganito pa kayo?" Tanong ni Angel na nilalamon 'yung brownies na binake ng yaya niya kanina. Siniko siya ni Charlotte dahil nahihiya na rin ata. Si Jelliane naman nagmimirror shot doon sa malaking salaminan ni Shannel. Popost raw niya sa i********: niya. May ganoon rin naman siya sa bahay nila. Gusto lang daw niya ng ibang view. "Nasa baba, pakuha mo kay yaya." Ani ni Shannel bago kinopya ang assignment ko. "Baguhin mo 'yung iba. Baka mahalata." Paalala ko sa kanya. "Oo. Iniba ko na. Yung formula lang hinahanap ko. Tsaka pareho lang naman ng tanong kaya normal lang na pareho sagot natin." Sabagay, tama rin naman. Pero baka mahalata na. Istrikto pa naman sa kopyahan 'yung teacher namin. "Saan na si Angel?" Nagtatakang tanong ni Jell habang swipe nang swipe sa cellphone niya. "Kumuha ng brownies." Sagot ni Charlotte na inaayos ang lamesa ni Shannel. Siya kasi ang pinakamalinis sa amin. Siguro kapag nagka asawa siya, sobrang ideal wife niya talaga. Napatingin kami sa pinto na may dala dalang isang jar ng brownies si Angel. Kasunod naman niya yung tinawag na kasambahay ni Shannel. "Yaya, nandiyan po ba si kuya?" Bungad na tanong niya. "Wala, umalis eh." Sagot naman nung yaya niya. She nodded and return to us. "Ilang taon na nga ulit 'yung kuya mo? Reto mo ako para sister- in-law tayo." Jelliane giggled in the side. Binatukan ko agad. Buti umalis na yung babae. Sinamaan siya ng tingin ni Shannel. "Boba, may anak na 'yun. Yung isa kong kapatid. Elementary pa lang. Pero ayoko ireto sa'yo. Ayaw kita maging hipag." Mataray na saad nito. Napairap tuloy si Jelliane at sumimangot. Ang pagkakaalam ko, M.u na sila noong Alexander. Ayaw daw niya kasi ng seryosong relasyon. Hindi naman kasi seryoso 'yan. "Bilis ng panahon. Mayseseventeen na pala ako." Biglang bukas topic ni Shannel. Napalingon kami sa kanya. Malapit na nga pala siyang magbirthday. "Kailan nga uli birthday mo?" Singit ni Lotte habang kumakamot ng ulo. Napabuntong hininga tuloy si Shannel. Galit na 'yan, for sure. Ikaw ba naman makalimutan mg birthday. "Kaibigan ba talaga kita? True ka ba or false?" She looked so insulted. "F-false?" Naguguluhang tanong ni Lotte. Hindi mo alam kung nagbibiro o ano. "Kailan nga?" "Hay!" Nagtatampong pumunta sa kama si Shannel. "Lagot ka! Nakalimutan mo. Buti pa ako alam ko." May pananakot pero confident sa saad ni Jelliane habang nagpipindot sa cellphone niya. Nang bumaling ako kay Angel, kumakain ng brownies habang pabalik-balik ang tingin. Nang makita niyang nakatingin ako. Inalok niya sa akin 'yung kinakain niya na parang kanya 'yun. Kumuha naman ako at tumabi sa kanya. "Talaga? Alam mo? Kailan?" Parang nabuhayan ang loob ni Shannel. Jelliane smirked because she confidently feel that she knows it. Tawa nalang ako pag hindi rin niya alam. "Oo, dahil real friend ako. February 6 ka, diba?" Halos malunok ko nang buo yung brownies. Sabay kaming natawang tatlo nang mas lalong bumusangot si Shannel. Halatang pikon na. "Bakit kayo tumatawa. Tama ako diba!" Inosenteng sabi ni Jelliane. Hindi ko na malunok yung nginunguya ko kakatawa. "Hahaha! akala ko tanga na ako pero may mas tatanga pa pala." Saad ni Lotte. "Hahaha pareho lang kayo. Gagi, paiyak na 'yun." Turo ni Angel kay Shannel. "January 6 birthday niyan! Ano ba kayo!" Nagtawanan kami habang si Shannel naman busangot at nagtatampo pa rin. Nagsuyuan naman sila ni Jelliane at Charlotte hanggang sa napatawad na rin sila. Naubos ni Angel 'yung kalahating brownies. Nagulat ako ng lima nalang ang natira. Ang takaw! Umuwi kami ng mga alas dos ng hapon. Deretso na 'ko agad sa racket ko. Hanggang sa dumating na ang Martes. Ayoko rin ng araw na ito dahil cleaners ako. Lagi pang tumatakas ang mga kagrupo ko. "Hoy! 'Wag ka ng tumakas! Maglinis naman kayo." Sigaw ko ang umaalingawngaw dahil nakita kong kinukuha nung kagrupo ko ang bag niya mula sa labas. "'Wag na kayong papasok lung ayaw niyo maglinis, ah!" Sabay ni Dianne. Lumabas siya para habulin pero nakatakas na. Bumalik siyang mag isa at tinulungan akong magwalis. Ang mamatured talaga ng Grade 10, 'no? "Imagine, pito tayo tapos tatlo nalang tayong naglilinis." Boring na saad ko habang nagwawalis. She chuckled and helped me to gather the dirt with her dust pan. Maaga akong nakalabas kahit cleaners kami. Short day lang naman dahil Periodical na bukas. Todo review kami dahil kahit honors, hindi kami sure kung pang habang buhay 'yun. Mahirap makampante. Nagchat si Jelliane sa cellphone ko. Medyo may kalumaan na rin ang cellphone ko pero kaya pa naman nitong magamit. Jelliane: Saan ka? Review us. Agad akong nagtipa ng reply. Ayoko muna makireview sa kanya. Sarili muna dahil ang gulo niya. Ako: Single review muna. Maya meet para review isa't isa. Nag ok naman siya. Minsan ayoko kasing kasama 'yun magreview. Imbis na review nagiging chikahan. Umupo ako sa tahimik na tambayan ko minsan. Doon sa may upuan na nasa pinakalikod. Nasa ilalim 'yun ng puno ng Narra. Madalas walang tao rito kaya masarap mapag isa. Malamig pa ang simoy ng hangin kaya makakapagfocus ka talaga. Umupo ako dala dala ang libro ko sa ilang subject. Binigay na rin naman kahapon sa amin ang itetest. Nagchat ako sa may ari ng coffe na wala muna ako. Mabait naman ito at pumapayag na leave kami kapag test day. Sa resto lang ako pumapasok dahil kailangan kami roon. Ang alam ko maghihire na rin sila ng isa pang tagahugas plato. Nahimik kong binasa lahat ng nakasulat sa libro. Gumawa pa 'ko ng reviewer para 'yun nalang ang babasahin ko. "It's more quiet here." Muntik na akong umalis ng makita kong nakatabi na sa akin si Conan Sullivan. Anong ginagawa niya rito? Nakasuot pa siya ng uniform habang umiinom ng tubig niya. Sobrang lapit namin. Lumayo ako ng kaunti na para bang may sakit siyang nakakahawa. Napansin niya siguro ang pagkagulat at tingin ko sa kanya. He turned to me and our eyes met. Umiwas agad ako ng magtagpo ang mata namin. Lumingat ako sa paligid. Kahit siguro 'yung sahig tinignan ko na "Hindi ko alam na may tumatambay din pala sa paborito kong lugar." He said like he was pertaining to me. Aalis na ba ako? Paepal kasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD