Chapter 6

2076 Words
I read my book in my hands again. Ignoring someone besides me. Tahimik naman siya kaya walang war na nangyayari, hanggang sa... "Aren't you getting tired by reading that?" He said. Is he talking to me? o nagsasalita talaga siya mag isa? weird. Palihim akong tumingin sa kanya. Halos magulat ako nang makitang nakatitig siya sa 'kin. "Are you mute? I was talking to you." He demanded. Nangunot agad ang noo ko. Bakit ba siya nageenglish? Parang ewan naman. "As you can see, I am reading." I showed him my book. His brows arched. Matalino raw 'to diba? Baka nabobohan siya sa akin dahil may pareview- review pa 'ko. "What's that? Anong topic?" Usisa niya. Medyo umusog ako. Bakit ba siya nandito? hindi ba pwedeng itaboy ko nalag siya na parang pusa. "Math." Maikling sagot ko. "Hmm... that's basic." Mayabang na sambit niya. Ayan na naman. Talaga basic 'to? pahiram nga utak mo bukas. Need ko. "Yeah... but sometimes basic doesn't mean easy." Bumaling siya sa akin, nakikinig na rin. "Even simplest thing can be hard, though." Ibinalik ko ang mata sa binabasa. He remained silent. Madaldal din pala siya minsan. Maayos na sana siya kausap kung hindi lang mayabang. Hindi ko rin alam ba't ayaw ko sa ugali niyang 'yun. Siya kasi yung tipo ng mayabang na kayang mang apak ng iba, mapuri lang. 'Yun ang ayaw ko sa kanya. "I'm sorry..." He said sincerely. Nakakunot ang noo akong napabaling sa kanya. Ibinaba ko ang mata ko sa libro at siya ang tinignan. "Huh?" Naguguluhan. He sighed. He tried to pursued his lips. Like regretting what he said. "I'm sorry... about what happened last time." He whispered. Ah, ayun. Nako, wala lang 'yun. Okay lang 'yun. Maliit na bagay. As in. MALIIT na bagay. "It's okay." I tried to make my voice jolly. Nandiri agad ako. May lahi pala akong plastic. Walang emosyon ang mukha niyang bumaling sa akin. He was so up close. Halos masaulo ko na ang mukha niya. Ang laki pa niya sa tabi ko. Napakakinis ng mukha niya. Parang hindi tinutubuan ng kung ano anong tigyawat. Nakakainis, sana all. "Yeah, I sincerely apologize. I didn't mean to treat you like that... I judged you that fast. That was my batch mates fault." Pag amin niya. Tumango lang ako at walang reaction na nagbasa muli. Iniwan ko siya roon. Nang lingunin ko ulit ay umiinom na siya ng tubig at malayo ang tingin. Nakakunot ang noo at nakapout ang lips. Parang nakarating na sa galaxy ang utak niya dahil sa iniisip. "Studious person ka ba talaga?" Biglaang tanong niya. Ang gulo mo naman, pag ako bumagsak, hahatakin din kita pababa. Buti may pumapasok pa sa utak ko kahit kinakausap ko siya. "Hindi," Cold na sagot ko. "You're into books?" Tanong na naman niya. Tumango nalang ako. Kung hindi lang ako assuming iisipin ko nang gusto niya akong kausap, kaso hindi ako ganoon, eh. "You're so silent. I feel like I'm talking to air or leaves." "You're so ingay. Maghanap ka kasi ng kakausapin mo na walang ginagawa." Tinarayan ko siya. I heard him chuckled with my attitude. Ang gwapo pala tumawa ng mga lalaki, ano? o siya lang? "Really? Am I disturbing you?" Inosenteng tanong niya pa. "Obviously... yes." "Oh, alright. I'm sorry. I though I am still so annoying." He dramatically said. He drank all of his water and throw it somewhere. Ano ba 'yan? Hindi ka ba eco friendly? Nagkakalat ka sa Mother Earth! "If you will ask me, you're so annoying. Hindi nga tayo close pero feeling ka." I rolled my eyes. Ako ata ang feeling close kasi ako ang nagsimula ng bardagulan namin. "Like we're not close? I am just 5 inches away from you." Hirit niya. Medyo nang aasar na. "Luh, baliw ka ba? Like close, hindi tayo prenny-prenny." padabog kong sinara ang libro ko. Linayo ko ang espasyo namin. Malapit na nga siya. Bakit ba siya malapit. Ang lakinlaki ng upuan nakikisiksik. Umurong ako sa pinakadulo. He starred at me, confused. But he laugh with my sudden movements. Umiwas na nga ako sa isang babae dahil gusto ko ng peace of mind pero narito naman ang isa. Nanggugulo rin! Kailan ba matatahimik ang buhay ko? Nagmadali akong kinuha lahat ng librong dala dala ko. Nagawa ko pa siyang titigan ng masama bago kumaripas ng lakad. Iniwan ko siyang tuwang tuwang baliw doon. Parang engot! Naglakad pa ako papunta roon sa may canteen. Nandoon pa naman siguro si Jelliane, hindi naman nawawala 'yun doon. I was walking when someone bumped at my shoulder. Nahulog ang librong hawak ko sa papag kaya naman aligaga ko itong kinuha. "Oh, sorry." matinis na boses ng isang babae. Medyo halatang mayaman siya. "Ah, okay lang." She handed me my book in Science. Mabagal ko siyang tinango. She was wearing peach off shoulder with a paired of black jeans. Nakatali rin ang mahaba niyang buhok sa gitna. She... she looks like a princess. "I'm really sorry. I'm on my way kasi. Hindi ko nakita. Sorry." Nagpapanic na sabi niya. Umiling ako. "Hindi, okay lang. Wala namang nasira. Ayos lang." I said casually. "Oh okay. I'm Cristella nga pala. You can call me Christelle, instead." Hse handed me her expensive hand. Feeling ko tuloy ang pangit pangit ko dahil may babaeng nasa harapan ko na maganda. Nakakastar struck pala. Puro pangit na mukha lang kasi ng mga kaibigan ko ang araw araw na nakikita ko. "Uh... Jaybriane. Jayb." Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagshake hands. "Nice to meet you." She smiled at me politely. "Wait, alam mo ba kung saan ang senior building?" Bigla niyang tanong. Nangunot ang noo ko. Kakarating ko lang doon. Nakakita pa ako ng maligno. "Ah doon." Tinuro ko ang pinangalingan ko. "Dulo tas kaliwa ka. Makikita mo duon yung isang canteen tapos senior na." I pointed the direction using my index finger. Para mas magets niya. Tumango tango naman siya nang makuha niya ang daan. Hindi ko alam kung nakuha nga niya pero mukha namang alam na niya. "Thank you so much." Ngumiti siya sa akin. I gestured a small smile too. Sino kaya siya? Ang ganda niya. Baka dito rin siya mag aaral. Kaso baka hindi ko siya maging kaklase. Senior daw, e. Baka may boyfriend siya roon o kaya kapatid? O baka nanay niya at isang teacher. Hay, ewan ko. Wala naman dapat akong pakialam. Pagpunta ko sa canteen, wala naman doon si Jelliane. Baka nagtampo na. Kinuha ko agad ang cellphone ko para itext siya. Ako: Hoy saan ka? After a few minutes, nagreply siya. Jelliane: Here kami sa house. Punta ka. Nangunot ang noo ko. Sa bahay? Kami? lahat sila? Hindi ako sinabihan. Nagtatampo tuloy akong sumakay sa trycicle. Bumaba ako sa village nina Jelliane. Malawak ito at malalaki ang bahay. Sobrang linis pa at ganda ng view. Madalas tuloy kami rito. "Magandang hapon po." Simpleng bati ko kay Manang Rosa, katulong nila. "Nandiyan ka na pala, hija. Kanina ka pa nila hinihintay sa taas." Tinuro niya ang hagdanan habang hawak hawak ang door knob ng pintuan. Tumango ako at ngumiti. Umakyat ako para siyasatin kung ano nang ginagawa nila. "Lock... Gagi." Kahit anong pihit ko hindi mabuksan. Napanguso ako nang marinig ang ilang tawa nila mula sa loob. "Para kayo tanga! papapuntahin niyo ko rito tas lolockan. Nakakainis kayo! Buksan niyo na! Anu ba ya—" "Oh, what's happening there, dear." Bigla akong nagulat sa boses ng mommy ni Jelliane. "Ah, wala po tita. Nilockan po kasi nila ako." Lumapit siya sa akin at kinatok ang pintuan. "Hey, Buksan niyo 'to. I'll the keys if you don't open the door." Her mom threatened them. "Wait, mom." Rinig kong boses nito sa loob. Inuluwa sa harapan ko si Jelliane na magulo ang buhok habang nasa kama niya sina Angel at Shannel na nagbabatuhan ng unan. Si Charlotte naman ay nagbabasa gilid at nagcecellphone. Ah, review pala. "Jesus, what happened to you?" Nanggagalaiting tanong ng Mommy niya sa kanya at hinawakan pa nito ang buhok niyang nakataas sa ere. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Mukhang mga baliw, trip pa kayo. "Oh, nagets ko na. Ganun pala 'yun." "Oo, madali lang diba. Bobo ka lang kasi." Pinitik ng lapis ni Charlotte ang ulo ni Shannel. "Jaybriane, paano 'to?" Lumapit sa akin si Angel para ipakita ang sa math. Inexplain ko naman sa kanya at medyo matagal niyang nakuha. "Mas mahirap daw sa senior." Bukas ng topic ko. Naalala ko tuloy yung sinabi nung lalaki na 'basic' lang raw. Malamang, tapos na niya 'yung level na 'to, hello? "Talaga? ano ba 'yan! feeling ko na bagsak na ko rito, mas nanganganib pa pala ang buhay ko roon." Angel complained like a problematic kid. "Hi raw sabi ng college students." Singit ni Lotte. "No, mas hi sa mga nagtatrabaho." Si Jelliane. "'Wag nalang mag aral, mamatay rin naman." Barumbadong salita ni Shannel kaya naman binato namin siya ng unan sabay sabay. "Teh, ano ka ba?! Mag aabogado ka pa diba?" Panuya ni Lotte. Tumango si Nel habang kagat kagat ang hawak na ballpen. "Oo, pag hindi pinalad, e'di avocado nalang." Corny niyang joke. Kaya walang natawa sa amin. "Pangit niyo talagang kaibigan." Pahabol niya nang makitang siya lang ang natawa sa joke niya. Joke ba 'yun? Mga alas kuwatro ako natapos sa review. Feeling ko naman ay may nareview kami kahit puro pag uusap lang lahat ang ginawa namin. Parang mga baliw kasi, kain, usap at review. Kung ipipie graph mo 'yun, baka mga ten percent lang ang napasok sa utak namin. "Pass your paper." Utos ng prof namin. Kabado akong pinasa ang papel sa likod. Halos magwala na 'ko ng makita na ang unang page ay puro nireview ko. Sinuri ko ang likod pero napangiwi ako ng makitang hindi na pamilyado ang iba sa akin. Buti kaunti lang na part, baka mga five items lang. "Ano 'to?" Naguguluhang tanong ko habang mga ilang minutong nakipagtitigan sa tatlong tanong na wala pa akong sagot. "Time is up." Mga thirty minutes natapos 'yun. Thirthy minutes kada subjects. Limang subject ngayong araw at tatlo naman bukas. Wala kaming periodical sa specs namin dahil iba iba kami no'n. "Get ready for the next subject." Medyo ginanahan ako nang makita kong Math na. Sa lahat ng subject dito lang ako nakakarelate. Kung sa iba magulo siya, para sa akin best friend ko na 'to. Mabilis lang akong natapos doon. Kaya naman nakapagpahinga ako at nakaidlip ng mabilis. Medyo nagsisi rin ako kung ba't pa ako umidlip. Nalutang tuloy ako pagkagising ko. For the last subject, Araling Panlipunan na. Ayoko nito, eh! Daming binabasa. "Ugh!" Iritableng utas ko nang nawala yung binabasa ko. Nalutang tuloy kaya balik sa simula. Natapos ang klase na lahat kami nakahinga ng maluwag. "Aldrich! Anong sagot mo sa number twenty eight? B ba 'yun?" Napatingin ako sa nag iingayan ko nang mga kaklase. "Ewan ko. Hinulaan ko lang. Kung ano 'yung lumabas sa mini mi ni mo ko, yun ang sagot ko." Bored na sabi nung isa habang may hinahalughog sa nag niya. "Ang hirap ng math. Nakakamatay." Ngumisi ako nang marinig ang favorite kong subject. "Oo nga 'e, bawi nalang tayo sa next life." Tumawa ang isa at umiling. Kinuha ko ang backpack ko para ilagay roon ang mga scratch ko mula sa kanina. Papalabas na ako ng room nang makita ko ang mga kaibigan ko. Kumpleto silang apat. 'Yung dalawa mukhang naginhawaan, habang 'yung dalawa mukhang umakyat ng sampung bundok. "Gala after test? Game?" Pilyang tanong ni Lotte. Nakangisi pa siya. Tumango kaming lahat. "Game!" Una naming pinuntahan ay ang SM. Malapit lang sa tabi ng school iyon. Buti matatangkad naman ang ilan sa amin. "Ilang taon na kayo, miss?" Istriktong tanong nung guard habang hinaharang kami papasok sa loob. Napalingat ako ng tingin. Ako pala ang tinatanong! nilagay kasi nila ako sa harap dahil ako ang pinakamatangkad. "18 na po ako." Maikling sagot ko. Nangunot ang noo nung guard pero pinapasok na rin naman niya ako. Sa huli, pinapasok kaming tatlo. Mission success. Mag eeighteen naman na talaga ako. "Walanghiyang guard! Tinanong ba naman ako, nasaan raw ang magulang ko." Halatang naiinsultong kwento ni Shannel. "Same, 'wag nga raw akong magsinungaling. I mean, hindi ba pwedeng kinulang sa height na 18?!" Umirap sa si Angel bago sumabit sa kabilang braso ni Charlotte. Hayyy! I love sneak out with my friends after a tiring day! What a relief and comfort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD