Chapter 7

2193 Words
"Pagod na 'ko." Reklamo ni Shannel habang minamasahe ang paa niya. Kumakain kami ngayon ng ice cream sa Dairy Queen. Ang tatamad kasi ng mga ito, si Angel naman yaya ng yaya na mag Miniso. "Dapat hindi ka na sumama." Pangbabara ni Charlotte na pabiro. Pikunin kasi si Shannel, baka seryosohin. "Kain tayo sa Jollibee." Paanyaya ko. Nakakapaglaway na kasi, puro pagkain ang nakikita ko. Nagturuan pa kami kung sino ang magoorder dahil mga mahihiyain kami. "Jaybriane, ikaw na. Ikaw pinakamatanda." Turo ni Jelliane sa akin. "You're also the one who inisisted to eat here." Nangunot ang noo ko. Tinapik naman ako ni Charlotte na ako na raw. "Tayong dalawa." Bulong ko sa kanya. She just nodded and started to walk in the cashier. Nang iiwan! Sinabi namin 'yung order namin. May mga budget pa kasi sila. Iniisip ko rin ang allowance ko. Minsan lang naman mag ganito. Medyo matagal pa kaming nag antay sa line. Napakamot pa ako ng ulo dahil nakakainip. "Bro, saan ba? Alin diyan ang sayo?" Medyo maingay 'yung nasa tabi ko. "Ayun nga oh! bulag ka ba? Ayun! sa taas. Chicken and rice!" "Bakit 'yun pa. Bucket meal nalang tayo! Ang arte." Reklamo nung isa. Bigla kong nilingon ang nasa tabi nang masagi nila ako dahil sa pagtutulakan. Ano ba 'yan! Ang harot sa pila, ah. "Sorry miss, Sorr—" Nagulat kami dalawa ng makita ang isa't isa. "Uy! Jaybriane. Si Jayb pala ito." Exaggerated na sabi ni Railey. Nagulat ako nang makitang kasama niya rin si Dave. Bigla akong nahiya at awkward na tumingin sa counter. Si Railey naman ay ingay nang ingay. "Jayb, nasaan siya?" He suddenly asked. Nangunot ang noo ko pero nang maisip ko kung sino ang hinahanap niya, ngumiti ako. "Kasama namin. Nandun." Tinuro ko ang inuupuan namin kung nasaan si Shannel na nakikipagtawanan. Tumingin siya at ngumiti. Hindi naman siya makita nila Shannel dahil busy na nagdadaldalan. "Pwede sa inyo ako makiupo?" Bigla nitong tanong. Naningkit ang mata ni Dave at hinampas siya. "Dun ka diba? Iiwanan mo kami ng team mo?" Reklamo nito agad Team? So ibig sabihin lahat sila sa basketball nandito rin? "Kuya Dave naman, nandun pala 'yung girlfriend ko, eh. Miss ko na, e." Kinamot ni Railey ang ulo niya na parang bata. Napangiti tuloy ako. Maya maya ay nakuha na namin ang order. Nandoon pa rin 'yung dalawa kaya naman naiwan namin sila. Si Railey pinagpipilitan pa rin ang gusto niyang mangyari. "Nandoon pala si Railey." Inginuso ko kay Shannel yung counter. Inilapag ko ang tray na may lamang pagkain namin. They went to there immediately, inisnob 'yung sinabi ko. Parang ilang taong hindi nakakakain. "Pabayaan mo siya roon." Masungit na sabi ni Nel habang sumisimsim sa pineapple juice niya. Nagulat kaming lumingon sa kanya. Break na ba sila? 'Yun agad ang pumasok sa isip ko pero sabi naman ni Railey ay girlfriend daw niya. Baka nag away lang. Dalawa kasing immature kaya ayan. "Bakit nag away kayo?" Concern na tanong ni Angel habang binabalatan ang burger niya. Umismid si Shannel at kumain ng spaghetti. "Oo. Paano kasi, pinaghintay ako ng dalawang oras. Date namin pero late na sumipot. May training pala. Di man lang nagsabi." Umirap siya. "Baka naman walang load." Singit ni Lotte. "O kaya nakalimutan." Sabi ko. Nanlaki ang mata ni Shannel at ngumuso. "Makakalimutan? halos pinaalala ko nga 'yun sa kanya all day. Nakakainis." "You should make out na. Mahirap na 'yan sa relationship. That's so babaw lang 'no. Lie low dapat muna kayo." Advice ni Jelliane rito. "Ano namang alam mo sa relationship?" Shannel chuckled. "Wala ka ngang boyfriend! puro landi lang. Magbibigay ka pa ng advice riyan." Jelliane shrugged and drink her float. "That's because coaches don't play!" Confident na sabi niya. Napatingin naman ako kay Angel na tahimik na kumakain habang nagcecellphone. Nang nakita niyang nakatingin ako, binaba niya ang cellphone niya at ibinulsa. Nagikot-ikot din ako ng tingin. Dahil doon napalingat ako ng tingin kung saan nakaupo sina Dave. I starred at them. They looked like they are having fun and comfortable to each other. Nang magtugma ang tingin namin ni Conan agad akong napaiwas. Muntik pang mapasok sa ilong ko ang straw ng iniinom kong coke. "Ayos ka lang?" Tumatawang sambit ni Angel. "Hahaha! ilong na pala umiinom!" Panunuya naman ni Shannel kaya binato ko siya ng tissue na pinangpunas ko. Pagtapos namin kumain, naglaro kami sa Arcade. "May token ka pa?" Lumapit sa akin si Jelliane. "I want to get robby rabbit stuff toy." Parang bata na pagmukukmok niya. Binigay ko sa kanya 'yung dalawa kong token. Napulot ko lang naman iyon sa ilalim nung parang motor motor na sinasakyan. "Thank you." She smiled at me and went to the claw machine. Nakaupo lang ako habang pindot ng pindot para mahuli iyong isda. Baka manalo pa ako ng one hundred token. "Oh my!" Napasigaw ako ng makuha ko 'yung shark. Bali two hundred token iyon. Dadamputin ko na sana ng biglang narinig ko ang boses ng mga kaibigan ko. "Penge," Tinapik ni Nel ang balikat ko. Inis ko silang pinagbibigyan. "Grabe ang damot! lima lang!" Reklamo pa nito kaya binigay ko sa kanya ang dalawa. "twenty five pesos na rin 'yan no!" Angil ko. Di naman ako madamot, sa token lang siguro. "Dagdagan mo naman ng tatlo pa. Para singkwenta na." Hirit pa niya. Nadistract na tuloy ako sa laro. Si Shannel kase paepal masyado. Napakamot ako sa ulo ko nang hindi na ako manalo. Paubos na rin ang token ko. Ihuhulog ko na sana ang hawak kong token nang may bigla kumuha ng upuan sa tabi ko at umupo roon. Namalikmata ako nang makita si Conan na seryosong naghuhulog ng token at naglalaro. Parang game na game siya. He's wearing a simple attire. Maong pants, white shirt in the inside and a maong jacket. May suot rin siyang sapatos na may malaking tsek. Nang mapansin niya akong nakatitig, umiwas ako. He chuckled while his hands were controlling the buttons. That's so embarrassing. Lagi nalang akong nahuhuling nakatitig. "You like staring, huh." He commented. Napamalikmata ako at awkward na humarap muli sa screen. Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa. Ang tapang tapang ko minsan pero heto, tiklop. "Huh? Hindi kita tinitignan. Nagulat lang ako kasi may umupo." I lied... pero medyo totoo naman. "Hmm..." He hummed and set his attention again to the game. Isang screen lang ang pinagkukuhaan namin ng mga isda. Nagulat ako nang makuha niya ang malaking chest. May lamang three hundred fifty tokens. Tinignan ko siya at mayabang na ngumisi sa akin. Pinay out niya agad ang token habang ako tahimik pa rin na naglalaro. Napanguso nalang ako ng makita ang token ko. Tatlo nalang iyon. Kinontrol ko ang parang hawakan doon para gumalaw ang hook ko habang siya walang emosyon na naglapag ng tokens sa harapan ko. Mga nasa fifty tokens din ata iyon. Napatingin tuloy ako sa kanya. Binibigyan niya ba ako? Baka napansin niyang mukha na akong dukha, ah. "Uh.." Nagaalinlangan kung anong sasabihin ko. He turned to me with his amused lips. "For you." He simply said and put the tokens in front of me. "Hindi na." Pagtanggi ko. Ilang minuto ang lumipas at nang mabored ako, tumayo na agad ako roon at hinanap ang mga kaibigan ko. Napansin ko namang sumunod ang mata ni Conan sa akin na tila nagtataka. Nakita ko agad ang nilalanggam na si Railey at Shannel. Nakaakbay ito sa kaibigan ko habang naghahanap ng ipapapalit. "Akala ko ba L.Q?" I raised my other brow while smirking. Railey chuckled before leaning his face so close to Shannel. Agad naman siya nitong nahampas sa mukha. "Di ako matiis, e." He simply said and pointed Nel using his mouth. Pinaningkitan naman siya ng mata nito at pinalo ulit. "Sige, happy landi!" Bati ko bago umalis. Nakita ko naman na naroon pa rin sina Jelliane at Angel, may hawak na si Jell na rabbit sa isang kamay. Nang nakita niya ako, ngumiti siya ng malaki. "Look Jayb! I got one!" Masayang sabi niya at itinuro ang hawak niya. Si Angel naman mukha iritable na ang mukha na kumukuha. Focus na focus pa. "Go! Kaya mo 'yan." Cheer sa kanya ni Jell pero nahulog pa rin ang kinukuha niya. "May daya ata 'to, eh!" Sisi ni Angel sa machine kaya naman natawa kami. There, I finally saw Charlotte. Naglalaro roon sa may dance step. Basta. Yung may tinatapakan. Nagpunas pa siya ng pawis bago napalingon sa akin. "Sali ka!" Alok niya at itinuro ang isa pang pwesto. Nagisip pa ako kasi hindi naman ako marunong. "Hindi ako marunong. Panoorin nalang kita." "Huh? Sumali ka na. Masaya 'to promise." Anyaya niya. "Apakan mo lang 'yung ipapakita sa screen." Tinuro niya 'yung malaking screen doon. Sumayaw sayaw kami. Napagod agad ako. Masaya naman pero ang bilis kasi ng pinipiling kanta ni Lotte. Hirap sabayan. Pumunta ako sa counter para bumili ulit ng token. Wala na kaming token, wala ng mahulog sa dance floor. "Ate, fifty pesos po." Ani ko sa babaeng nasa cashier. Binigay naman niya sa akin ang sampung tokens. "One Hundred pesos for me." Dave's baritone echoed in my ears. Nandito rin pala siya. Well, i guess, nagkayayaan ata ang team nila na mag Arcade. "You're here," Pansin ko sa kanya. His eyes darted to me. He smiled at me when he saw me. "Yeah, I'm with the team." He said casually. Tumango ako. I run out of words. Parang napangko ako roon. "Are you with your friends?"He suddenly asked. Siya na ang nagopen ng topic. "Ah... Oo, kaso nagkanya kanya." I faked laugh. I think we're getting close? Friendly naman kasi siya sa kahit sino. Hindi siya mahirap kaibiganin. "We should play a game." Niyaya niya ako. I scratched my head, medyo nahihiya na. Nasa loob lang ang kapal ng mukha ko, 'no. "Do you know how to play basketball?" Tinuro niya ang basketball roon sa gilid. "Hindi ako marunong." Kaswal na pag amin ko. He chuckled at me. "I'll teach you." Para akong kinilig doon. He will teach me? Oh my! Nagsimula siyang maghulog ng token. Naghulog rin ako. Tumawa pa siya bago bumaba ang mga bola. Bakit ba siya natutuwa sa akin? Kasiyahan niya ba ako? "Hindi ka pa ba nagkalaro nito?" Tanong niya habang hawak hawak ang bola. Napailing ako dahil hindi talaga ako marunong Hawak ko rin ang akin pero hindi ko alam kung tama. He gestured the right position of holding a ball. Sa unang pagshoot ko hindi agad pumasok. Medyo nahiya ako. First time naman ito kaya pwede naman itong maging excuse. "You can do it!" He cheered for me. Napatalon ako ng may mashoot akong isa. Siya naman puro shoot na. Malamang basketball player siya. Ang taas na nga ng score niya. Anim pa lang ang akin. Na end ang game namin. Siya ang nanalo. Tawa naman ako ng tawa habang pinupunasan ang pawis ko ng panyo. "You got nine." Natatawang sabi niya. Kinagat ko ang labi ko dahil nahihiya ako. Parang binubully naman ako. Imbes na turuan ako ng maayos, nang aasar pa, Adik! "Let's play one more time." He smiled at me and hold my wrist and pulled me in front the basketball arcade game. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang nag init ang pisngi ko. Nakatitig pa rin ako sa puso ko na hinawakan niya kanina.. "Looks like people having fun." Napalingon kami kay Conan na malawak ang ngiti ngayon. Papalapit sa amin. Subukan lang niyang umepal! Moment na namin 'to ng crush ko. Napalingon rin si Dave sa kanya at lumapit rito. He tapped his shoulder. "Join ka, bro?" Tinanong siya ni Dave. Umiwas naman ako ng tingin dahil tinititigan nila akong dalawa. "No, I'll just watch." He shrugged and tapped Dave's shoulder. Lumapit naman si Dave sa akin at nagsabing maglalaro na. Hindi ko alam kung makikipaglaro pa ako. May manonood na, e. Baka pagtawanan ako! Hindi ako marunong. "Uh... D-dave... Hindi muna ako sasali. Ikaw nalang." Nauutal na sabi ko. His eyes turned to me like his shock and sad. Naguilty tuloy ako. Napakagat ako ng labi dahil naging tahimik siya. "Ayaw mo na?" Tanong niya sa akin. "Oo. Pagod na kasi ako, e" Kinamot ko ang batok ko. Nakakahiya naman! I refused him! Kung hindi lang dumating ang mokong na ito, makikipaglaro talaga ako. "Sige magpahinga ka muna." Pilit na ngiti ang binigay niya. I looked at Conan's direction. He's now pursuing his lips and biting it to stop smiling. Nang makita niya akong tinitignan siya napakamot ng ng batok at lumingon sa kung ano mang makita niya, makaiwas lang. "Conan, bro! Join me nalang." Paanyaya ni Dave. Umupo na akonsa malapit na upuan ng pinaglalaruan nila. Lumapit naman si Conan sa tabi ni Dave, kung saan ako naglaro kanina. Maglalaro siya? "Okay." Pagtanggap niya ng alok. "Watch us, Jaybriane!" Tinignan akong muli ni Dave na grabe ang ngiti at binaling muli ang tingin niya sa machine para maghulog ng bola. "Sabihin mo kung sinong mas magaling." Conan chukled with his amused smile. Kahit mas magaling ka si Dave ang sasabihin kong mas lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD