Chapter 8

2113 Words
The game started once they inserted the two coins inside na machine. I was there, quietly watching them. Katabi ko na si Angel dahil bored rin siya at walang magawa. "Anong ginagawa nila?" Naguguluhang tanong niya. Tinuro ko ang ginagawa nila. She swallowed before staring at me, hindi ata nakuha ang sagot ko. "I mean bakit ka nandiyan? Huy, may pustahan ba sayo?" Binulong nalang niya iyon. Napalingat ako sa kanya at nahampas ang braso niya. Malisyosa! "Hindi, tanga. Malamang, trip nila maglaro!" I defended myself. Totoo naman. "Weh?" She keep on teasing me. "Bakit ikaw lang ang nanonood dito?" Inirapan ko siya. "Anong ako lang? Nandito ka na nga." Sinamaan niya ako ng tingin. Siguro iniisip niya na ang gago ka kausap. Pero ang hindi niya alam, mas lalo siya! "Para kang engot! Basta ako boto ko si Conan ang panalo." Bulong pa niya at chinecheer ito. Nakakahiya na. "Jayb! cheer me too!" Nagulat ako ng dumako si Dave sa akin at confident na ishinoot lahat iyon. Napatingin naman ako kay Conan, he was seriously focused. Para court na ang tingin niya sa machine na iyon. He even smirked at Dave like he was very confident. Well, siya ang captain ng team so what do you expect? I cheered Dave, siya naman ang kasama ko. Medyo nahihiya lang ako kapag napapalakas. Mabuti nalang at wala ang iba. Si Jelliane malamang sumama na kay Alex 'yun. Ganun din si Shannel. Si Charlotte naman, may sariling mundo naman iyon habang itong babaeng isa, buntot ng buntot kung sino ang makita. I can feel the tension between the two. Akala ko ba laro lang? Bakit pa kasi nagpapagalingan. They are both good at this. In the end, si Conan nga ang nanalo. Nagyabang yabang pa ito. "Maduya! favoritism ang machine. Laging sumasablay ang shoot ko." Angil ni Dave, hindi pa rin tanggap na talo siya. "No, bro. You just sucks! Tanggapin mo na na mas magaling ang team captain!" Conan proudly said while showing his score. 305-324 "Hindi, e. Feeling ko mabilis 'yung oras ng time's up sa akin." Hirit ni Dave. Hawak hawak niya ang ticket na nakuha niya sa nilaro niya kanina. "Uwi na tayo." Bulong ni Angel habang nakasabit sa braso ko. "Nasaan na ba sila?" Tanong ko sa kanya habang hinahanap ang mga kaibigan namin. Una kong nakita ay si Charlotte na tinutulungan 'yung bata na makasakay sa kabayong machine. Buhat buhat niya pa ito. "Wait, may text ata si Shannel." Angel find her phone inside her slim bag. Inabangan ko naman na mailabas niya iyon. "Eto, may sinabi. 'Go out muna us ni Alex, here kami watson. I'll buy lotion lang. Don't worry about me. Pwede na kayo umuwi, siya na hatid sa akin.'" Binasa niya 'yung message ni Jelliane. Tumango ako at nagtingin tingin sa paligid. "Eh si Shannel?" "Wala message sa akin, baka sayo." Tinuro niya ang bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko naman ang phone ko doon at nakitang may message nga. "'Sorry, girls. Hiwalay muna ako, ah. Tinuloy namin date, e. Kaya ko na umuwi mag isa. Enjoy." Pagbasa ko sa message nito. "Mga walang hiya, iniwan tayo." Reklamo ni Angel at umirap. "Nasaan ba kasi 'yung boyfriend mo?" Pabiro kong tanong. Umismid naman siya. "Ewan ko roon. Bukas pa ang date namin. Sabi ko 'wag na niya akong hanapin." "Uy! Nandiyan na pala kayo! Hinahanap ko kayo." Charlotte run towards us. Hinihingal pa. "Hi? Sullivan? De Silva. Hi." When she saw the two boys at the back, she greeted them too. "Tara, uwi na ba?" Naguguluhang tanong niya. Tumango naman kami at nagpaalam na sa dalawang lalaki. Sila nalang ata ang naiwan mula sa team. Hinahanap raw nila si Theron at ang isa pang kateam. "Bye! Ingat kayo. See you around." Pagpapaalam ni Dave sa amin. "Bye, see you rin. Ingat." Mahinang tugon ko at kinaway ang kamay ko. Nang nagtama ang tingin namin ni Conan, hindi ko alam kung magpapaalam ako. "Uh.. u-una na kami. Bye." Tanging paalam ko. Utal pa! Iniwas ko pa ang tingin ko dahil ramdam din ng mga kasama namin ang ilang sa aming dalawa. "Yeah. Take care." Saad niya. Fast forward to Senior. Graduated na sina Conan at Dave. Nagbreak naman sina Jell at Alex dahil sa pagkakalabuan by I heard that they are in good terms while Shannel and Railey are happily celebrating their 4th anniversary, still together. Ang strong. Akala ko dati hindi 'yung matatagal. Paano, pareho lang sila ng ugali pero same vibes daw iyon tsaka ang pagkakaalam ko trip-trip lang nila ang magjowa. Istrikta ang parents ni Shannel pero pinagbigyan din nila dahil sinabihan ba naman na maglalayas kapag hindi pinayagan na magboyfriend. Tapos todo tanggi siya na mahal niya si Railey pero kita mo naman na gusto rin. Lahat kami with honor noong JHS. Badtrip nga noong Grand ball. Pinagtatawanan nila ako dahil may kapareha ako ng gown. Nirenta lang naman kasi iyon sa akin ni Ate Lucy. Nainis din ako, parang gusto ko na umuwi agad. Eighteen na ako. May mga savings na rin ako. Nagoffer si Ate Lucy na sa isang paupahan nalang kami para makatipid. Pumayag naman ako dahil kapamilya ko na rin siya. Nanganak siya ng isang babaeng bata. Sobrang cute! Pinangalanan niya itong Maickaela Harterie. Sabi ko madali lang na name pero gusto raw niya unique kagaya ng akin. "Shuta! STEM talaga ang papatay sa akin. Bakit ba ako nagganon." Reklamo ni Angel at inilapag ang sinosolve niya. Kinuha ko na nga ang ibang part dahil naawa ako sa kanya. Kinuha ko ang HUMSS, teacher ang gusto ko pero nakakapangsisi.Puro essays dito kina Angel ay puro math. Nakakainggit minsan. Si Shannel ay nag HUMSS din. Pareho kami, kaklase ko pa. Si Jelliane ay nagABM. Reporter ang pangarap niya pero may bussiness sila kaya ayun. Si Lotte naman ay GAS, wala pa kasing plano. "Mas nakakastress pala itong senior 'no? Nagk-12 na kasi. Dapat College na tayo!" Reklamo ni Shannel. Puro reklamo itong mga taong ito. "Ang reklamadora ninyo. Buti nga nakapasa pa tayo sa junior." Saad ko sa kanila. Tinikom tuloy nila ang mga bibig nila. "Part kasi ng buhay magreklamo." Singit ni Lotte. Halatang nantitrip. Noong grumaduate si Dave, umamin ako sa kanya kaso... nireject ako?! not completely rejected but ganon na rin iyon! Nakakahiya! Punyeta kasi ang mga kaibigan ko, pinush ako umamin. Kinain tuloy ako ng konsensya kong baka gusto rin ako. Pag binabalikan ko ang araw ng party na 'yun parang gusto ko nalang magpakain sa lupa at 'wag ng magpakita kahit kanino. "Uh... Dave?" Nanginginig akong lumapit sa kanya nang makita ko siyang nagaayos ng tux niya. "Oh! Jayb." Exaggerated niyang sabi at bumeso sa akin. Mas lalo akong nanlamig. "Congrats!" He smiled at me happily. "Congratulations din sa'yo." Mutual na sabi ko. Sana feelings din namin, ano? Hindi ako gumalaw sa kinakatayuan ko. Parang naglue roon ang paa ko. Napakunot noo tuloy siya dahil sa ginagawa ko. "Do you want to somethi?" He asked with full of confusion. Nag iwas ako ng tingin. He was starring at me like I'm an idiot! "D-dave... gus—" "Dave! Babe!" Tawag noong babae sa gilid. My eyes widened when I have realized that it was the girl he kissed. "Oh, Babe." The woman approached him and gave him a peck on his lips. Sa harap ko pa talaga?! I tried to stop my tears from falling. Parang nanlalambot ako. I tried to grip my gown para doon ng kumuha ng lakas. He glanced at me. Pinigilan ko ang nagbabadya kong luha at straight na tumingin sa kanya. He was still looking at me while he's holding the woman's waist. The girl looks so elegant. Ang ganda ganda niya sa campaigne niyang gown na parang dress nga lang. She stand out. Sobrang mature ng mukha. She can be a model. Makinis at mahaba ang buhok. Mas matangkad rin sa akin ng dalawang pulgada. Bagay sila... "Hera, this is Jaybriane, my friend in junior. Graduation din nila." Pagpapakilala niya. Friend from Junior. "Jaybriane... my girlfriend Hera." Naglahad ng kamay ang babae at kinuha ko iyon. We shaked our hands on the air. "Nice to meet you." Her smiled widened. Ngumiti rin ako ng pilit. "Ano nga iyong sasabihin mo kanina? Parang may sasabihin ka. Sorry, hindi ko narinig." Paghingi ng pasensya ni Dave. Should I continue? I am hurting right now. Ayokong sabihin. Luckily he didn't hear me. Nandito na sa harap ang girlfriend niya. I should give respect. "Ah... Oh.. Wait.. I forgot..." Tumingin pa ako sa taas, sa baba na tila ba nag iisip. Anong sasabihin ko. "G-gusto.. gusto sana k-kitang tanungin... A-anong course ang k-kukunin mo?" Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. I can't handle this. I felt the embarrassment and my total heartbreak. He glazed at his girlfriend before tumingin sa akin. Tumawa pa siya. "I'm stuck with two. I'm planning if Engineering or Tourism." He nodded after he drank his wine. "How about you? What's your strand?" Tango tango niyang tanong at 'yung girlfriend niya at nakapulupot pa rin sa kanya but she's not literally interested with our talks. "Ahm... HUMSS?" or Stem. I don't know which one. "Oh, that's hard." He chuckled before kissing the temple of the girl. Naiingit ako. Sobra. "Sige, I'll go na. Have a great night couples! Congratulations ulit sa inyong dalawa! Have a great College journey!" Bati ko at ngumit sa kanila. They genuinely smiled at me too. I tried to sound happy for them. Well, I have to be. "Thank you! You too. Congrats! Goodluck for your senior life." Sabi nila sa akin bago ako lumayo sa kanila. Hindi ako sa table namin umupo. Pumunta agad ako sa gilid para uminom ng kung ano mang pwedeng inumin. Wala na akong pakealam kung juice ba iyon o wine. "That's liquor," Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Damn, this guy! "Uh.. Conan.." Sa mababang boses ko. "Yeah, it's me." He said huskily. Dali dali ko pa ring kinuha iyong kulay brown or something na inumin. Punong puno ang nilagay ko roon. Nauuhaw ako! I drank it before he could protest. "Hey, It's still not suitable for you." He said in a monitone. Kinuha pa niya iyong champagne glass sa kamay ko. Para ko siyang tatay na pinagbabawalan akong uminom. Ano bang paki niya? Wala siyang paki dapat. "Ugh! Ano ba?!" Galit na sabi ko at pilit na hinahablot iyong baso sa kamay niya. Hindi ko maabot! Ang tangkad kasi! Argh! "You're still not allowed to drink, miss." "Pwede na, Eighteen na ako!" Inirapan ko siya at kukuha na sana ng panibagong baso. "Really? Even if you're are not a minor anymore, this table is for graduating senior, though." His deep voice almost scared me. Medyo kinakabahan na ako ng magkalapit na ang balat namin. Medyo nakainom na rin ata siya kaya ganoon ang epekto ng alak sa kanya. I felt the bitterness in my tongue. Kumakapit pa sa lalamunan. I don't know what to do. I feel so hurt! Kung umamin ba ako ng maaga baka may mas chance? What? Bakit parang ang desperada ko! Madami pa naman sigurong mas gwapo kaysa kay Dave De Silva. "Stop it, baka makita ka pa ng teachers rito." Pagbabala niya sa akin. I cried when I remembered what happened earlier. Naiiyak ako ng hindi ko alam. Parang tanga, napahawak tuloy ako sa balikat niya. His scent sent shiver down my spine. Amoy mamahalin. "Hey," He captured my elbow, trying to hold my weight in his hands. Pinigilan kong marinig niya ang pag iyak ko. Pinunasan ko ang mata ko gamit ang likod ng mata ko kaso nahawakan niya ito. He muttered a curse when he felt that it was wet. "Are you crying? Who made you cry? What happened?" Medyo iritadong sunod sunod na tanong niya. "Funny how my crush rejected me. Alam mo 'yung pakiramdam. Masakit pala." Walang kwentang kwento ko sa kanya. I'm sure that I will regret this when I went back to my senses. He chuckled for a moment. "So you're crying because he rejected you?" Parang nag aasar pa siya. "Ew." He said in disguised. Medyo nahiya ako roon! Lasing na ba ako? parang nahihilo ako. Isang shot lang 'yun... pero puno. Hinampas ko ang dibdib niya. Napakaarogante talaga nito, judgemental pa. Pero oo nga naman, nakakahiya, umiiyak ako? dahil sa crush lang? Ew nga. I fell into him. He's almost hugging me. Para lang hindi ako matumba sa lupa. I can hear his frustation. "I'm here to enjoy my last party as a senior student, not to babysit a wasted woman. Damn." He whispered as he let a heavy sighed
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD