Naramdaman kong may bumuhat sa akin papalabas ng venue. My gosh! Kung hindi lang masakit ang ulo ko! Baka mamaya makidnap na ako.
"Jesus, what happened to you?" I heard Conan's voice while whispering curse.
Buhat buhat niya ako sa parang bridal na paraan. Iniayos niya ang ulo ko para hindi mauntog sa kotse. At least kung may mangyari man sa akin, kilala kong sj Conan ang makukulong.
Napaungol ako sa sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok kapag gumagalaw ako. Ano ba kasing alak 'yun! Tanga tanga, bakit ko ba nilagok?!
"Goodness, Please wake up." Niyugyog niya ang braso ko. Halatang nahihirapan na siya sa sitwasyon ko. I will definitely regret this.
"Ano ba...." Bulong ko habang hinihilot ang ulo ko. Grabe 'yun!
"Are you okay? I can't bring you there in that state of you." He tried to reach me but I slapped his hands.
"'Wag... s-sakit ng ulo ko." Tinuktok ko pa ang noo ko, iniisip na mawawala iyon.
"Of course. Sino ba namang hindi sasakit ang ulo pagtapos lagukin ang matinding alak. That's for teachers! yet a junior student tasted it first." Parang bata niya akong pinapagalitan habang inaayos ang aircon ng kotse niya.
Sa sobrang sakit ng ulo ko hindi ko na makita pa ang kotse niya. Basta mahal ito.
"S-suka... s-s-susuka ako!" Tinampal tampal ko ang kamay niya. I heard him curse while leaving the driver's seat.
Inalalayan niya ako papalabas at pinasuka roon sa may sulok ng halaman. Nasa tapat pa naman siguro ako ng school, hindi ba? Kapag may ginawa talaga ito sa akin, ipapakulong ko ito.
"Are you feeling better now? Water?" Inabot niya sa akin ang mineral bottle sa kotse niya.
Pinunasan ko naman ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko.
"Here, alcohol." Inabot niya sa akin ang di spray na alcohol niya. Ang dami pala niyang hawak.
"We will not go there not until you're sobber." He whispered. Inaalalayan ako papasok ng kotse niya muli. Parang mapapraning na siya sa ginagawa ko.
Wala akong ma excuse! Siguro naman kapag nagtagpo kami at nasa maayos na state na ako, pwede kong sabihin na lasing ako! Wala akong malala.
Lasing lang ako! Normal na maging ganoon kapag nalalasing, hindi ba?
"A-ayoko na d-don." Nahihirapang sabi ko. He nodded while his starring at me. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon pero nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa?
"P-patayin mo aircon! A-ang baho! Nakakahilo." Minasahe ko ang gilid ng ulo ko. Agad naman niya itong sinunod.
Nang medyo naramdaman kong maayos na ako... bigla akong napabalikwas ng ayos. Kinusot ko ang mga mata ko. Napaidlip na ata ako.
"Nasaan ako— ay gago!"
"Hi?" Conan was there, seating in the driver's seat while waiting for me to wake up. Bakit ako nandito? Iniwas ko ang titig ko sa kanya at bumaling sa bintana ng kotse niya. Malalim na ata ang gabi.
I literally ruined his night for to day. Bumalik na kaya ako? O siya? Tapos na kaya iyon? Nakakahiya.
I tried to look on the other side, iniwas ko ang tingin ko. Nakakahiya, my goodness! paano ako napunta rito? Ang alam ko umiyak lang ako nang makita may girlfriend na ang crush—
Oh that! Sobrang nakakahiya! nakakadiri. Ako? umiyak dahil roon. Parang malaking kahihiyan naman iyon. Ang babaw.
"Are you done being broken hearted?" Conan interrupted me. He chuckled, obviously teasing me. Alam niya?
"Puta, anong nangyari?" Concious na tanong ko.
Tumawa siya bago ako sagutin. Hinampas ko na. "Ano nga?!"
"You can't remember?"
"Magtatanong ba 'ko kung alam ko?" Masungit na sabi ko at tumingin sa may bintana. Tapos na kaya ang party? Hinahanap na ata ako roon.
Ikaw na talaga si walk out queen.
"Well, as what you have said... your dumbass crush rejected you. Nakasalubong lang naman kita na umiinom na ng alak ng pang teacher. Damn, I can't believe that you drink Spirytus Vodka." Galit na sabi niya. Ano raw?
Nakatitig lang ako sa kanya. Naguguluhan na hindi makapaniwala sa ginawa ko. I did that? What a shame!
His thick brows are shut while he was starring at me deadly. I must say that he look stunning this night. Like how I watched him for the rest of the time.
His hair was brush up with a little strands on his forehead. Idagdag pa ang kumikinang nitong hikaw na pakrus sa kanan na tainga, at ang mamahaling maroon na tux niya. Grabe! mukha siyang succesfull na lalaki na sa isang tingin mo lang, pagkakadarapaan mo na.
"Dadalhin sana kita sa mga kaibigan mo kaso mukha ka ng patay. Wala akong nagawa kundi magpaalam na iuuwi na kita. Nagpaalam naman ako sa isa mong kaibigan na nakasalubong ko. She even told me to..." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Napakunot tuloy ako ng noo.
"To... what?"
"Nothing." Umihip siya ng buntong hininga at tumingin sa labas. "So I carried you here. You vomited, buti hindi dito sa loob." Dismayado pa ang mukha niya sa akin pero agad niyang binago ito at ngumiti.
"Uh... ganun ba?" Naguguluhan pa rin. Sana pala bukas nalang ako nagising. Im sure makakatakas pa ako pag ganoon. "S-sige ah, salamat talaga." Pahuling sabi ko bago binuksan ang front door ng kotse niya.
Kahiy hilo hilo pa, ika ika akong tumakbo at naghintay ng taxi sa kabilang kanto. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta roon ng mabilis pero laking pasasalamat ko at mukhang hindi na siya sumunod.
I moved into college. Kinuha ko ang education na course. Gusto ko talaga maging teacher. Sabi nila ang baba raw ng pangarap ko. Mababa pa ba ito? Malaking tulong ang teacher sa bansa, ah! Kung walang teacher paniguradong walang alam ang ilang tao ngayon.
"We have a new batch mates, education din siya." Panimula ni Mrs. Tuazon, lead teacher para sa course na ito. First week palang pero may mga kaibigan na rin naman ako.
Muntik nang malaglag ang panga ko nang makita iyong magandang babae na nakasalubong ko noon. Panigurado ako, siya 'yun! Ang ganda pa rin niya.
"Uh..." Mahinhin niyang ani at nahihiyang tumabi sa harapan.
"You can now introduce yourself." Mrs. Tuazon commanded her.
"G-goodmorning everyone. My name is Kristella Nivern Corpuz. It's nice meeting you. I will be your classmate starting this day." Kabado pero sa matinis niyang boses.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paghanga sa kanya. Parang kapag nasa tapat ko siya, marerealize mo talagang hindi ka pinagpala.
"Hello..." Matining lang ang boses niya. Babaeng babae talaga. Kapag naririnig ko 'yun parang lagi kong kinukumpara sa boses ko. Nakakatakot.
"Ang ganda talaga ni Kristella, no? May iba ka bang lahi?" Tanong ni Peter na kaklase rin namin.
Tumawa siya sa malamyos niyang boses. "Huh?"
"Hindi ka ata na-gets! Baka iniisip niya ay lahing aso ang sinasabi mo." Bulong ni Gresia at malakas na tinapik si Peter na halatang inoobserbahan ang mukha ni Kristella.
Napakamot si Kristella ng ulo dahil hindi ata naiintindihan ang mga kaibigan ko.
"Uh... They are asking if you— you have... uh.. If you are half.. half blood?" Pinagsisihan ko na. Para akong tanga na feeling translator.
Malakas na natawa si Peter at Gresia sa tabi ko kaya pinandilatan ko sila. Nang bumaling ako kay Kristella ay bumubungisngis na rin siya pero dahil maganda siya, hindi ako magagalit.
"If I am half blooded? I am just one fourth spanish." Ngumiti siya sa amin. She's so beautiful talaga!
Hindi ko alam kung bakit ako nagagandahan pero kamukha niya iyong mga artista na nagkokomersiyal ng mga sabon na pampakinis. Gano'n ang vibes niya, e!
"Talaga? Espanyol ka? Naku! Mag iingat ka rito sa Pilipinas. Sinakop ng espanyo—"
Tinampal ko ang ulo ni Peter. Kung ano ano ba naman kasing sinasabi!
Maloko talaga ang kalbong ito!
"Manahimik ka, kalbo." Saway ni Gresia na nakahilig sa braso niya.
Naging kaibigan ko itong dalawa nitong nakaraan lang. Approachable
naman kasi ang ugali nila. Naghahanap din ng kaibigan. Ako pa naman ang tipo na hindi lalapit kung hindi pinapalapit.
"Aray naman! Grabe kayo wala nga akong buhok. Inaano niyo pa ang ulo ko." Reklamo niya bago ibinalik ang tingin kay Kristella.
She is very shy person, yun ang una mong makikita kapag nakita mo siya. Naalala ko tuloy noong JHS nang magkabangga kami. Naaalala pa kaya niya ako? Ayoko na rin namang itanong pa.
"Kristella, why did you education course?" Seryosong tanong ni Gresia rito. "I mean, mukha ka namang mayaman. Dapat mga business – business ang kinukuha ng mga ganiyan."
Kristella fake her cough before answering. Iniisip ko baka nahihiya na rin siya sa mga kaibigan ko. Napakadaldal kasi.
"You really think that I am rich? Oh silly, I'm just simple person like you." Parang fluent siya sa english niya. Mas lalo tuloy bumangon ang interes namin.
"Kumuha ako ng kurso na ito dahil tingin ko kaya ko namang makisama sa inyo at sa bata. I also want to share my insides with the kids. Lalo na ngayon, kulang sa kaguruan kaya ang ibang bata hindi natuturuan."
Halos malaglag ang mga panga namin. Ang galing din pala niyang magtagalog.
"By the way, call me Kristelle. Not Kristella, I hate that." She smiled sweetly like her face.
Nakakainggit din siya minsan. She's like a lady standard. Halos nasa kanya ang lahat. Kagandahan, matalino rin, mabait. Lahat na.
Hindi ako inggitera pero ngayon lang siguro.
Nang grumaduate kami sa Senior High, tuwang tuwa kaming lahat. Grumaduate kaming mga honor students. Nakapasa ako sa P.U.P. Dapat sa UST sana kaso malayo at hirap ako roon. Si Charlotte ang nakasama ko sa unibersidad na ito. Si Shannel ay napunta sa Law School, hindi ko alam kung anong unibersidad dahil mama raw niya ang pumili. Si Angel at Jell naman ang nakapasa sa UP Diliman.
Sa totoo kaya namang bayaran nina Jelliane ang eskwelahan na iyon kaso bigla silang nagkaproblema. Si Angel naman nagtataka pa rin kung saan nanggagaling lahat ng perang natatanggap niya. Hindi niya rin daw alam, hindi naman daw siya pala dasal na tao pero laging may biyaya.
"Anong gusto mong lunch?" Iniintertain ni Peter na kalbo si Kristella lagi. Pinapagaan namin ang atmosphere lalo na't ayaw sa kanya ng ilang inggiterang kaklase namin.
Kami ang nagsisilbi niyang kaibigan.
"Uh, I don't know. Sama nalang ako para makita ko ang menu." Kinuha niya ang purse nito at tumayo kasama si Peter para umorder.
Naiwan kami ni Gresia sa table. Close ko rin ito. Maganda sa ugali niya ang kalog at maingay. Pareho sila ni Peter na mapang asar.
"Ang ganda niyo, no? Feeling ko kaharap ko ang hollywood kapag katabi ko siya. Kamukha ni Megan Fox." Ani ni Gresia habang nakatitig sa umoorder na si Kristella.
Magaslaw lang ang galaw nito at babaeng babae. Mabango at laging nakangiti.
Napatingin din ako sa kanya. Sa pangingin ko ay may kamukha siya pero hindi ko maitugma.
Simula noong lumipat kami sa iisang bahay ni Ate Lucy, parang nanay na rin ang itinuring ko sa kanya. Hindi ko inaakala na may mga tao pa palang ganito sa mundo, 'yung mamahalin ka kahit hindi mo sila kaano ano.
Nagresign ako sa pagtatrabaho ko na tagahugas ng pinggan dahil sa sitwasyon ng kamay ko. Nagtry ako sa parlor at iba pang salon. Natanggap naman agad ako roon.
Hindi ako palaayos sa sarili ko. Madalas nga akong nasasabihang manang ng mga kaibigan ko dahil lagi raw akong losyang. Hindi ko naman iniinda kung ano mang mayroon sa sarili ko.
"Mag ayos ka kaya, Jayb! Kaya hindi ka nirereject ng crush mo." Ani ni Shannel habang nakaupo ako sa vanity mirror ni Jelliane sa bahay nila.
Sinusubukan kasi niya akong ayusan raw. Sayang daw ang mukha ko kung hindi mag aayos.
May isa lang naman kasi akong ipinupuna sa sarili ko. I will never change myself for someone who can't accept me from what and who am I. It's their lost, I don't have to change anything to be accepted.
Pero minsan, kailangan mo rin namang mag ayos para sa sarili mo. Para mas mapataas ang confidence mo. I wouldn't believe in the phrase that people change for another person. People change because they want to improve their selves, not to make others impress.
"Hindi ba ako maganda?" Wala sa sariling tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa mukha ko sa salamin.
Maayos naman ang mukha ko dahil nakuha ko ang kakaibang mukha ni Dad. Hindi nga lang ako mukhang Pilipino dahil mas nananaig ang dugo kong iba.
"Tanga ka ba? Itatanong mo iyan sa amin talaga? Eh, ang haba nga ng pila ng mga manliligaw mo noon." Galit na sagot sa akin ni Shannel.
"Pero hindi nga? Anong kulang?" I asked again.
"Kung ako ang tatanungin mo, Maganda ka naman, natural na maganda. Kulang lang sa ayos dahi alam ko namang stress ka sa buhay pero pwede bang magpahinga ka naman? kung itatapat mo ang porma mo sa mata ng mga kahenerasyon natin, feeling ko hindi ka pa updated sa mata nila." Sagot niya at sinuklay muli ang mahaba kong buhok na kulot kulot.
I twitched my lips. Nakalimutan ko, grabe na nga pala ang standard sa panahon ngayon. Parang sa paglipas ng taon, paiba ng paiba ang uso. At 'yun ang pinaniniwalaan nila.
Some of us used to adore others and leaving empty for itself. Wala namang mali kung gusto mong iidolo ang iba, ang mali ay 'yung sa sobra mong iniidolo, nakakalimutan mo nang may sarili ka ring ganda. We are all stuck with the trends.
And despite that similarities and differences, we should embrace our own, like how we embrace the appearance of our idols.