"Tingin mo, magugustuhan ba ito ni Kristelle?" I looked at Peter's lunch box. Nakita kong may sisig iyon. Maybe, he cooked it for Kristelle. He likes her? Ang duga! Ba't kami wala?
"Luto mo ba 'yan?" Obserba ni Gresia.
"Oo. Best recipe ko ito. Lagi ko naman kayong binibigyan noon. Pag hindi niya tinanggap ang welcome recipe ko, e'di sa inyo." He grinned.
"'Wag mo na ibigay para hindi tira tira ang amin. Tsaka baka ayaw niya ng ganyan." Panira ko kaya naman nangunot ang noo niya sa akin.
"Mukha namang masarap, ah!" Giit niya sa ginawa niya at sinara ang tupperware nito.
"Mukhang masarap pero mukhang may lason." Pang aasar ko. Tumawa pa kami ni Gresia at nag apir.
I glance at Peter and he's now glaring at us, like he wanted to attack the both of us. Padabog niyang ibinaba ang tupperware sa kamay niya at sumimangot.
"Huy, Joke lang!" Panunuyo ko. Inaasar pa ako ni Gresia na baka raw nagtampo.
"'Yung totoo... mukha bang okay?" Lumiwanag ang mukha nito at ngumisi.
"Oo, mukha namang masarap. Patikim nga!" Gresia handed her spoon to taste it but Peter grip the box away from her.
"Huwag na! Kaya di ka pumapayat, e!" Pang aasar niya kay Gresia kaya ito naman ang sumimangot. Natawa lang ako sa kanilang dalawa.
Dalawang makulit na bubwit.
"Hi guys!" Napalingon kami kay Kristelle ngayon. She looks so happy today, ah.
"Uy!" Bati ni Peter agad.
"Hello!" Sabay kami ni Gresh.
She immediately starred at us. Confuse on what we are doing earlier. before she came. Napalingon naman ako kay Peter na mabilis naitago ang lunch box.
"What's that?" Kunot noong tanong ni Kristelle habang nakatingin sa braso ni Peter na nakatago sa mesa.
"Uh... Kumain ka na ba?" Tanong ni Peter. Mahina kaming napabungisngis ni Gresia.
"Oh me? uhm... Not yet. Paorder pa lang sana." She pointed the menu.
"Ah tamang tama. May niluto ako. Sisig? gusto mo? Gusto niyo?" Wow, tinanong pa kami, ah.
"Naku busog pa ako." Sarkastikong sabi ni Gresia at tinaasan ako ng kilay. Alam ko na ang pinapahiwatig niya.
Hinihintay ko munang sumagot si Kristelle para kung sakaling bastedin niya ang niluto ni Peter, ako nalang ang sasalo.
"M-me? thank you." Kristelle smiled sweetly and gestured the table.
I saw how Peter 's fave turns into red. Kinilig, amp!
"N-nakakain ka na ba nito?"
"Nope... but I want to try it." Her smiled became wide. Mas lalong kinilig tuloy ang loko. Appreciated na, e.
Napatingin ako at patagong ngumiti. Shipper na ata ako rito. Well, hindi naman na lugi si Peter kay Kristelle. Si Kristelle nalang yata ang lugi. Char!
Mabait naman si Peter, responsable, magaling magluto, matalino, pala asar, maalaga. Pog... gwa... mas itsura naman siguro.
I'm twenty years old right now, medyo nakakayanan ko na ang hamon. Sign of aging! Masaya naman ilive ang buhay ko ngayon. Mas nakakarelate na 'ko sa mga bagay bagay.
Jelliane:
Still breathing? Palace Vegas Club @7 p.m. G or pass?
Oh I already know this. Nag aaya na naman ang party girl ninyo.
Angel:
Bawal. Sorry. Review.
Hala bawal siya. Studious naman nito.
Jelliane:
Okie. Keep it up, Doc!
Shannel:
GGGGGG! tagay na. @Angel Aral ba talaga?
Angel:
OO!
Charlotte:
Haha demonyo lumayo kayo sa akin pero game.
Natawa ako. Demonyo talaga ito. Ako nalang ang hinihintay na reply.
Jelliane:
Kay noted. Seener Jayb :(
Oh ito na nga magtatype na. Nagtipa ako ng message habang break pa naman.
Ako:
Ok boss
Mabilis naman natunog ang GC sigurado ako malulungkot si Angel
nito.
Jelliane:
Thanks girls! See you there. Don't worry I'll take you home when you become wasted. 'Wag lang susuka sa car please. Bring plastics!
Jaybriane:
Dala ko naman si Shannel.
Natawa ako sa nireply ko. Plastik daw, e! Joke! tunay na kaibigan 'yun, pinipikon ko lang.
Shannel:
Baliw ka ba? I'm real kaya >:(
Pinigilan ko ang pagtawa ko bago itinago ang cellphone ko sa bulsa. Hindi ako iinom ng marami. Natrauma na ako roon.
Natunton ng atensyon ko si Kristella na nasa may gilid ng corridor... may kasama nga lang siya pero halata ang takot at inis sa mukha niya.
"Ano ba?! I said I can do it! You're so creepy! Stop!" I rushed down to her.
I saw how Gian grabbed her wrist without any inhibitions. Nagulat din ako sa ginawa nito.
"Nasasaktan ako! Let me go!"
"Hoy! Anong ginagawa mo riyan!" Tumakbo ako papalapit at puwersang inalis ang pagkakahawal ni Gian sa braso ni Kristelle.
"Anong ginawa mo?" I spat him. He just smirked at me. Gago, ang pangit mo.
"Napakasensitive naman nito. Tinutulungan ko na nga." He sound desperate exotic man.
"You are not helping me. You're creeping the out of me. Sinabi ko na ngang kaya ko!" Kristelle screamed. Nilagay ko siya sa likod ko at tinulungan siyang ayusin ang libro na nasa kamay niya.
"I was just helping you. Over reacting ka lang—"
"Kita mo namang hindi niya kailangan ng tulong mo, hindi ba? Ganoon ka ba tumulong? Nanghihila hanggang sa masaktan ang tutulungan?!" Hindi ko na napigilan. I have anger issue so..
His bloodshot eyes settled on us. Mariin siyang pumikit bago nagtaas ng kamay.
"Ok fine. I'm sorry." Anito bago umalis at mukhang dismayado.
Bumaling ako kay Kristelle at nakitang namumula ang kanyang pulso. Napahigpit ata ang paghawak sa kanya kanina ni Gian.
"Ayos ka lang? Uh.." Hindi ko alam ang gagawin ko. Dadalhin ko ba siya sa clinic o ano? Normal lang naman siguro ang pamumula at mawawala rin 'yun diba.
"Who's that? I don't even know him. Sinabi kong ayaw ko ng tulong niya pero nagpupumilit. He even grabbed my shirt and this." Turo niya sa kanyang pulso na namumula pa rin.
"Si Gian 'yun. Playboy 'yun dito. Hindi naman guwapo, mayaman lang." I described him. Totoo naman. Just stating facts.
"Yeah right.. Natakot talaga ako akala ko kung saan niya ako dadalhin dahil hinihila niya ako. He is so annoying."
"Gusto mo isumbong natin sa officials? Nasa may baba lang—"
"No, no... don't. It's okay now. I don't want to make it a big deal or issue. Ayos na. Thank you so much." She gave me a sweet smile. Ganun na rin ang ginawa ko.
"I think I've seen you. You look so familiar. I can't remember when or where." Bigla niyang sabi. Naestatwa ako. Naalala niya ako? Hindi naman naalala pero natandaan, eh, hindi nga lang niya alam kung kailan o saan.
"Uh... baka nga. Ikaw rin... parang nakita na rin kita." I look at the halls and tried to act like thinking. Good actress ka riyan! "Ah! Nakita na ata kita. Noong High school ako. Ikaw 'yung nakabunggo ko."
Nangunot ang noo niya at nagtaas kilay. Hindi niya alam? Ano ba 'yan. Ako lang pala ang may good memory dito.
"Huh?" Naguguluhang tanong niya. Para naman ako ritong tuta na umaasang makikilala ng amo. "W-where? Hmm... sa Anton— Oh my god! Ikaw 'yun?! I remember na!"
Para akong batang nagtalon nang malaman niya. Oh my, you know what, matandaan lang ako ng tao na hindi ko close o makilala man ako. Feeling ko ang priceless na ng pakiramdam na iyon.
"The girl who bumped with my shoulders, right?" Pagkumpirma niya.
Tumango ako. "At ikaw 'yung naghahanap ng sa senior."
"Oh yeah, I'm searching for—"
Nagulantang kaming dalawa ng biglang tumunog ang bell. Hudyat na pumasok na.
"Tara na." Anyaya ko. Kumapit naman siya sa braso ko na ikinagulat ko.
"Just bestie things." She giggled while we walked together until we reach our room. Natuwa ako. Ewan ko ba, hindi ko na alam ang gender ko sa ngayon.
"Hoy ang tagal ninyo!" Salubong ni Jelliane. She was wearing a backless fitted black strap dress. Parang galawang bar na talaga!
"Ano 'yang suot niyo? We're in a bar. Luckily i bought dresses kanina." Nangunot ang noo niya. She handed the four paper bags from unknown brands.
"Try it! Malay niyo makaakit kayo ng mayamang lalaki na gwapo at mabango! Go!" She urged and wink at us. Kami namang tatlo ay hindi alam ang gagawin.
"Buang." Bulong ni Shannel habang papunta kaminng CR.
Unang tingin ko palang sa suot ko ngayon ay parang hindi ko na alam.
Walang hiya! Bra lang ata ito. Buti may dala akong maong na jacket at pwede kong takluban. I am wearing a white ruched cross band aid top at isang maong skirt. Medyo conscious pa ako kaya lagi kong binababa ito. My god! My cleavage may be exposed.
"Uy bagay pala sayo!" Charlotte praised me after she saw my outfit. She was wearing a slit sexy red dress.
"Ganda! Ikaw ba 'yan?" Nagulat din ako kay Shannel. She's wearing a ribbed ruffled bust top paired by her white jeans. Parang nag iba ang mga anyo natin, ah.
Hindi ako komportable sa suot ko kaya tinignan ko ang isang bag. Mas maayos pa ito dahil off shouder kaso crop top. I quickly changed my top and wear the pink ruffled crop top off shoulder. Mas komportable na ako rito.
"Please pag naging wild ako, ilayo niyo na ako o iuwi. Lagot ako sa boyfriend ko. Buti nga pumayag siya. Baka sumunod pa, e." Habilin ni Shannel sa huli niyang maayos na pagkatao.
"Whay should I pulled? Woman or a man?" Tanong ni Lotte. She propably getting confuse by her taste.
"Boys of course! They bring babies." Nahihiyaw na sabi ko. Medyo may tama na rin kasi ata ako o ano.
Umiling siya at uminom ng shot niya. "I don't think so. Napanood ko kung paano magbuntis. Boys used to bring heartaches for now!" She showed me a disgust face. Hindi ko alam kung dahil ba sa nainom niya o sa sinabi niya.
I searched for Jelliane. She was there, busy entertaining someone. Anak ng bar ang isang 'to kaya hindi na ako magtataka.
Shannel was there too. Dancing with the sound. Si Angel ang wala. Busy kasi iyon masyado sa pag aaral.
Kinapa ko ang cellphone ko dahil may text ako na natanggap mula kay Angel.
Angel:
Masaya?
Natawa ako habang hawak hawak ang baso. Inggitin ko kaya? I sended her the picture inside the club.
Angel:
Weh? Bumagsak sana kayo.
Pinigilan ko ang tawa ko kaya nakagat ko ang labi ko. I replied something to her before putting my phone inside my purse.
"Sino 'yan?" Curious na tanong ni Lotte na nasa harapan ko. Nasa table kami habang 'yung dalawa ay palakad lakad.
"Angel. Naiingit bakit daw kasi ngayon nag aya." Sagot ko sa kanya
"Ay? Sige sabihin mo itake out ko siya ng isang bote." She chuckled too.
Well, I am not that wild when alcohol controlled my body. I am at my limit, no! Ayoko na matrauma.
"Inom pa!" Inabot sa akin ni Jell ang isang shot glass.
"Tangina! ang duga! Ayoko na nga." I refused to drink it. Ayoko na nararamdaman ko na ang sarili kong malapit mamatay.
"Last shot!" She urge and laugh. Gagong 'to, lagot ka sa akin sa susunod. Ikaw na ang dadayain ko.
I took her offer and shot it very fast. Feeling ko hinahalukay na ang tiyan ko. Wala namang pasok bukas dahil linggo. End of shift. Maybe okay lang ito. Hindi ko na rin mabilang ang nainom ko.
Mababa lang ang alcohol tolerance ko kaya naman lasing agad. Hindi talaga akong pangmatagalan. Naalala ko na naman tuloy iyong nalasing ako sa isang punong wine glass. Malakas na alak pala ang nainom ko.
That was so embarrassing. Kapag naalala ko 'yun parang gusto ko nalang idelete iyon sa buhay ko. May nakawitness pa!
"Cr lang ako." Paalam ko kay Lotte. Hindi siya masyado nagpapauto kaya nasa maayos na mental state pa siya. Si Shannel, heto! Bagsak! Tulog. Weak.
Naka twelve na ata siyang shot o ano. Baka sunduin na siya maya maya ni Railey.
Dala dala ko lang ang purse ko na may cellphone na five percent at wallet ko na may one hundred pesos. Kanina ay three iyon, e.
"Putek!" Napasigaw ako ng muntik pa akong matapilok. Flat na nga ang daan bakit ganoon pa.
Mabilis akong pumasok sa cubicle kahit medyo hilo hilo pa. Sinuka ko lahat.
I felt relieved when I vomited the alcohol. Nakakahilo. Last ko na itong inom. Sa susunod isusumpa ko na si Jell na nag aaya.
Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang tissue na naroon at tsaka pagewang gewang muling naglakad. Hawak hawak ko pa ang ulo ko.
Parang pinupukpok ng paulit ulit itong ulo ko. Ano ba kasi iyong pinainom sa akin? Wow, umiinom pero hindi alam ang iniinom.
Ugh! Ganito na ba talaga? Ayoko na. Ito na ata ang isa sa pinakaworse kong memory sa paglalasing.
I walked towards the bathroom door. Hindi ko na kaya. I just felt someone who guided me before I fell on the flood and my sight became black. My senses were dead. Naririnig ko ang boses pero parang umiikot lang. Wala na talaga ako sa wisyo.
I am a total wasted woman in the term of parties and drinking. I can't stay for too long. Sana lang at nasa mabuti akong lagay pag gising ko bukas.