My head was still heavy like a punching bag. Pesteng alak! nakakasira ng pagkatao!
I crouched my back when I felt that I am sleeping in a soft bed. Kama ko ba ito? Ang lamig pa ng kwarto? Did Jelliane bring me home yesterday?
Kabado akong kinusot ang mata habang antok pa.
I almost fell on the bed when I suddenly realized that I don't even know this place! Baka nakidnap na ako!
Tinignan ko agad ang damit ko at laging hininga ko nang makita na ganoon pa rin. Nakarolyo pa ang buong katawan ko sa kumot.
Ang bango! Amoy mamahaling pabango ng lalaki ang kama, ah!
The room is field with grey, black, white and dark shade colored. Mayroong malaking cabinet sa tabi nitong kama. May side table. May sariling ref? Ref?! May study table sa gilid. Mayroon ding shelves ng libro ag iba't ibang cartoon collections. Mayroon ding malaking Television sa harap.
Bigtime naman pala ang kumidnap sa akin pero...
Oh my gosh! Nasaan ako?!
"You're awake." Napaigtad ako nang makarinig ng boses galing sa hamba ng pintuan.
I throw the pillow on my side to the man and covered my whole body with a blanket. Rational thoughs played on my mind. Kung ano ano na.
"Hey..." i heard his foot steps near at me. Please, umalis ka!
Teka, bahay niya pala ata ito. Siya pa ang pinapaalis ko.
"'Wag..." Nangingig na boses ko.
"Miss? Are you okay?" It sent shiver down my spine when I realized that his voice is very similar.
I unconsciously put the blanket down. Hindi nga ako nagkakamali.
Conan James was standing in front of me! Is this even real?! Mas lalo siyang nagmatured. I almost forgot how he looks like back in Highschool days.
He was wearing a grey v-neck shirt and a black sweatpants. He is also holding a white towel too. Basa pa ata.
His face matured so much. 'Yung buhok niya ay parang katulad noong batang Leonardo Di Carpio. His eyes were dark and shouting for his foreign blood. His lips is the same, cold and serious. Dagdag pa rito ang malaki niyang katawan na mukhang laman ng gym.
Oh my goodness! What a glow up!
"N-nasaan ako?" Tanging lumabas sa bibig ko.
He looked at me with his serious eyes but he smirked and lend me the towel to wipe my face. Nakamake up ba ako? Mascara lang naman at lipstick pero baka kumalat na nga iyon.
Napatingin tuloy ako sa unan niyang nakalatan ko na ata. And I never fail, may smudge na nga iyon na kulay reddish at black galing sa make up ko.
I quickly hide it inside the blanket. Sapat lang para maitago ang unan sa loob nito.
When I was about to turn to him, he was busy observing me. Weird ba ako? Pwede ko namang iexcuse na lasing ako? Lasing lang ako!
"Are you alright?" He asked softly. I gestured him that I am okay.
"A-anong nangyari? Paano ako napadpad dito?" Diretsahang tanong ko. Pinaningkitan ko pa siya ng mata.
He put his hand on the air, being defensive.
"I did nothing... I-I found you... drunk again." He chuckled. Baka iniisip niyang nakakahiya pa rin akong malasing. "For the second time."
Nanunuya pa siyang tumawa. Binato ko na ng unan. Feeling close pero bwisit, e!
Paano siya napunta roon? Nagparty party din ba siya? Paano niya ako natagpuan? Oh my god.
"How did you find me? Bakit hindi mo ako dinala sa mga kaibigan ko? You planned this?" I accused him. He looked at me with his disbelief face.
"Sa lawak ng club na iyon, tingin mo ba madali kong mahahanap ang mga kaibigan mo? Ni hindi ko na nga alam ang mga mukha nila." He said in a cold tone.
Okay, suko na ako. Naalala ko low battery rin naman ako. Wait! My phone! I have to tell them.
I open our Group chat and I was right! Hinahanap na nga nila ako.
Jelliane:
Where the hell is she? Dalawa lang itong dagang nandito.
Shannel:
Ano nangyayari? kagigising ko lang, hang over pa.
Charlotte:
Hinanap ko na sa Cr kagabi pero wala doon. Baka nakahook na?
Angel:
Di ko kayo maintindihan please lang
Jelliane:
Where the f**k is Jaybriane?! Nasaan ka @Jaybriane?!
Shannel:
Uy chill
Jelliane:
How can I be chill? Nawawala siya. Baka nakidnap na iyon o ano! Lagot ako kapag nabuntis sya ng maaga. Omg!
Angel:
@Jaybriane magparamdam ka.
Napahawak ako sa noo ko at napabuntong hininga. Nagtipa agad ako ng message at medyo kabado pa. Napansin ko ring full charge na ang phone ko. Chinarge niya?
Ako:
I'm okay na. Nakauwi na ako. Nahilo ako kagabi kaya diretso na akong umuwi. Hang over is real.
I lied.
Ilang minuto at nagreply na sila sanhi ng pagtunog ng cellphone ko.
I glanced at Conan, he was now looking straight to me.
"What did your friends say? Did you tell them?"
Umirap ako at nagtipa ng message ulit bago siya sagutin.
"At ano namang sasabihin ko? Na nandito ako sa Condo ng isang lalaking hindi ko alam kung paano ako dinala rito? Ganun ba?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ibinigay ko sa kanya ang towel niya na pinangpunas ng mukha ko.
"I was just helping." He shrugged while walking to his bathroom. Lumabas ulit siya.
May girlfriend na kaya ito? Baka sugurin ako pag nalamang nandito ako at makita ang stain ng lipstick at mascara ko. Nakakahiya naman magtanong at umamin ng kasalanan. Bahala na nga siya.
He chuckled a bit. aamba na sana akong tatayo pero muntik na akong matumba dahil pagewang gewang ako.
Mabilis naman niya akong sinaklolohan at tinulungang makatayo. Galing pa siya sa banyo.
"Wait... I'll get you a water." Aniya papunta sa ref niya roon.
Condo ba niya ito o bahay nila? Ang laki ah! Mayaman nga talaga sila.
Palaisipan pa rin sa akin kung ano ang nangyari kagabi. Wala akong maalala kundi ang pagsuka ko.
"Conan," Tinawag ko siya at agad naman siyang lumingon. "Thank you..." I gave him a small smile.
He nodded and smiled at me too. Iniabot pa niya sa akin ang tubig. Inayos ko naman ang damit ko habang lumilibot ang mga ko sa kwarto niya.
"Nagcocollect ka?" Nadaan kasi ng mata ko ang mga action figures na nakadisplay sa shelves niya. Ang dami at mukhang mamahalin lahat.
"Yes." He simply answered.
"Talaga? Ang gaganda, oh!" Puri ko at lumapit rito.
Nakita ko na kinabahan siya sa paglapit ko. Gusto ko sanang hawakan pa para makita ang kabado niyang mukha pero kailangan ay respeto dahil hindi ko naman bahay ito.
"Una na ako." Paalam mo sa kanya nang mahimasmasan ako.
"I'll drive." Mariing tugon niya. Hindi na ako nagreklamo. Umaga na pala sa labas.
"Kahapon pa kita hinahanap. Hindi ka naman nagsabi kung nasaan ka." Stress na salubong sa akin ni Ate Lucy na inaayusan ng buhok ang tatlong taong gulang na si Maicka.
Ngumiti ako kay Maicka at aakma siyang lalapit sana sa akin ngunit hinila siya ni Ate pabalik para suklayan. Napasambakol tuloy ang mukha niya at pinagkrus ang braso.
"Sorry ate, nagyaya kasi 'yung mga kaibi—"
"Naku! 'Wag na kayong uminom inom. Masama 'yan sa katawan. Gusto niyo bang maagang lumisan? Tigilan na ang ganyan bago pa mauwi sa bisyo. Maraming masamang epekto ang alak. Kolehiyo palang kayo, oh. Hindi naman sa KJ ako pero gusto ko lang sabihin na masama 'yan at hindi maganda." Sunod sunod na sermon niya. Naiintindihan ko naman.
"Hindi naman po kami araw araw na umiinom. Nagkayayaan lang po ngayon." I defended.
"Kahit na. Saan ka natulog? Next time kukunin ko na talaga ang numero ng mga kaibigan mo. Okay na nga akong sa bar, 'wag lang sa mga tambay diyan."
Lumapit sa akin si Maicka at niyakap ang binti ko nang matapos na siyang talian.
"Ate..." Maliit na boses nito. I caressed her small face.
"Ganda naman ng tali." Puri ko sa kanya. She smile sweetly. Bumaling ulit ako kay Ate na ngayon ay hindi pa rin pala ako tapos sermonan.
"Sinasabi ko sayo... tignan mo ako, maagang nabuntis, pero hindi ko naman sinisisi sa anak ko. Sa tatay niyang bwisit lang. Umiinom inom din kasi ako noon. Ayan ang napala ko. Siyam na buwan na lumobo ang tiyan."
Umupo ako sa sofa kung saan naroon ang laruan ni Maicka.
Tinanggal ko ang sapatos ko dahil ang sakit sakit ng paa ko. Mapahilod pa ako roon.
"Tsaka bakit naging ganiyan ang damit mo? Hindi naman ganiyan noong umalis ka ah. Infairness ah, maganda." Puro pa niya sa off shoulder na damit ko bago tumungo ng kusina.
Ito talagang si Ate, maobserba.
"Bigay po ito ng kaibigan ko."
Tumango siya at nilinisan ang ilang gulay doon. Tutulong ako mamaya sa pagluluto.
"Sa bagay, mayayaman ang kaibigan mo, e. Naalala ko ang makaibigan ko noon, mga dalawang anyo lang. Isang peke at matino sa harapan ko." Pagkukwento niya. Tumawa ako bago nilaro si Maicka na naglalaro ng mga blocks sa tabi ko.
"Talaga, ate?" Pangungulit ko.
"Oo, mga walang inambag sa buhay ko. Lagi akong pinupuri na maganda raw pero nalaman ko sa kanila pa galing ang mga tsismis sa akin."
"Anong ginawa ninyo, Ate?"
"E'di syempre wala! Pag aksayahan ko pa ba sila ng oras. Inunfriend ko lang, ganun!" Mayabang na sabi niya. Tama nga naman.
Kinuha ko ang phone ko sa bag. Nagstalk stalk muna ako sa f*******: dahil walang magawa. Dahil puro memes lang ang nakikita ko, lumipat ako sa Ig.
May post na agad si Jelliane roon. Picture naming apat.
Jelliane Clarisse Villega
Four out of five, night out with my girls.
Hinart ko agad ang picture nito at nagsaliksik sa comments.
Cynthia Bernardo: Four pretty bestfriends
Jelliane replied: No, we are five, Ate. Absent isa. I miss you ate!
Angeline Catherina Tolentino: Haha anduga nagpost kung kailan wala ako.
Pinigilan ko ang pagtawa ko nang makita ang comment ng kawawa.
Jelliane: Your fault. So busy.
Shannel Reign Ocampo: Pakidelete third pic! Ang epic ng mukha ko!!
Chineck ko agad ang third pic. Gulat ang muka ni Shannel doon habang nakatingin sa kung saan. Epic nga! Hahaha
Charlotte Anne Arellano: Miss you na :(
That's the comments. Two hundred hearts na agad ang post nito. Kagabi pa kasi napost.
Syempre hindi pa ako natatapos doon. Chineck ko rin ang mga nagheart dahil boring ako.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ang pangalan ng kung sino.
@CJSullivan
Isa siya sa mga nagheart doon. Finafollow nila ang isa't isa? Close pala ito, ano? So ibig sabihin kilala niya ang kaibigan ko. Bakit hindi niya ako dinala kay Jelliane kahapon?
Agad kong inistalk ang i********: nito.
Private eh! Napakalowkey naman nito.
Conan James Sullivan
22 | Student athlete
2 posts - 678 followers - 270 - following
Napabalik balik pa ang tingin ko. Napaihip nalang ako ng hangin. Inihagis ko nalang sa may sofa ang cellphone ko. Hindi ko alam kung naooff ko ba o hindi.
"Jaybriane! Bantayan mo itong sinasaing ko ah! Bibili lang ako ng manok sa labas. Kulan pala." Sigaw ni Ate at lumabas na.
"Opo!" Sagot ko pabalik. Ngumiti ako kay Maicka at pumunta sa kwarto ko para mabilis na magpalit ng damit.
Binalikan ko ang sinasaing at tinanggal ang takip nito nang kumulo na. Maya maya ay hinintay ko para patayin na ito. Mahirap na baka masunog ko ulit.
Bumalik ako sa sofa para magcheck ng cellphone ko pero laking gulat ko nang makita hawak hawak ni Maicka ang phone ko at may pinipindot doon.
"Maicka!" Sigaw ko at mabilis na inagaw ang phone sa kanya.
Nagtataka naman siyang napatingin sa akin habang kagat kagat ang hintuturo. Kinakabahan.
"Shit." Para akong nilamig nang makita ang nasa notification ko.
Conan James Sullivan followed you back.
What the frick?! Finallow ko ba siya? Hindi naman ah! Halos matapon ko na ang cellphone ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Napatingin ako kay Maicka na inosenteng nakatingin din sa akin. Her eyes started to water. Niyakap ko ito para pigilan na umiyak.
Napindot niya ata! Ayoko naman pagalitan dahil baka umiyak. "Sorry," Malabing na alu ko at yumakap siya pabalik.
"Play, Ate." Turo niya roon sa laruan niya.
Tumango lang ako at binalik ang tingin sa cellphone ko. Should I unfollow him? Halata naman pag ganoon. Kabado pa rin ako. Wrong move sobra! Bakit ko pa kasi iniwan ang cellphone doon, e! May bata nga pala rito.
"Puta," I whispered with my heart beating non stop.
I checked it again kung namamalikmata lang ako pero totoong may message na siya. Para akong mamawalan ng dugo dahil sa hiya at kung ano man.
@CJSullivan:
Are you home? I just followed you back. Is that okay?
Tanginaa!! Paano na 'yan! Peste sana maglag nalang ang cellphone ko. Nakakahiya na ah! Baka isipin niyang interesado pa ako sa kanya.