Chapter 2

1605 Words
Isang linggo bago gaganapin ang kasal ng kaibigan nila na si Daniel ay abala ang magkakaibigan na sina Gregory, Matt, Calvin at Larry sa pagplano ng magiging bachelor party ng groom. "Buddy, let's make that night extra special. Since it's gonna be the last week of you being single, I'll take care of everything and all you need to do is be more ready for the surprises. You'll surely enjoy it!" excited na anunsyo ni Matt. Ang pinakapilyo sa grupo. Magkasama sila na nag-aral sa isang exclusive school for boys since they're kids. Simula noon ay naging matalik na magkaibigan na sila. They went to the same university sa college. Palibhasa mga anak ng mayaman na negosyante kaya hindi nila problema ang maghanap ng trabaho bagamat ay naging instant managers sa kumpanya na pagmamay-ari ng kanilang mga magulang. Si Matt ang nagpasimuno at nag-organize ng party at support lamang ang mga kaibigan. Wala silang ideya kung ano ang pinag-isipan gawin ni Matt basta sila ay chill and go with the flow lang. Araw ng sabado kaya maaga na pumanhik si Gregory sa kanyang pad na sa rooftop lamang ng kanilang opisina. Alas tres pa lang ng hapon ay nagpaalam na s'ya na lumabas sa kanyang sekretarya. Nais n'ya magpahinga at ikondisyon ang sarili para sa gaganapin na bachelor party ng kaibigan na si Daniel. Sampung taon na s'ya na namumuno sa kumpanya ng ama. "Dude, ano'ng oras ba magkikita mamaya?" bungad n'ya sa kaibigan matapos sinagot nito ang kanyang tawag. "It's better to be early, I guess seven in the evening would be great," tugon ni Larry. "Okay, see you then." Mabilis na paalam n'ya sa kaibigan. Nahiga ang binata sa malambot na kama at mamaya ay magbabad s'ya sa bath tub. Doon na s'ya kakain sa hotel kung saan magkikita sila na magkaiibigan. Tumunog ang kanyang telepono. Ang Daddy n'ya sa kabilang linya. "Son, when will you come home?" agad na bungad ni Hendrick. Sa resort nila sa Batangas ito namalagi matapos mag-retire. Kasama nito ang kanyang pinsan at katiwala na nag-aasikaso rito at sa buong resort. "I'll go there one of these days, Dad. That I promise. How's everything?" tugon n'ya sa ama na napabuntong-hininga sa kanyang tinuran. Naintindihan n'ya ito ngunit hindi n'ya ugali na iwanan ang trabaho para lang makapagbakasyon. "We're all doing okay but it would be better if you can go visit us here," naglalambing na sagot ng matandang bilyonaryo. Ang kanilang pamilya ang nagmamay-ari ng isang malaking corporation na tumutugon sa data analytics, information, network servicing and softwares na napapanahon kaya mataas ang demand ng kanilang serbisyo sa mga maliit at malalaking kumpanya sa loob at labas ng bansa. "I will, Dad. I have to go dahil mamaya ay bachelor party ni Daniel and we must be there," paalam n'ya sa ama. "Wow! Good for him that he's settling down. It didn't surprise me. How about the four of you?" pangungulit ng matandang negosyante. Ang tinutukoy nito ay s'ya, si Larry, Matt at Calvin. Isang American businessman ang ama ngunit mas pinili na magnegosyo at manatili sa Pilipinas. Paraiso kung ituring nito ang bansa dahil sa likas na ganda at kayamanan na mayroon ito. Dagdag pa ang magagandang alaala noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Namatay ito sa sakit sa puso. "Dad, I'm doing just fine. I can afford any girl I want." Mayabang na sagot n'ya sa ama. "You can't buy love, that's what I'm telling you. I just hope you'll find someone like your mom, you know. Masarap ang magising in the morning with special someone," dagdag nito. Marunong ito magsalita ng Filipino dahil sa tagal na paninirahan sa Pilipinas. "I hope so, Dad. Thank you for your call though. Don't worry about me. I'll see you soon, love you!" paalam n'ya sa ama at ibinaba na ang telepono. Tinapos na n'ya ang tawag dahil hahaba lang ito sa iisang paksa. Ang tungkol sa pag-aasawa. Aminado s'ya na walang tiwala sa mga babae dahil sa tingin n'ya ay ang kayamanan lang na mayroon s'ya ang habol ng mga ito kaya walang nagtatagal sa mga naging karelasyon n'ya. Habang tumatagal ay lumalabas kasi ang tunay na ugali ng mga ito. Nagbabad s'ya sa maligamgam na tubig habang nakapikit at nag-iisip. Sa hindi malaman na dahilan ay mas excited s'ya kaysa sa groom para mamaya. Alas sais ng gabi ay nakagayak na ang binata. Nakasuot s'ya ng fitted pants at long sleeves na hapit sa kanyang katawan kaya mas naging kapansin-pansin ang magandang porma ng kanyang braso, dibdib at likod. Pagkatapos maibigay ang susi ng sasakyan sa valet parker ay pumasok na s'ya ng hotel. "Good evening! Welcome to Elite Manila and Suites!" magalang na bati ng receptionist. Nakangiti ito ng matamis sa kanya. Tumango lang s'ya rito at pinakita ang kanya VIP card. Mukhang baguhan kasi ito. Sanay na siya sa mga pa-cute at nang-aakit na titig na ipinupukol sa kanya ng mga nakakasalamuha. Agaw atensyon ang kanyang height at bulto ng katawan, bonus pa ang pagkakaroon ng magandang mukha. "This way, Sir," sabi ng receptionist at binigay ang key card. Nagpasalamat s'ya rito at bago tumuloy sa room na pinareserba ng barkada ay dumaan muna s'ya sa restaurant na malapit sa reception area. Um-order s'ya ng makakain habang wala pa ang mga kasama. Kabado si Melissa sa pupuntahan na bachelor party. Kadalasan kasi na booking n'ya ay mga formal function and business event at ito ang unang beses na sasabak s'ya sa isang bachelor party. Binigay sa kanila ni Madam Aura ang profile ng kanyang kliyente at nalula s'ya dahil hindi lang basta mayaman ang mga ito kundi super yaman. Kasama ang apat na malakas na anak-anakan ni Madam ay sabay silang bumaba sa harapan ng isang mamahaling hotel. Lulan sila ng kotse ni Madam Aura at ito pa mismo ang nagmamaneho. "Ito na siguro ang break na hinahanap natin," kinakabahan na pahayag ni Melissa sa mga kasamahan. "Oo nga, sis. Isipin mo mga bigatin ang kliyente natin tonight. Masaya na ako na makabingwit ng mataba at malaking isda," tugon ni Candy. Dumaan sila sa reception para kunin ang kanilang key card at bitbit ang mga gamit ay umakyat na ang magkakaibigan. Habang naghahapunan ay parang may kung ano'ng magnet na humahatak kay Gregory na tumingin sa reception area. Nakangiti ang receptionist sa kanya ngunit hindi n'ya ito binigyang pansin. Mas naagaw ang pansin n'ya sa isang babae na naka-suot ng maiksing damit na pinatungan ng makapal na jacket at naka-boots ito na may heels. "She's beautiful and hot," bulong n'ya. Sinundan n'ya ito ng tingin hanggang sa umakyat ito kasama ang mga kaibigan habang nagbubulungan. Nasa loob ng reserbang kuwarto na ang grupo ng mga kababaihan. Katabi ng kanilang room ang VIP room ng kanilang kliyente. "Bongga ang room 'te, tingnan mo!" sigaw ni Leslie habang iniikot ang bawat sulok ng kuwarto. Si Candy ang lider ng grupo at nakipag-usap sa nag-organize ng party na si Matt ang s'yang masusunod. Alam nila kung sino ang magiging partners nila. Si Candy ang s'yang bahala sa groom. Nagbihis na sila at nag-retouch. Light make-up lang ang kanyang gamit dahil ayaw n'ya na magmukhang clown. "Ready, girls?" tanong ni Candy sa mga kasama. "Fighting!" magkasabay na sigaw ng mga dalaga. Pumasok sila sa VIP room dahil naka-connect ito sa inuupahan na silid ng grupo. Wala pa ang mga binata. Naghanap ng pwesto ang bawat isa upang ma-surpresa ang groom kasama ang mga kaibigan nito. Lahat sila ay nakagayak ng maiksi at revealing na mga damit. Sanay na sila sa mga social event ngunit iba ito. "Dude, matagal pa ba kayo?" naiinip na tanong ni Gregory. "Almost there," maiksing sagot ni Daniel. Kasama na n'ya si Matt sa restaurant at si Larry. Si Calvin at Daniel na lang ang wala pa. Dumating na ang dalawang hinihintay saka sila magkasabay na umakyat sa VIP room na naka-reserba sa kanila. Pagbukas ng pintuan ay madilim na silid ang bumungad. "Buddy, you turn on the lights," utos ni Matt kay Daniel. "You make sure this is not something I will regret," banta ni Daniel sa kaibigan. "This is something you might regret if you missed it," untag ni Matt. "Come on, bring it on!" sabat ni Calvin. Binuksan ni Matt ang ilaw at nagulat ito sa mga nagagandahan na mga dilag sa kanyang harapan. "Wow!" tanging nasambit ni Matt at hinila na ito ni Candy at pinaupo sa isang upuan. "Last fling before the ring!" sigaw ng dalaga. Naupo ang babae sa harapan ni Matt at napapikit ito sa ginawa ng dalaga. "Oh my God, stay away from me demo*!" usal ng binata. Gumigiling at sumasayaw ang grupo ng mga kababaihan sa kanilang harapan. Maraming stunts na ginawa ang grupo ngunit napukaw ang atensyon ni Gregory sa isang pamilyar na anyo. Nakilala agad ni Gregory ang babaeng nakita kanina sa reception area habang naghahapunan s'ya. He felt something strange at sumigla s'ya dahil nakita n'ya ito sa mas malapitan. Lumapit ito sa kanya habang nakangiti at nakatitig ng malagkit. "Hi!" panimula ng babae. "Hello, what's your name?" tanong n'ya sa kaharap at sinuklian ito ng malagkit na titig. Kinuha nito ang kanyang kamay at nilagay sa kanyang maliit na bewang at kumapit ito sa kanyang leeg. Mukhang sanay na ito sa ginagawa. Naiwan si Candy kasama ang groom. Tapos na ang party ngunit parang ayaw mapaghiwalay si Gregory at si Melissa. Nagpaalam na ang mga kasama subalit naiwan ang dalawa. Hinayaan ng apat na magkaibigan ang dalawa at hinatid si Leslie, Mandy at Lory. Matagal na panahon na hindi nakakaramdam ng kakaibang init ang binata. Ngayon lang ulit napukaw ang kanyang p*********i.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD