bc

High Profiled Society: The Status Seeker Melissa

book_age18+
4.2K
FOLLOW
17.8K
READ
sex
billionairess
twisted
bxg
serious
ambitious
city
office/work place
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sa takot na mabuhay sa kahirapan ay pinili ni Melissa na maging professional escort. Nakilala n'ya ang natatanging lalaki na mababa ang tingin sa kagaya n'ya. Ayaw nito sa kanya ganun pa man ay nahulog ang loob n'ya rito dahil sa yaman at tikas nito at dahil complete package ito kaya madaling napamahal ito sa kanya. Akala nya mahuhulog ito sa bitag nya ngunit nagkamali s'ya. Nakilala n'ya ang isang matandang mayaman na s'yang natitirang pag-asa nya at handa s'yang pakasalan. Sinamantala nya ang pagkakataon at naiwan sa kanya ang kayamanan nito. Sa inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila ni Gregory, muli kayang maulit ang mainit na mga sandali na pinagsaluhan nila ilang taon na ang nakalipas? May pag-asa kaya na mapatibok n'ya ang mailap na puso ng binata ngayong mayaman na s'ya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Halos labing pitong taon nagsimulang mabuo ang samahan ng mga magagandang dilag na itinuturing na pamilya ni Madam Aura. Isang buong pamilya ng mga dalaga na iisa lang ang hangarin, ang gumanda ang buhay sa pamamagitan ng utak, diskarte, tiyaga, ganda at pakikisama. Karamihan sa kanila ay mga ampon ng matandang dalaga na ang tanging pangarap ay maging mayaman dahil sila ay naging biktima ng karahasan, pang-aabuso at kahirapan. Hindi man naging matagumpay sa buhay pag-ibig si Madam Aura ay maituturing na masuwerte dahil maalwan ang buhay nito bunga ng pagsisikap at diskarte na siyang ipinapamana n'ya sa kanyang mga alaga. Naging isa siyang anghel na sumagip sa mga kabataang babae na nakikitaan n'ya ng potensyal na gumanda ang buhay. Bawat isa ay may mga layunin sa pagpasok sa pangangalaga ni Madam Aura ngunit isang dahilan kung bakit sila pumasok dahil sa kasalatan sa buhay. Gaya ni Melissa na lumaking ina lang ang kasama ngunit hindi nagtagal at ito ay nawala. Walang magulang na gumabay sa kanya. Buong buhay n'ya ay lumalaban s'yang mag-isa. Laking pasalamat n'ya dahil nakilala n'ya ang handler sa mga panahon na kailangan n'ya ng tulong at kalinga. Sa labas s'ya ng hospital at umiiyak mag-isa nang lumapit ito sa kanya. "Hija, ano'ng problema?" tanong nito sa kawawang bata na noon ay anim na taong gulang lamang. Madungis, punit ang kasuotan at payat. "Ang nanay ko po, wala na!" malakas na iyak ng batang babae. "Bakit, ano ang nangyari sa nanay mo?" usisa ng naaawang babae na mga nasa trenta anyos na sa tantiya ng bata. "Nabundol po ngunit tinakbuhan ng nakasagasa sa kanya," pagsusumbong ni Melissa. Bata kung titingnan subalit matalino at matatas magsalita. "Nasaan ang tatay mo? Ang mga kamag-anak mo?" tanong ng kausap na nanlambot ang puso sa nakikita. "Wala rin po ang tatay ko, iniwanan na po kami simula bata pa lang po ako. Ayaw din po sa amin ng mga kamag-anak namin," naiiyak na kuwento n'ya. "Ganun ba, saan ka ngayon nakatira?" tanong ng babae. "Hindi ko po alam eh lalo ngayon na wala na ang nanay ko," sagot n'ya at bumalahaw pa ulit ng iyak. "Gusto mo ba sumama sa akin? Mga bata din na kagaya mo ang mga kasama ko sa bahay. Inaalagaan ko sila," pahayag ng babae. Maganda ito at mukhang mabait kaya mabilis na nahulog ang loob ni Melissa. Bukod pa doon ay sadyang wala s'yang malalapitan sa oras na iyon. "Paano po ang nanay ko? Hindi pa mailalabas ang katawan n'ya dahil wala po ako'ng pera," saad ni Melissa na tumutulo ang luha. "Ako na ang bahala sa kanya. Bigyan natin s'ya ng maayos na libing. Pero sasama ka ba sa akin?" tanong ulit nito. Tumango ang bata at mabilis na humawak sa mga kamay ng kaharap. "Iuuwi muna kita upang makapagpalit ka ng damit saka babalik tayo rito, okay ba iyon?" paliwanag ng kausap. "Ano po ang pangalan ninyo?" magalang na tanong n'ya sa estranghero. Kailangan n'ya sumugal kung hindi ay mamamatay s'ya na dilat ang mga mata. "Madam Aura ang tawag nila sa akin, ikaw ano ang pangalan mo?" balik tanong nito. "Melissa po," tipid na sagot n'ya. Iginiya s'ya nito sa parking lot at pinasakay sa kotse nito. Noon lamang nakasakay ng pribadong sasakyan si Melissa. Nagsimula na magmaneho si Madam Aura patungo sa bahay nito matapos ayusin ang kanyang pagkakaupo suot ang seatbelt. "Saan po ang bahay ninyo? Malayo po ba iyon?" tanong ng inosenteng bata. "Mga isang oras mula rito," nakangiting sagot sa kanya. "Bakit po kayo sa hospital?" usisa ng walang muwang na si Melissa. "Dumalaw lang ako sa isang kaibigan," paglilinaw ng magandang babae. Hindi umiimik ang bata bagkus nakatingin ito sa kanilang daraanan. Namangha s'ya sa mga nakikita na mga nagtataasan na mga gusali. Lumaki kasi s'ya sa isang sulok ng manila na akala n'ya ay hanggang doon na lang ang mundo n'ya kasama ang ina. May mas gaganda pa pala sa daigdig na kinagisnan n'ya. Pumasok sila sa isang napakalawak, malinis at pribadong lugar. May security personnel na nakabantay sa labas ng malaking subdivision. Umiikot ang mga mata ng bata sa paligid dahil malaki ang pinagkaiba nito sa kinalakihan n'ya. "Andito na tayo," nakangiting sabi ni Madam Aura sa bagong alaga. "Ang gara ng lugar, ang ganda at ang linis. Mayaman po lahat ng nakatira dito kagaya ninyo?" manghang pahayag ng bata. Umiling na napapangiti ang babae at hinila na s'ya nito papasok ng bahay. "Welcome to your new home!" Bulalas nito pagdating sa loob ng bahay. Napakalaki ng bahay. Napanganga ang bata sa lawak ng sala dahil wala pa sa kalahati nito ang kanilang buong bahay. "Dito na po ako titira?" Hindi makapaniwala na tanong ni Melissa. "Oo, ito na ang magiging bahay mo. Si Anita na ang bahala sayo upang maihanda ka na sa pagbalik natin ng hospital," pagbibigay alam nito sa susunod na gagawin. "Anita, pakiasikaso kay Melissa. Marami pa ang mga spare na mga damit pangbata diyan na kakasya sa kanya. Ikaw na muna ang bahala sa kanya at sisilipin ko ang ibang mga bata." Utos ni Madam Aura sa katulong. Tumalima naman agad ito at dinala si Melissa sa isang kuwarto. Inikot ng kanyang paningin ang magarang silid. Maganda ito kahit wala pa gaanong mga gamit maliban sa iilang damit. Inasikaso s'ya ng katulong mula sa paliligo, pagbibihis at pagpapakain. "Ate, saan po ang ibang mga bata?" tanong n'ya. "Sa kabilang bahay. May paaralan kasi si Madam dito para sa kanyang mga alaga. May private tutor sila," mahinang tugon ni Anita. "Matagal na po ba kayo dito?" usisa ng bata. "Mga tatlong taon pa lang, may dalawa pa ako na mga kasamahan ngunit sa kabila dahil doon ang kanilang assignment," sagot ng babaeng kaharap na sa tingin n'ya ay nasa edad na bente anyos. Marami pa siyang mga tinanong at lahat naman ay sinagot nito. Mabait nga ito at tunay na maasikaso. Napag-alaman n'ya na mga mahigit sampung bata ang sa kasalukuyan ay inaalagaan ni Madam Aura. At may nauna pang mga alaga ito na ngayon ay nagtatrabaho na sa babae. Hindi n'ya naitanong kung anong uri ng trabaho mayroon ang mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay ang may masisilungan hanggang sa dumating ang panahon na kaya na n'ya ang sarili. Pagbaba n'ya ay matiyagang naghihintay sa kanya ang babae. Napagpalit na ito ng damit habang nagkakape. Tumayo ito at ngumiti ng matamis. "You look so pretty, my new baby," puri ni Madam Aura sa kanya pagkatapos nitong makita s'ya sa bagong anyo . "Salamat po, gusto ko rito! Ang ganda!" masayang tugon n'ya rito. "Simula ngayon, isa ka na sa mga anak-anakan ko at maari mo ako ituring na pangalawang ina." Pahayag ng magandang babae habang nakabukas ang dalawang kamay. Tumakbo s'ya papalapit dito at niyakap ito. Masasabi na masuwerte s'ya dahil ito ang nakatagpo sa kanya. Angel in disguise kung ituring n'ya ito. Sinamahan s'ya pabalik ng hospital upang mailabas ang labi ng ina at mabigyan ito ng maayos na libing. Lahat ay inako ni Madam Aura. Nakakapagod ang araw na iyon. Gabi na sila nakauwi ng bahay. "Magandang gabi po, Madam!" Magkasabay na bati ng mga bata na hindi nagkakalayo ang edad sa kanya. Tama si Anita base sa kwento nito. "Hello, kumusta ang araw ninyo?" tanong ni Madam Aura sa mga alaga. "Okay naman po," sagot ng mga bata. "Oo nga pala, si Melissa ang bago ninyong kapatid. Gaya ng sabi ko lahat tayo dito ay magkapamilya kaya alalahanin na dapat ay sundin ang mga alituntunin at huwag kalimutan na pahalagahan ang bawat isa. Malinaw ba?" Pagpapakilala at pagpapaalala ni Madam sa bagong dating na si Melissa sa mga makakasama nito sa bahay. Kumaway ang lahat bilang pag-welcome sa kanya. Sinuklian ito ng magandang ngiti ni Melissa. "Mula ngayon, ito na ang magiging bahay mo. Dito ka na din tuturuan ng kailangan mong matutunan at dito ka na din mag-aaral," paliwanag ng pangalawang ina. Naging masaya ang mga araw para kay Melissa dahil nailibing na ang kanyang ina at s'ya naman ay nasa maayos na pangangalaga ni Madam Aura. Ngayon ay bente tres anyos na si Melissa at wala siyang pinagsisihan sa pagsama n'ya kay Madam Aura. Binihisan, inaruga at tinuruan s'ya nito gaya ng mga kasamahan. "Lahat ng makakaya ko ay gagawin ko upang masuklian ang kabutihan na binigay ninyo sa akin. Utang ko sa inyo ang lahat ng ito. Hindi ko lubos maisip kung ano ang naging buhay ko kung hindi ninyo ako natagpuan," paglalahad n'ya habang masinsinan silang nag-uusap ni Madam Aura pagkatapos ng hapunan. Pitong taon na din s'ya na sumasama sa ibang mga alaga nito bilang female escort. Mga elitista at malaking tao ang naging kliyente nila. Para sa kanya ay walang masama sa ginagawa n'ya dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mamuhay ng praktikal at nasusunod ang kanyang luho. Tanggap n'ya na maluwag sa dibdib ang propesyon na kanyang napili. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo dahil mas pinili n'ya ang magtrabaho upang masustentuhan ang sarili, makabayad sa utang na loob kay Madam Aura at sa pangarap na maaga na makapag-retiro. Nagbago ang pananaw n'ya sa buhay at walang mahalaga sa kanya kundi ang kumita ng pera upang huwag maging kawawa sa pagtanda. Mapili s'ya sa mga sinasamahan na mga raket. Mataas ang tingin n'ya sa sarili kaya hindi s'ya ang tipo na basta papatol lalo pa kung alam n'ya na makakasira s'ya. "Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" saad ng handler at manager na si Madam Aura. Inaarok nito ang tunay niyang damdamin. "Hindi po. Wala akong karapatan na mapagod dahil ito na ang nakasanayan ko at ang magbibigay ng pangarap kong buhay. Pangarap ko na maging mayaman upang makatulong at mamuhay ng malaya na nakukuha ang gusto. Takot na ako maghirap kaya hindi ako titigil habang hindi ko maabot ang pangarap ko," mahaba at puno ng determinasyon na sagot n'ya. "Alam ko na magtatagumpay ka. Suportado ko kayo lahat at wala akong karapatan na pumigil sa nais ninyong mangyari o gawin sa buhay. Masaya ako kung magtatagumpay kayo dahil alam ko na malaking bahagi ang House of Madam Aura sa puso ninyo," tugon nito na may pagmamalaki. Mukha lang itong matigas at suplada ngunit pusong mamon ito sa mga kagaya n'ya. Para sa kanila na mga alaga ni Madam Aura, tama ang pagpapalaki at turo nito sa kanila. Habang tumatagal lalong naging mas matibay ang samahan nila. Sa ngayon ay bente ang mga highly maintained at active female escorts ng House of Madam Aura. Ngunit lima ang pinakamabenta sa kanila. Sila ay sina Melissa, Lory, Leslie, Candy at Mandy

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook