The Wedding
Nagising siya sa malakas na tunog ng alarm clock na nasa gilid ng kama,naramdaman niya ang pananakit ng kanyang ulo, hita at buong katawan, pakiramdam niya ay nakipagbugbugan siya. Napahawak siya sa kayang sentido ng muling kumirot ito,iniisip niya ang nangyari kagabi wala na siyang ibang matandaan bukod sa sobrang kalasingan niya,,
Gagalaw sana siya ng may mabigat na nakadagan sa tiyan niya, saka niya lang napansin na parang may kakaiba, gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng mapansin ang katabing lalaki na nakahubad at nakayapos ang isang bisig nito sa bewang niya . kinilabutan siya at binundol ng kaba ng mapagtanto niyang maging siya ay wala ring suot na damit, tanging manipis na kumot lng ang nagsisilbing panakip ng katawan niya .
"Kyaaaahhhhh !!!!!!"- inialis niya ang braso nito dahilan para magising ito, agad niya hinila ang kumot pantapis sa katawan niya,,
mas lalo siyang kinabahan at hindi makapaniwala ng makilala kung sino ang lalaking ito na pupungas pungas na nagmulat ng mata
"ahrrgh !! ano bang !!"- tila natigilan din ito ng mapatingin sakanya . bakas din sa mukha nito ang pagkabigla nang makilala siya, kulang nalang ay lumuwa ang eye ball nilang dalawa,
hindi ito pwede ! paanong nangyari toh ??? tanging sigaw ng isip niya
"anong nangyari ??? bakit ka nandito, anong ginagawa mo dito??"- singhal niya dito, mas lalo sumakit ang ulo niya, hindi niya lubos maisip na mangyayari ang bagay na ito sakanya-sakanila ni Claide !,, bakit ito pa!!!,, gusto niya tuloy iumpog sa pader ang kanyang ulo.
"Kelly ? oh my god !! what happened??, I don't know,, -" naguguluhang wika nito at napasabunot sa sarili,
hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sabay silang napatingin sa biglang nagbukas ng pinto .
Ang mama nilang dalawa at ang tita nito ang naroon sa may pinto at gulat na gulat sa kanila . parang gusto niyang lumubog nalang sa lupa ng mga sandaling iyon, ang mata ng tatlong ginang ay palipat lipat saknila .
"Oh diyos ko !!!"- ang mama niya na napatakip ang bibig pagkakita sa kanya . lagot na siya!
"Mama !"- naluluha niyang saad, gusto niya magpaliwanag pero nagpanik na ang mga ito .
"Husko ! mga batang ito !! napakapupusok niyo !!!!"- impit naman ng tita Jenny nito kaya napatayo ang lalaki sa kama at nagkaundagaga sa pagdampot ng damit nito .
"Anong pinag gagawa niyo hah?,,bakit???" - Mama ng binata at napahawak sa kanyang dibdib
"Mom, let me explain"- Claide
"Mama, tita Let me explain"-
"No, Claide ! pananagutan mo ang ginawa mong ito kay Kelly . hindi ko akalain na magagawa mo ito sakanya, pinagkatiwalaan ka namin!"- mariing saad ng Mama nito bago tuluyang umalis .
"Dalian nyong magbihis at mag.uusap tayo . pag.uusapan natin itong pinag gagagawa niyo !"- pahabol pa na sabi ng Tita Jenny nito,
Parehas silang napamaang sa sinabi ng mga ito, parang nagpanting sa tenga niya ang narinig na "Kasalan", no nagbibiro lang ang mga ito,, isip isip niya,, napayuko nalang siya ng tuluyan ng umalis ang mga ito kasabay ang sunod sunod na pag.agos ng luha niya . nanginginig na hinawakan niya ang puting kumot na nakatakip sa dibdib niya .
"Look Kelly hindi ko alam kung paano ito nangyari sobrang lasing ako kagabi and akala ko ikaw si July, hindi ko sinasadya at hindi ko ginusto ang nangyari "- frustrated na sabi nito sakanya na mas lalo pang nagpabigat sa nararamdaman niya .
"Sa tingin mo ginusto ko rin toh ??? akala ko din ikaw yung boyfriend ko!!"- umiiyak na singhal niya dito,
"May boyfriend ka?"
"Obvious ba?" singhal niya ulit dito,nainis siya na inakala nito na siya si July,, si July na kababata niya na Ex Girlfriend nito,, ngunit pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi , hindi siya makapaniwala na ganito ang mangyayari pero wala siyang maalala . napabuga lng ito ng hangin at malungkot na tumingin sa kanya .
"I'm sorry, hindi ko sinasadya kung,,, kung ako ang-"-
"Tama na!, ayoko na marinig ang sasabihin mo, umalis kana nga dito", -aniya, nahihiya siya dahil hindi niya naman ito boyfriend tapos ito pa ang nakauna sa kanya,,
"Pero, kwarto ko toh,,"
Lalo siyang napahiya ng malibot niya ang tingin na hindi niya nga pala ito kwarto, kasalanan niya talaga ito bakit ba siya napunta dito, ganun naba siya kalasing kagabi para pumasok at matulog sa hindi niya kwarto
"Basta umalis kana lang!!!", muling sigaw niya dito, hindi na ito umimik at agad ng tumalikod sa kanya, pumasok na ito sa C.r at naligo,, naiinis siya sa kanyang sarili, ano ng gagawin niya ngayon? obvious naman na kasalanan niya, pinagsasampal niya ang noo kasabay ng kanyang pagluha,, bakit ba ang tanga tanga niya, nag inom lang nagka amnesia na,,
madadala ba ng sorry ang isang bagay na pinakakaingatan niya ay tuluyan ng nawala ???
"Napagkasunduan namin ng mga Mama niyo na Sa ayaw niyo man at sa gusto magpapakasal kayo !"- simulang saad ng Tita ni Claide na nagpabigla sakanilang dalawa. Nanatili namang tahimik ang parehas nilang Ina
"Ano ??"- Siya
"What ??"- Claide
sabay na reak nilang dalawa . parehas hindi makapaniwala sa narinig . bakit ganito kabilis ?? naluluha na sinulyapan niya ang ina . nagbabakasakali na humadlang ito .
"Wala na kong magagawa anak, ayokong magkaron ng kahihiyan ang pamilya natin . paano kung magbunga ang kasalanan nyo ni Claide ? kailangan nyong makasal sa lalong madaling panahon"- wika ng mama niya na hindi sakanya nakatingin .
"Pero mama ?? masyado pakong bata para ikasal"-
"Masyado kapa talagang bata kelly, pero bakit mo isinuko ang iyong sarili kay Claide huh? tingin niyo isang laro lang ang S E X?, na pwede niyong gawin sa edad niyong yan? "
tuluyan na siyang naiyak sa tinuran nito, may punto ito at may dahilan para magalit pero hindi kasal ang solusyon sa pagkakamali nila at sa tingin niya ay may galit ito sakanya .
"Hindi niyo to pwedeng gawin samin Mama, Tita! hindi nyo kami pwedeng pangunahan !!,, isang pagkakamali lang ang nangyari samin ni Kelly"- nagtaas narin ang boses na sabi ni Claide, ramdam niyang labis ang pagtutol nito, kahit naman siya eh,, sino ba gusto makasal sa ungas na toh
"At ano ang gusto mong gawin hah Claide ?? babalewalain mo nalang ang ginawa mo ? niyo ?? ayokong mapahiya ang pamilya natin sa pamilya nila Kelly . kaya papanagutan mo siya . Magpapakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon"- tuloy tuloy na sabi ng Mama nito na ni isa sa kanila ay walang nakaimik .
pakiramdam niya ay para siyang nabingi at tanging malakas na t***k ng dibdib niya lng ang naririnig .
paano na ??
makakaurong pa ba siya ??
maraming magtataka , magkakagulo at magkakasakitan ang madudulot ng kasalang ito ..
--