Kabanata 2

2104 Words
TUMINGIN din kay Georgianne ang lalaki at pagkatapos ay kay Luiz. At muling bumalik sakaniya ang tingin. Tumayo ang buhok ni Georgianne sa katawan sa uri ng pagsusuring iginagawad nito sakanila. Those eyes... they look so dangerous. Tumayo na ang lalaki at napalunok si Georgianne nang makita kung gaano ito katangkad. Ang kuya niyang si Elkanah ay may height na 6'1. Ngunit mas mataas pa ito sa kapatid niya! The man has this dark aura, very intimidating... yet the man is so fine. He is the perfect description of virility. Nakipag-kamay ito sa ama niya at yumuko't hinalikan ang palad ng ina, na siyang ikinangiti ng huli. Nagtaungan naman ito at si Elkanah. "Mauna na ho ako," seryosong sabi nito at tuloy-tuloy lang lumabas ng mansion na tila hindi sila nag-e-exist ni Luiz. Bastos! Sigaw ng isip niya. Hah! Sino ba ito sa tingin nito? Nag-init ang tenga niya dahil ngayon lang siya hindi pinansin ng isang lalaki. Kadalasan kasi, ang mga lalaki ay halos hindi magkamayaw makilala lamang siya. Yes. she's that proud. Alam naman kasi niyang may ibubuga siya. Maganda, mayaman at socialite siya. Nasa sakaniya na ang lahat ng gandang nanaisin ng isang Adan kay Eba. At ngayon lang siya napahiya ng ganito! The nerve of that man! Tila doon lang bumalik sa normal ang lahat at ngayon lang din napansin ng magulang na naroroon sila ni Luiz. "Nand'yan ka na pala, anak." ani ng inang si Georgina. Gusto niyang mainis. "Ay, wala ho kami rito, ma. Imagination mo lang kami," pilosopo niyang sagot. Natawa lang ang ama sa sinagot niya dahil alam naman talaga ng mga ito gaano siya ka-maldita. "Sino ho ang bisita niyo? Parang pamilyar siya saakin, but I'm sure that I never met him eh," tanong niyang nakalimutan na ring sabihing kasama niya si Luiz. Saglit na nagkatinginan pa ang tatlo at tila pinag-iisipan kung sasabihin ba sakaniya. Nakaramdam siya ng kakaiba sa mga makahulugang palitan ng mga ito ng tingin. "Sino ho ba siya?" ulit niya. Si Elkanah ang sumagot sakaniya. "It's Jaime. I don't know if you still remember him, Georgianne. That was a long time ago... may pinagusapan lang kaming importanteng bagay, sige na, umakyat ka na sa kwarto mo," utos nito. Hindi man lang pinansin ng mga ito si Luiz. Napakunot-noo siya. "Jaime...? I know him?" Dahil sigurado siyang hindi niya talaga ito kilala o nakita sa tanang ng buhay niya. Ang ina niya ang sumagot. "Si Jaime, anak. Iyong anak ng Tita Bridgette mo. Iyong batang lagi mong inaaway at ginugulpi noon," napabungisngis ang babae. Nanlaki ang mga mata niya. "S-Si... Jaime? Iyong anak ng hampas-lupang Bridgette na 'yon?!" Nanlaki ang mga mata ng tatlo sa narinig sakaniya. "Georgianne! Watch your mouth! She's your auntie. They are family friend!" galit na sigaw sakaniya ni Georgina. Napaingos siya. "Huh! I hate that woman. Siya 'yong babaeng habol ng habol kay dad noon, di ba? At muntik pa kayong hindi magkatuluyan dahil sakaniya! And now, they're family friend? Ridiculous!" "Past is past, anak. Pinatawad na namin ang isa't-isa. Atsaka, bakit ba affected ka, eh hindi naman sa'yo nangyari? Ako ngang ina mo eh nakalimutan at napatawad ko na, tapos ikaw hindi? Diyosko naman, Georgianne. Ilang dekada na ang lumipas! Kita mo nga si Jaime, binatang binata na." talak sakaniya ng ina. "At 'yang ugali mo, Georgianne, baguhin mo. Hindi lahat ng tao ay maiintindihan ka. Napakamaldita mo. Ang taray taray mo pa. Kung hindi lang kita anak at mahal na mahal eh..." ani Travis. Confident siyang napangiti. "But still, I know you love me, dad. No matter what I do, you can still forgive me. I'm your baby princess, right?" nakangising sabi niya. "Yes. But soon. Soon, you'll know. Matuturuan ka rin ng leksyon," makahulugang sabi nito. "Huh? What do you mean, dad?" Dinismiss na nito ang usapan at umalis na ang tatlo. Naiwan silang dalawa ni Luiz doon. "See? Kaya ayaw ko rin naman talagang humarap sa pamilya mo. Lagi silang badtrip saakin. Mauna na rin ako, Georgianne," Hindi na siya nakipag-argumento pa rito. Kahit naman siya ay nararamdamang bad shot talaga ang kasintahan sa pamilya, sa hindi niya rin maipaliwanag na dahilan. "O siya, sige. Mag-iingat ka pauwi. Huwag kaskasero sa daan ah," bilin niya pa rito. Hinatid niya ito sa gate nila. Palabas na ito nang muling may matandaan. "Iyong Island-hopping natin, huwag mong kalimutan ha?" nakangisi nitong paalala. Ideya nito iyon. Maganda raw ang pupuntahan nilang beach at lahat daw ng kaibigan nito ay kasama. Dahil ayaw naman niyang mag self-pity ang kasintahan ay kahit hindi pa siya nakakapagpaalam sa magulang ay nag-oo na siya. "Hindi pa ako malilimutin, Luiz. Sige na, ingat ka." Nakita niya pa ang pagsilip ng ama sa bintana mula sa master's bedroom. Siya naman ay pumasok na rin ng mansion ay pumanhik na sa itaas. Nagulat pa siya nang salubungin siya ng seryosong titig ng ama. "Georgianne, tapos ka na sa kolehiyo. Hinayaan ka namin ng ina mo na gawin ang mga gusto mo. Hindi ka rin namin pinilit na pangalagaan ang negosyo natin. Pero gusto kitang tanungin kung ano ang balak mo ngayon sa buhay mo?" Nagulat naman ang dalaga sa klase ng tanong sakaniya ng ama. Napakaseryoso. Tumikhim siya at hindi nagkaila. "Ang totoo ho niyan ay balak kong mag-model. Mayroon hong talent manager ang umaligid-aligid saakin. Malaking agency at network po ang hawak niya. Pakiramdam ko ho'y ito ang magiging kapalaran ko. Pangarap ko hong makapagrampa sa ibang bansa." Ito naman ang nagulat sa sinabi niya. Kaya naman nilubos lubos na niya. "At bago ko ho tanggapin ang inaalok saaking pag mo-modelo ay gusto naming ipaalam sainyo ni Luiz ang aming plano..." Nakita niya ang pagiging balisa ng ama na gusto niyang ikapagtaka. "A-Ano'ng plano...?" "Tiyak ho kasing magiging busy na ako sa pagmomodelo, kaya naman nakapag-usap kaming magkasintahan na magkaroon na kami ng formal engagement..." Tila gustong kumawala ng mata ni Travis sa narinig sa anak. "Engagement! Ikaw ba talaga ay nababaliw na?" "Suportado po ni Luiz ang desisyon ko sa career. Para lamang ho may kasiguraduhan ang relasyon namin nais na naming maging engaged..." Nagpupuyos sa galit ang ama. "Sira na talaga ang ulo mo sa lalaking 'yan! Baka nakakalimutan mo kung ano ang ginawa niyan sa'yo noong 18 years old ka pa lamang?! Ni hindi nga kami makausap ng lalaking 'yan, tapos ngayon sasabihin mong magpapa-engage kayo!" "Past is past nga ho, diba? Sabi ni mama. Matagal na 'yun, dad. Nagbago at nagmatured na 'yung tao..." "Nagbago? Nagmatured? I doubt that!" Napasimangot siya. "Hindi niyo naman ho kasi binibigyan ng chance si Luiz. Everybody deserves a second chance, right? Atsaka, I graduated with a flying colors. Hindi man katulad ng achievement ni kuya, pero hindi kayo mapapahiya sa marka ko." pagrarason niya. Hindi tuloy malaman ni Travis ang sasabihin. Wala sa sariling napalakad ito sa library at pumasok doon. Sinundan naman niya ito. Nagbukas ito ng libro roon, pero wala ang atensyon doon. "Hindi niyo ho binabasa ang librong 'yan, bakit ngayon, kunyari binabasa niyo?" Hindi siya nito sinagot. Mukha itong problemado. Napakunot-noo naman ang mukha ng magandang si Georgianne. Taglay ng dalaga ang ganda ng ina nito, ngunit mas maganda pa dahil namana nito ang kulay ng mata niya at bahagyang dugo ng banyaga. Ngunit ang mala-porselanang kutis ay walang pinagkaiba sa ina nitong si Georgina. Tunay ngang napakaganda ng dalaga. Kahit noong bata pa ito ay pansinin na ito dahil sa angking kagandahan nito. At kinatakutan nila iyon ng asawa dahil uso na ang mga kidnap for ransom ngayon at halang ang kaluluwa. Kaya naman todo nila itong prinotektahan sa pagmamagitan ng bodyguards. Nawala lang iyon noong humantong ito ng disiotso anyos. At kung hindi lang sila naging mahigpit na mag-asawa at ang pagkakaroon nito ng protective na kapatid ay natitiyak niyang noon pa nagkaboyfriend ang dalaga. Na alam niyang magiging problema kapag nagkataon. Sa halip na sagutin ang sinabi nito ay iba ang naging sagot niya. "Napakabata mo pa, anak. Bente-tres ka palang. Bakit naman gusto mong ma-engage agad at sa lalaking 'yan pa?" naghihinanakit na sabi niya. Natawa si Georgianne. "Ang papa naman. Napaka OA. Engagement pa lang naman po. Hindi pa kami ikakasal. At isa pa, maaring bata pa ako, pero adult na ho ako at hindi na menor-de-edad. Kayang kaya ko na nga gumawa ng bata eh," Saglit itong napaisip. "Bibigyan kita ng trip to Paris. Lahat libre at may malaking pocket money. You can also tag a friend," Nanlaki ang mga mata niya. "Really, talaga, dad? Thank you!" tuwang tuwa na sambit niya. "Only, if you promised me na hihiwalayan mo na ang walang kwentang lalaki na 'yan.' Doon siya napatigil. Hindi malaman kung maiinis o matatawa. "Nahahawa na rin kayo kay mommy. Bakit naman ho ako makikipag-break kay Luiz? Mahal ko ho 'yung tao at hindi rin naman siya papayag maghiwalay kami 'no," Namutla ang ama sa narinig. "P-Pero hindi kayo ang para sa isa't-isa anak..." Siya naman ang nagulumihanan. "What's wrong ba, dad? Bakit hindi kayo ganyan kay Kuya? Si Louisse nga na mas matanda ng siyam na taon kay kuya, hindi naman kayo nagreklamo. Tapos 'yung lovelife ko ang nakikita niyo?" manghang sabi niya. "Iba ang kuya mo at si Louisse, Georgianne! Age doesn't matter! At si Louisse ay isang matino at mabait na babae. Kapatid siya ng inyong Tiyo Ambrose. Ang gusto kong mapangasawa mo ay ang mga lalaking kilala ko at 'yung alam kong walang masamang intensyon sa pamilya natin. Isang lalaking matino at responsable. May paninindigan. Hindi puro porma lang!" Napabuga siya ng hininga. "At si Luiz ho ay hindi ganoon?" Umiling ito. "Sad to say, yes. He's still immature. Puro papogi at porma lang ang alam. Wala pang paninindigan." "How well you judged him, papa!" "Kahit ano pang sabihin mo ay hindi namin magugustuhan kahit kailan ang karakas ng Luiz na 'yan, maybe you can't understand us now, but later you will hija. You will. That young boy is not good for you. Magiging miserable ka lamang sakaniya. And I can't blame you either. You're young and naive. Inosente sa mga taong may masamang balak sakanila." Hindi makapaniwala si Georgianne sa naririnig. Kilala niya ang pamilya na hindi judgmental. Mababait ang mga ito at very humble. Down to earth, ika nga. Pero bakit gayon na lang husgahan ng mga ito ang kasintahan? "Papa..." "Ah, magtigil ka, Georgianne! Gusto niyong mag-engage pero parehas kayong walang trabaho? Puro porma kasi ang alam. Mapapakain niya ba ang anak niyo kapag nagkataon, ha?" panunubok nito sakaniya. "Eh umaasa lang din naman siya sa pamilya niya. Pamilya niyang ayaw na nga siya suportahan dahil black sheep sa kanila. Ang tagal niyo nang graduate ah, pero kailanman hindi pa nagkaroon ng trabaho..." iling iling na sabi nito. "Duh, papa. Walang problema kay Luiz makahanap ng trabaho. Anytime na gustuhin niya ay pupuwede. May restaurant business sila," "Restaurant business nila? Eh, ano bang kurso ang tinapos ng lalaking 'yan? Napakalayo sa business nila! Tingin mo ba, kung gusto niyang pangalagaan iyon balang-araw kukuha 'yan ng kursong malayo sa paghahandle ng restaurant? Disin sana'y nag business management siya o culinary o dili kaya'y HRM. Pero hindi. Kasi ayaw ng lalaking 'yan nagsisilbi sa ibang tao," Napangiwi siya. Badshot na badshot ang kasintahan sa pamilya niya. Hindi niya rin naman masisisi ang mga ito. "Papa naman..." Huminga ito nang malalim. "Sige, papayag akong bigyan ng chance ang Luiz na 'yan pero sa isang kondisyon," Lumiwanag ang mukha niya. "Really? What is it, papa?" "Pumunta ka sa Ilocos Sur. Sa Hacienda La Amarillo. Magbakasyon ka roon ng dalawang buwan," seryoso at mariing wika nito. Nanlaki ang mga mata niya. Ilocos Sur! Eh 'yong private Island nga nila sa Palawan ay hindi niya nagustuhang magbakasyon kahit parang paraiso nga ang lugar dahil napakainit at mahina pa ang signal. Tapos sa Hacienda, pagbabakasyunin pa siya? Her father must be nuts! "Papa. ang init init 'don. At ano namang gagawin ko 'ron? May kakilala ba tayo 'ron? Bumili ba kayo ng lupain doon?" takang tanong niya. "Isa iyong malawak na lupain at azucarera. Kung desidido ka talagang makataluyan 'yang wala mong kwentang nobyo, ito ang hamon ko sa'yo. Magbabakasyon ka lang naman, hindi naman kita papahirapan." nakangising sabi nito. Hindi raw, pero duda siya sa ama! Kilala niya ito, napakatuso nito. Hindi siya naniniwalang hindi siya nito pahihirapan. Pero kung ang kapalit naman nito ay matatanggap ng mga ito si Luiz ay kakayanin niya. Isa pa 'yong pinagtataka niya, halata namang ayaw siya ng mga ito paalisin ng Manila, tapos ngayon handa siyang dalhin sa isang probinsyang ni hindi niya pa napuntahan? Hindi niya maintindihan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD