Kabanata 3

2406 Words
KINABUKASAN, mula sa terrace ng kwarto ni Georgianne ay nakita niyang nakaparada ang big bike ni Luiz hindi kalayuan sa mansion nila. Saktong nagvibrate ang cellphone niya. Binasa niya ang text message galing dito. Babain mo ako, gusto kitang makita. Napangiti ang dalaga sa text nitong 'yon. Mabilis niyang sinuklay ang buhok at tinignan ang itsura sa salamin. Nang masigurong presentable pa rin siya ay dali-daling siyang bumaba ng hagdan.  Pagkalabas niya ng bahay ay mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng kasintahan. Niyakap niya ito. "Luiz, what brings you here?" Bago pa ito makasagot ay isang malakas na busina ang bumulabog sakanila. At nakita niya ang rumaragasang kotse ng kapatid na si Elkanah habang seryoso at galit ang mga titig na binibigay sakanila. Pero hindi naman ito bumaba at dare-daretso sa pamamaneho. Napapalatak si Luiz sa nakitang inasta ng kapatid dito. "Bakit ba ganyan 'yang pamilya mo saakin? Makita pa lang ako nakabusangot na ah," inis na sabi nito. Napangiwi siya. Paano ba niya sasabihing ayaw kasi ng pamilya rito? Pero alam naman niyang hindi niya makakayang sabihin 'yon dito kaya naman pinagaan nalang niya ang damdamin nito. "Alam mo namang only girl ako eh. Talagang ganoon lang sila ka-protective saakin..." Hindi ito sumagot. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Oo nga pala. Alam mo bang nasabi ko na sakanila na balak natin i-level up ang ating relasyon? I already told them na magkakaroon tayo ng engagement party," Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "Really? And what did they say...?" Hindi niya sinabi rito ang totoo. "Nakipagdeal saakin ang papa. Kailangan kong pumunta ng Haciena La Amarillo sa Ilocos Sur. At kapag natiis ko ang paghihirap na 'yon, eh hahayaan na nila tayo," Nagningning ang mga mata nito. "Ganoon? Kung gayon ay sasama ako sayo roon. Iyon lang naman pala eh. Hindi naman na malalaman na magkasama tayo." Napailing siya. "Ayaw ko ngang sirain ang tiwalang binigay nila saakin. Isa pa, napaisip din ako. Tama naman sila. Parehas lamang tayong bente-tres. Bakit nga ba nagmamadali tayo? Ang kuya nga ay 28 anyos na't may anak na sila ni Louisse pero hindi pa sila kasal. Ang lagay ba mas mauunahan ko pa ang kuya sa pagpapakasal?" Natatawang sabi niya. Mariing halik ang naging sagot nito sakaniya. Nagpaubaya naman si Georgianne. Nagustuhan naman niya ang halik na iginawad nito sakaniya at nakakatukso iyon sa sarap. But not now. Marami pa siyang dapat asikasuhin. Pinutol din naman nito agad ang halik. "Kilala na natin ang isa't isa Georgianne simula pa lamang noong kolehiyo tayo. At alam ko rin namang tayo talaga ang magkakatuluyan, bakit pa natin papatagalin? Tapos ngayon papapuntahin ka pa sa Ilocos, nilalayo ka lang ata saakin eh," Angil nito. Natawa siya. "Ano ka ba, Luiz? Hindi naman ako magtatagal 'don. At as if naman gusto ko ring pumunta 'ron! Isipin mo nalang na sacrifice ko ito sayo. Kasi once na successful ito, matatanggap ka na nila. At baka naman pwedeng gamitin mo ang panahong wala ako para magtrabaho ka na. Isa pa 'yang butas na nakikita nila sayo," "Bakit parang pinapalabas mong tambay ako at palamunin? Alam mong mayaman ang pamilya ko, hindi man kasing yaman niyo pero alam mong hindi ako naghihirap at kahit hindi ako magtrabaho ay kaya kong bumuhay ng pamilya. Kung hindi pa rin sila kuntento roon, kay daling sabihin kila papa na gawin akong restaurant manager ng main branch namin,"  Alam naman niya iyon. Tanging ang pamilya lang naman niya ang nagbibigay big deal doon. Alam niyang anytime na gustuhin nitong magkaroon ng trabaho, ay walang kahirap-hirap. Parehas sila ng ugali nito, wild and carefree. Kaya naman natitiyak niyang hindi lang ito nagtatrabaho dahil gusto nito ng buhay na walang obligasyon at stress. Perfect match nga sila. Parehas silang walang pangarap sa buhay. Dakilang freeloader. Naputol ang pag-iisip niya nang hatakin nito ang bewang niya at muli siyang halikan sa labi. At dahil nasa labas sila at ayaw naman niyang maiskandalo sila o maisumbong sa magulang na nakikipaglampungan sa kalsada, bahagyang tinulak niya ang kasintahan. "Luiz, baka makita tayo nila daddy..." may konting takot na sita niya rito. Napasimangot naman ang binata. "Masisisi mo ba ako, Georgianne? Napakaganda mo. Sana maging mag-asawa na tayo..." Natawa siya. "Ma-e-engage na nga tayo, di ba? Kaya maghintay ka lang. At bakit ba nagmamadali ka, baka nga magsaing ng bigas at maglaba ng brief mo hindi mo pa alam gawin," natatawang sabi niya. Sumeryoso ang mukha nito. "Hindi naman natin kakailanganin 'yon, Georgianne. Parehas may sinasabi sa buhay ang pamilya natin. May taong gagawa 'non para saatin," mayabang na sabi nito. "Ganoon? Mag-aasawa tayo, tapos lahat ng responsibilidad ay iaasa natin sa kasambahay? Parang hindi naman yata tama 'yon,"  Nagkunot ang noo nito. "Hindi kita maintindihan. Alangan naman ikaw ang gumawa? Huwag na nga tayong maglokohan dito. Baka nga pati undies mo ang yaya mo ang naglalaba. Quits lang tayo," napangisi ito. "Kaya nga bagay tayo eh," sang-ayon niya. Parehas silang nagkatawanan. Nagkatinginan sila at muling bumaba ang tingin nito sa labi niya, akmang hahalikan ulit siya nito roon, ngunit umiwas na talaga siya. "Luiz..." "Bakit ba ayaw mo? Papakasalan naman kita ah," angil nito. Itinirik niya ang mga mata. "Huwag ka nang sumabay sa mainit na panahon, Luiz. At isa pa, wala pa sa isip ko mag-anak!" Napapantastikuhang napatingin naman ito sakaniya. "Halik at yakap lang ang hinihingi ko sayo, mabubuntis ka agad!" Natawa siya. "Knowing you, Luiz. Alam ko kung saan-saan napapadpad 'yang mga kamay mo. So, no. I'm sorry." Napabuntong-hininga na lamang ito at iniba ang usapan. "Tungkol nga pala sa pagpunta mo ng Ilocos Sur... sasama ako sayo," Nanlaki ang mga mata niya. "Baliw ka na ba talaga? Tingin mo ba hindi malalaman 'yon ng parents ko? Ng kuya ko?" "Kung hindi mo sasabihin, hindi naman nila malalaman..." Napakunot-noo siya. "Ilocos Sur ang punta mo, hindi ba? Magkita tayo pagdating mo roon. Impossible namang walang signal doon para hindi tayo makapagcommunicate sa cellphone," Parang nagustuhan niya ang ideya nito. Siya at si Luiz, payapang nagbabakasyon sa isang lugar na walang mga matang parang CCTV kung makabantay sakaniya. "O, sige. Tignan natin. Mauna na ako pumasok sa loob, hindi naman ako nagpaalam eh." Hindi na siya nito kinontra at pinagpalagay na nagkaroon na sila ng unawaan. Pagakyat niya sa kwarto ay bahagya pang nakabukas ang pintuan ng library kaya narinig niya pa ang ama na may kausap sa cellphone nito, pero dahil nakita siya nito ay agad din nitong binabaan ang kausap. Napakunot-noo siya. "Bakit niyo ho binabaan ang kausap niyo?" Namawis ang noo nito. "H-Huh? Hindi ah. Kanina ka pa r'yan, anak?" Nagkibit-balikat siya. "Kakaakyat ko lang, daddy. Pasok po muna ako sa room ko," ~ DUMATING NA ang takdang araw nang pagbabakasyon ni Georgianne sa La Amarillo. Panay pa ang bilin sakaniya ng magulang. "Huwag ka nang magpahatid kay Jepoy, Georgianne. Pinag-off ko muna 'yong tao." "Huh? So magco-commute ho ako?" nakasimangot na tanong niya.  "Hindi ka magco-commute. Pagkahatid sayo ng kuya mo sa cubao, may nagaantay sayong itim na fortuner doon. At siya ang maghahatid sayo sa Ilocos Sur," seryosong sagot ng ama. "Wow, sosyala! Pa fortune-fortuner nalang! Kilala niyo ba ang susundo saakin?"  "Hindi 'yong mismong driver. Pero ang may-ari ng sasakyan, ay siyempre kilala namin ng 'yong ina. Papayag ba kaming pagbakasyunin ka kung hindi namin kilala?" papilosopo nitong sagot. "Okay sige. Sure kayong alam ng taong 'yan na magbabakasyon ako sa probinsya nila ha?" "Oo nga sabi. Nakahanda na roon ang magiging kwarto mo at siya ang magiging pansamantalang guardian mo roon. Nakamonitor ang lahat ng galaw mo kaya hindi ka rin makakapagwalwal doon," Guardian. Naisip agad ni Georgianne na matanda ang makakasama niya roon. "Grabe ka naman, dad! Parang napakabad girl ko naman," "Bakit hindi ba, anak? Dinaig ka pa ng kuya mo at ni Giuseppe. Kalalaking mga tao, pero behave. Pero ikaw..." napailing-iling si Georgina. "Siguro nga, masyado kitang natolerate at na-spoiled. Kaya lumaki kang maldita," Napaismid siya. "Mommy naman. Kahit ano'ng sabihin mo, alam ko namang love na love mo ako. I'm your only princess," Talunang napahinga si Georgina. "Ofcourse, mahal na mahal kita anak. Ikaw ang prinsesa namin ng daddy mo," Isang ngisi ng pagkawagi ang lumabas sa labi niya. "O sige na ho, aalis na ako. Wait, hmm... paano po ako makikilala ni manong driver?" "Nagpadala ako ng larawan mo, anak." "Okay, sana 'yung pinakita niyo eh yung pinakamaganda kong picture," humagikgik siya. "Wala kang picture na hindi maganda, anak." "Yeah, I know right!"  "Sige na, lumarga ka na. Mag-iingat ka. We're going to miss you, Georgianne." niyakap at hinalikan siya ng magulang. Gumanti siya ng yakap. "I will, mom and dad. Take care rin." bumaling siya kay Giuseppe, ang bunso niyang kapatid. "Huwag mong papabayaan sila mommy and daddy, huh?" "Ofcourse. Ikaw lang naman itong pasaway eh. Ingat ka roon, ate. I love you." ani Giuseppe. Natawa siya at niyakap ang bunso. Lumabas na siya ng mansion at sumakay sa kotse ng kapatid niyang si Elkanah na siyang maghahatid sakaniya sa tagpuan. Marami rin silang napagkwentuhang magkapatid hanggang sa hindi na niya namalayang nasa cubao na pala siya. "Alright. Hindi ko na mahihintay 'yang susundo sa'yo. I have a meeting to attend, sis." Nakakaunawang tumango siya. "Sure, kuya. You go now. Thank you and drive safely. I love you," Bago ito umalis ay tinignan pa siya nito ng tinging nakakapagpagulo sakaniya. Tila may gusto itong sabihin pero hindi masabi-sabi. Napabuntong-hininga na lang ito. "I expect a new Georgianne when you get back, okay? Mas mabait at hindi na spoiled brat na tulad mo. Magpakabait ka roon. I love you too," kinintalan siya nito ng halik sa noo at nagpaalam na. Nawe-weirduhang napailing nalang si Georgianne sa inaasta ngayon ng pamilya. Parang may nangyayaring hindi niya alam. Maya-maya ay matandang lalaki na lumapit sakaniya. "Kayo ho ba si Miss Georgianne Rosselli?" magalang na tanong nito. Tumango siya at nginitian ang matanda. "Yes po, manong. Ako nga po," Yumuko ito sa harap niya at hinalikan ang palad niya. "Kinagagalak ho kitang makilala, Miss Georgianne. Halina at pumasok na kayo sa kotse. Ako na ho ang magdadala ng kagamitan niyo," Nagulat ang dalaga sa pagsalubong sakaniya. Bakit tila VIP person siya kung ituring nito? Pero nagustuhan niya rin 'yong parang prinsesa ang turing sakaniya. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at sumakay na roon.  Habang biyahe, ay tinext niya ang kasintahang nasundo na siya. Agad naman itong nagreply na nakasakay na rin ito ng bus patungong Ilocos Sur. Ilang oras pa silang nagpalitan ng mensahe nang makatulog ang dalaga dala na rin ng antok. ~ "MISS GEORGIANNE... gising na ho," yugyog sakaniya ng driver. Naalipungatan naman ang dalaga at iginala ang tingin. Halos magdi-dilim na rin. "N-Nasaan na ho tayo, manong?" "Nandito na po tayo sa Hacienda La Amarillo," magalang na sagot nito. Napasinghap naman ang babae sa narinig. Gosh! Ganoon ba siya katagal nakatulog at pag-gising niya'y nasa Ilocos na siya? Pinagbuksan siya ng matanda ng pintuan ng kotse at ibinaba na rin ang maleta niya. Gustong humanga ni Georgianne sa mansion nakikita niya sa harapan. Luma iyon at halatang matagal nang bahay, ngunit alaga at mine-maintain pa rin ng kung sino man ang may-ari n'yon.  Malaki at napakalawak ng lupain. Napansin ng matanda ang tinitignan niya. "Ang lupang kayang abutin ng iyong paningin ngayon ay ang kinasasakupan ng Hacienda La Amarillo. Ito ay may sukat na 10,000 hectares," anito Literal na napanganga siya. "Ten thousand hectares?!" Tumango ito. "Ang Hacienda La Amarillo ang pinakamalaking pribadong azucarera, taniman, tubuhan at lupain na pagmamay-ari ng mga..." nabitin nito ang sinasabi dahil napadako ang tingin niya sa lumabas na tao sa mansion. Saglit na napahinto si Georgianne ng paghinga, at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nag-aksaya ng oras, hinagod niya ito ng tingin na parang bang isang x-ray machine ang kanyang mga mata. Sa tantiya niya ang lalaki ay mga kasing edaran ng kanyang kapatid. Kung gayon, siguro nasa mga limang taon ang agwat nito sa kanyang edad. Matangkad ito. At kahit malayo pa lang ito, kitang kita na niya ang kastanyong kulay ng mga mata nito, na titig pa lamang ay parang nanunuot na sa bawat himaymay niya. He is strikingly handsome. Ito iyong tipo ng kanyang Kuya Elkanah, seryoso, dominante but in a rugged way. Halata rin sa kilos nito ang kompiyansa sa sarili at parang sumisigaw ang karaker nito ng "kapangyarihan". Dahil doon, ay nakaramdam siya ng kaba. Nakakaintimidate ang lalaking kaharap. Gaano man ka-anghel at ka-inosente ang mukha nito, alam niyang may nagtatago roong kalupitan. Ito rin ang lalaking pumunta sa bahay nila gamit ang latest BMW. Sino ba ito? Ano nga ba ulit ang pangalan nito? Nang mapansin nitong nakatanga lang siya rito ay kinuha na nito ang atensyon niya at tumikhim. "Señorita Georgianne," magalang na sabi nito. Napalunok ang dalaga sa lalim at ganda ng boses nito. Bagay na bagay sa itsura nito. "Nagagalak akong nakarating kang ligtas sa Hacienda. Wari ko'y napagod ka sa tagal ng biyahe..." nang mapansin nitong nakakunot-noo siya ay doon lang ito natauhan. "Oh, sorry. Where're my manners? Let me introduce myself to you, I'm Jaime... Jaime Garcia," this time mayroon nang mapaglarong ngiti sa labi ng binata. Sa sinabi nito ay libo-libong memorya ang pumasok sa isip niya. Si Bridgette... ang batang si Jaime... ang batang lagi niyang inaapi api noon dahil badtrip siya sa ina nito! OA na napasinghap siya at napaatras ng lakad. This can't be! Paano naging ito si Jaime? Ang batang patpatin at uhugin na inaapi-api niya lang noon? Bakit naging ganito ito ka-adonis ngayon? Tila sumakto rito ang nauusong trending sa social media na glow-up challenge. "J-Jaime! Puberty... hits you hard," awkward na sabi niya. Natawa ito. Malayong malayo na nga ito sa dating walang confidence na bata. Nagsusumigaw ng authority ang buong pagkatao nito ngayon. "Is that a compliment, señorita? Well, fancy seeing you again after almost 2 decades," napangisi ito. "W-Wala pa namang dalawang dekada 'yon... Jaime. At... i-itong lugar, k-kanino 'to? Sa boss mo?" Hindi na rin niya napansing wala na ang driver at kanina pa nakapasok sa loob. Natawa ito sakaniya. Sinuklay nito ang makapal na buhok gamit ang mga daliri. "Silly. We owned this Hacienda. It's one of my family's heritage," Literal na napanganga siya. Ang buong Hacienda La Amarillo... ay pagmamay-ari ng mga Garcia? Pagmamay-ari ng bruhilda nitong ina? Ni... Jaime? Oh Lord, hindi niya alam na bukod sa angking kagwapuhan ay marami pa palang magandang puntos ang binata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD