Kabanata 4

1020 Words
18 YEARS AGO "Hoy! And bakit naririto nanaman kayo ng nanay mo? Wala na ba kayong house and food para pumunta rito at makikain!" Inis at malditang sabi ni Georgianne sa batang si Jaime. Hindi naman talaga siya literal na bwisit dito, pero ayaw niya sa mommy nito. Open kasi ang magulang nila sakanila. Naikwento ng mga ito kung paano nabuo ang lovestory nito. At ang tumatak talaga sa isipan niya ay ang pagiging kontrabida ni Bridgette -- ang kababata ng ama niya, na siyang ina ni Jaime ngayon. Kung hindi lang mahal na mahal ng mommy at daddy niya ang isa't-isa, for sure ang daddy at ang Bridgette na 'yon ang nagkatuluyan! Pero nagkapatawaran na ang mga ito at ngayon ay parang magkapatid ang turingan ng mommy niya at ni Bridgette. Napakalapit ng pamilya nito sakanila. Kung ang mga ito ay nakalimot na, siya ayaw talaga niya sa babae na 'yon, kaya ayaw niya rin sa anak nito. Napalingon naman sakaniya ang maputi at patpating si Jaime. Ngumiti. Isa pa 'yon sa kinaiinis ni Georgianne sa bata, kahit anong pagtataray at pang-iinis ang gawin niya ay hindi ito lumalaban sakaniya o hindi ito napipikon. "Hi Gianne," Naitirik ng malditang bata ang mga mata. "Pwede ba? Huwag mo nga akong tawaging Gianne. Ang baduy! Kasing baduy mo. At hindi tayo close para tawagin mo ako ng kung anu-ano. Georgianne. Senyorita Georgianne ang itawag mo saakin," sikmat dito ng batang babae. Namula ang mga pisngi ni Jaime at napaiwas ng tingin. "Senyorita... bagay nga talaga sa'yo 'yun..." "Tsk. Ofcourse, because I'm my parents' princess. I'm a senyorita," mayabang na sabi niya. "Senyorita Georgianne..." anas nito na tila pinagaaralan pa sa bibig ang katagang 'yon. Nabwisit siya dahil para imbes mapikon ito sakaniya ay natuwa pa. At dahil likod nito ang pool nila, nakaisip siya ng kapilyahan. Tinulak niya ito at mabilis na tumakbo. Kitang kita niya si Jaime na nagkakawag sa gitna ng pool. Napangisi siya. "Huh! Serves you right, Jaime!" Ngunit ilang sandali pa'y dumating na ang daddy niya at mabilis na inalis doon si Jaime. Nanginginig ito at nakainom ng tubig ng pool. Naroroon din ang ina ni Jaime at ang mommy niya. "Georgianne!" Malakas na sigaw ng ama sa loob ng bahay. Nakakapanginig ang klase ng tawag nito. Tila galit na galit. Nang magtama ang tingin nila ng mommy niya ay nagpaawa siya. Pero galit din ang tingin nito sakaniya. "Georgianne! Alam kong hindi ka bingi, halika rito!" Galit na galit na sigaw ng daddy niya. Wala na ngang nagawa ang malditang si Georgianne. Hinarap niya ang daddy niya. Nakita niya si Jaime na nakabalot na ng tuwalya. "What have you done this time, Georgianne?" seryosong tanong ng ama. Napairap siya. "Daddy, we're just playing!" "Playing? Kitang kita ko mula sa terasa na tinulak mo itong si Jaime. Bakit ba ganyan ang ugali mo sakaniya? Jaime is like your kuya Gio. Mabait na bata at pasensyoso sa'yo!" sigaw nito sakaniya. Nag-init naman ang mga tubig sa mata niya. Hindi siya makapaniwalang ganoong ipagtanggol ng daddy niya ang Jaime na ito. Napuno ng selos ang batang puso niya. "I don't like him, daddy! Bakit ba kasi pumupunta pa 'yan sila rito? I hate him and I hate his guts!" Sigaw niya sa napakamalditang tinig. Namula ang buong mukha ng daddy niya at akmang papaluin siya ngunit umentra si Bridgette. "Travis, huwag mong saktan ang bata. Ganoon talaga ang mga bata..." "Huwag kang mangialam, Bridgette. Dinidisplina ko itong maldita kong anak. Kapag ito hindi naitama, lalaki itong sakit sa ulo. Ikaw..." lumapit sakaniya ang ama at pinalo siya sa puwit. Hindi naman 'yon masakit. Pero doble-dobleng sakit ang naramdaman niya dahil ngayon lang siya nasaktan ng daddy niya at dahil pa 'yon kay Jaime! Mas lumalim tuloy ang inis at galit niya sa bata. Nag-aapoy ang mga matang tinignan niya ito. Nakatingin din naman ito sakaniya. Akmang papaluin ulit siya ng ama nang magsalita si Jaime. "Tito... stop. H-Huwag niyo na po saktan si Georgianne..." Nanlaki ang mga mata ni Travis sa narinig. "She almost kill you! Paano kung walang nakakita na tinulak ka niya? Hindi ka marunong lumangoy! Kahit anak ko 'to, hindi ako nangungunsinte," Ngumiti si Jaime. "Okay naman na po ako, tito... kawawa naman po si Georgianne. Namumula po agad ang balat niya sa kaunting paghigpit lang ng hawak. Kawawa naman po ang prinsesa niyo kung sasaktan niyo siya... look at her," Tinignan nga nila ang bata. Napakasensitive nga ng balat nito na higpitan lang ng hawak ay namumula. Luhaan din ang tila manikang mukha nito isama pa ang uhog sa ilong dahil sa pag-iyak. At naiinis ang batang si Jaime na kahit luhaan ito at uhugin, napakaganda pa rin ni Georgianne. Tisay na tisay. Parang kahit ang maldi-maldita, mahirap magalit at mainis dito. Pero hindi papapigil si Travis. Nahihiya siya kay Jaime at kay Bridgette. Ang asawa namang si Georgina ay sang-ayon sa gusto niyang pag disiplina sa malditang anak. "Please tito, okay na po. Don't hurt her especially infront of us... mas magagalit lang siya. Okay naman na po ako, hindi ko nalang po gagalitin si Georgianne sa susunod. Ako po ang mas nakakatanda sakaniya, ako po dapat ang umunawa. Kawawa naman po ang prinsesa niyo eh," Napailing-iling si Travis at hindi na nga piinalo ang anak. "Pasalamat ka't napakabait nitong si Jaime... ikaw, ewan ko saan ka ba nagmana ng kamalditahan. O masyado ka naming na-spoiled? Ang kuya Gio mo ang bait bait naman..." Napairap si Georgianne. "Nagtanong pa po kayo saan ako nagmana! Eh diba po 'yung pregnant si mommy saakin eh lagi n'yang kausap si Bridgette? Saan pa ba ako magmamana? Kundi sa pinaglilihian niya?" Talagang matalas na ang bibig na sabi nito. Napasinghap ang lahat. Pulang pula sa galit ang mag-asawang Rosselli. Samantalang ang mag-inang Bridgette at Jaime ay na-a-amuse. "Ikaw bata ka--" Natatawang pinigil ito ni Bridgette. "Don't be too harsh on her, let her be. Sa totoo lang, natawa ako. She's too cute. Napakaprangka magsalita. I like you more now, Georgianne. So feisty. And oo nga? Maldita naman talaga ako diba? Baka nga kaya namana ni Georgianne..." natawa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD