Kabanata 5

1003 Words
18 YEARS AGO Apologetic na tinignan ni Georgina ang kaibigang babae. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Bridgette..." Cool na ikinumpas ng babae ang kamay sa ere. "I can't blame her, totoo naman kasing naging kontrabida ako sa lovestory niyong mag-asawa. At 'yung pinagbubuntis mo siya, ako ang pinaglilihian mo. Hindi ka naman maldita, eh. So saakin nga nagmana," natawa ito. Naningkit ang mga mata ni Georgianne at hindi 'yon matanggap. "Me? Sayo magmamana? No way!" "Kasasabi mo lang diba?" Nakangiting sagot ni Bridgette. "At alam mo ba? Iyong nasa tiyan ka palang ng mommy mo, lagi kang pinapakinggan ni Jaime. Tuwang tuwa sa'yo itong anak ko kapag sumisipa ka sa tiyan ng mommy mo..." nangniningning ang mga matang wika nito. Nahiya naman ang batang si Jaime. "Mom!" Tinignan nito ang anak. "What? I'm just telling the truth. Sabi mo nga diba, sana maging babae ang anak ng Tita Georgina mo, nangyari nga... kaso para naman kayong aso't pusa," Pulang pula ang mukha ni Jaime sa narinig. "And oh, Georgianne... did you know na si Jaime ang nagbigay sa'yo ng pangalang Amari?" Nanlaki ang mga mata ng dalawang bata. "That is not true! Sinunod ang name ko sa name ni mommy! She's Amara Georgina! Kaya naman ako, Amari Georgianne!" tili ng malditang babae. At dahil nga parehas maldita, hindi rin papatalo si Bridgette. "Yes, you're right. Pero hindi ka dapat talaga Amari Georgianne. Dapat ang name mo talaga is Amanda Georgette. Kaso sabi ni Jaime, bakit hindi isunod ang name mo sa name ng mommy mo? Amara and Amari..." Nanlaki ang butas ng ilong ni Georgianne sa narinig. "No! That's not true! Never!" Natawa si Bridgette sa expression nito. "Alam mo? Ganyan na ganyan ako tulad mo noong bata pa ako, mas maldita ka lang..." Umusok ang bumbunan ni Georgianne. "So you're basically implying that we share the same personalities? No way!" "Mahirap talaga matanggap ang katotohanan... anyway, Jaime, ano nga ba ulit ang meaning ng Amari? Bakit nga ba Amari?" Namula ang mukha ng batang lalaki pero sinagot naman ang ina. "Amari means promised by God..." "And why is that?" "'Because in my dream, I ask God to give us a baby girl and he promised me that. And the day Georgianne was born... God really made that promise," Jaime sheepishly smiled. Napakamahiyain nito. "See? Georgianne? You can't hate my son forever. He will be forever part of you. He named you sweety," totoo at mapang-asar na sabi ng babae sa bata. Gigil na gigil si Georgianne. Tinignan niya ang ina. "Is that true, mommy?!" At dahil totoo naman talaga, tumango ang ina. Napasigaw ng todo ang malditang bata at nagwalk-out. Hindi niya matanggap na ang napakagandang pangalan niya na buong inakala niya ay simpleng sinunod lang sa pangalan ng ina, ay ang patpating si Jaime pala ang nagbigay! ~ TUMIKHIM SI Jaime dahilan para makabalik si Georgianne sa kasalukuyan. "Pumasok ka na sa loob, Senyorita Georgianne. Mahirap nang maarawan ang kutis mo... I remember, mabilis mamula ang balat mo," Bagama't may paguutos sa tinig nito ay nakangiti ito. Bago pa siya makapagsalita ay tumunog ang cellphone niya na pagkalakas-lakas. Kinuha niya 'yon sa bulsa at nakita niya ang pangalan ni Luiz sa screen. Oo nga pala, ang kasintahan! Tiyak niyang naroroon na rin sa Ilocos Sur ang lalaki. "Wait lang, sagutin ko lang muna 'to," aniya at tinuro ang cellphone. Pero bago niya pa magawa 'yon ay seryosong hinawakan ng binata ang braso niya at kinuha roon ang cellphone niya. Nang tignan nito ang nasa screen ay mas nagseryoso ang mukha nito. Tila walang emosyon, mahirap basahin. "B-Bakit mo kinuha ang cellphone--" Naiinis na pakli niya. Sino ba ito sa tingin nito para kunin nalang basta-basta ang gamit niya? Nang magtama ang mga paningin nila, hindi alam ng dalaga, pero nais niyang manginig. Mayroong something sa mga titig nito na nakakapagpakaba. "It's rude that someone is talking to you and then sasagutin mo lang ang mga walang ka-kwenta kwentang mga tawag..." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi makapaniwala. Napasinghap siya. "Walang ka-kwenta kwentang tawag! You don't understand, Jaime. He's my--" Ikinumpas nito ang kamay sa ere na tila dinidismiss na ang anumang sasabihin niya. "Your boyfriend. Sorry, pero hanggat nasa teritoryo at pangangalaga kita, ang aking kabaitan ay hanggang saiyo lamang..." malalim na sabi nito. Napakunot-noo si Georgianne at hindi maintindihan ang sinasabi nito. Masyadong malalim at mahiwaga. Ano'ng hanggang sakaniya lamang ang kabaitan nito? At paano naman nito nalaman na boyfriend niya 'yung tumatawag? Sa dami ng pwedeng tumawag sakaniya, mga kaibigan, paano nito nasabi na si "Luiz" ay nobyo niya? Nakakapagtaka! Napalunok siya. "P-Pero siguro naman pwede mo nang ibalik saakin ang cellphone ko...?" Panunubok niya. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang takot bigla kay Jaime. At kay Jaime pa talaga! Out of all many people, sa lalaking ito pa siya matatakot! Hindi naman siya ganoon dati rito. Ito ang klase ng lalaki na kayang-kaya niya. Pero ngayon...? Nagkibit-balikat ito at ibinigay sakaniya ang cellphone niya. "Don't use it infront of me or if you're with me, understood?" Mukhang hindi naman ito nakikiusap, mas matimbang dito ang pag-uutos na siyang mas lalong kinagugulat niya rito. Ang Jaime na kilala niya ay kailanman hindi naging dominante. Lagi lang itong nagpapaapi at umu-oo sakaniya. Ano'ng nangyari dito sa halos dalawang dekada? Hindi alam ng dalaga kung anong kapangyarihan ang ginamit nito at kung bakit pakiramdam niya ay napapasunod siya nito ngayon. Hindi pwede! Siya si Georgianne Rosselli, mapapasailalim lang ng kapangyarihan ng isang Jaime? No way! Pero hindi niya maibuka ang bibig niya. At talaga bang mabibigo siya sa hamon na ito ng ama? Dapat niyang tandaang dito nakasalalay ang future nila ni Luiz! Kung susuko agad siya, tiyak mapaghihiwalay sila ng nobyo dahil matagal ng badshot dito ang pamilya niya. Ipinagpalagay ni Jaime na naiintindihan na niya ang nais nito kaya naman kinuha nito sakaniya ang natitirang gamit niya. "Sa loob ng bahay, Senyorita Georgianne." Sunod-sunurang sumunod dito ang dalaga. ITUTULOY SA SUSUNOD NA KABANATA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD